Chapter Two: TOWEL DROP
✧ACE LEE✧
I sat quietly in the front, at my desk, while watching my students. Their eyes fixated on their paper while answering. No noise, no one speaking and not even a crack could be heard inside the classroom. They are used to this dahil alam nila na ayoko talaga ng maingay sa klase ko.
My eyes diverted to my wife, Keycee, who's still scanning the book. Hindi pa rin siguro niya na-gets ang diniscuss ko kaya
hanggang ngayon ay binabasa pa rin ang nasa libro. Halata sa mukha niya ang pressure at pagkainis.
Naalala ko tuloy ang ginawa kong pagsagot sa assignment niya kagabi.
Yes. I did her assignment. Papalabas na sana ako sa kwarto niya nang maisip kong gawin ang assignment niya. Kung hindi kasi ito gagawa ay wala akong choice kun'di ang hindi siya tanggapin sa klase ko. Kaya bumalik ako sa loob at dahan-dahan kong kinuha ang notebook niyang nadadaganan ng
mukha niya.
"Sir? P'wede po ba magtanong?" one of my students snapped me out of my thought.
"Go ahead," I said as I nodded my head. Lumapit siya sa 'kin at ipinakita ang notebook niya kung saan mayroon siyang hindi maintindihan.
✿♡ KEYCEE ♡✿
Buong discussion, nakanganga lang ako at walang naintindihan kahit isa. Feeling ko kapag binabanggit ni Ace ang f(x)=2x-3 karenas-boom-eklabu-chenes ay parang alien language ang dating sa akin. Wala akong maintindihan. Kaya naman ngayong may seatwork, nganga rin ako.
Kinuha ko ang libro at pinag-aralang mabuti kung paano naging gano'n at kung paano naging ganito ang mga bagay-bagay sa mundo. Inaamin ko naman na wala akong talent sa math, pero bakit kailangan pang ipamukha sa 'kin ng buong libro?
Sighed.
Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang isa sa mga kaklase ko na tinawag si Ace. May itatanong daw ito kaya lumapit doon sa harap, sa table ng asawa ko. Siya si Myra. Siya ‘yung mahilig magpa-cute kay Ace. Tipong kunwari hindi niya naintindihan para may chance siyang magtanong at lumapit sa asawa nang may asawa!
Narinig ko kung ano ang tinanong niya pero hindi ko ‘yon naintindihan. Sumagot naman si Ace ngunit hindi ko rin naintindihan ang pinagsasabi niya. Bobo kasi ako. Minsan nga, parang gusto ko na lang sabunutan ang sarili ko.
Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa papel ko nang mapansin ko na iba na naman ang tingin ni Myra kay Ace habang patuloy si Ace sa pagpapaliwanag sa kaniya. Bigla akong nainis. Ang sakit nila sa mata.
I turned my gaze back to my paper dahil baka masuntok ko pa ang ngala-ngala ni Myra. Hindi na lang ako magpapasa ng papel mamaya, tutal wala naman akong maisagot. Okay lang na hindi ako mag-pass at ma-zero na lang. Kasi gano'n din naman kapag nagpasa ako ng papel na walang sagot, zero rin. At kahit sagutan ko pa, zero pa rin. Ewan ko ba. May sagot at wala ang papel ko, zero talaga.
Dumukdok na lang ako sa desk ko. Ang sarap ng klase kapag ganito. Iyong tipong wala kang naririnig kahit isang ingay. Ganito kasi talaga sa math class namin. Maraming bawal. Syempre, sino pa nga bang may gusto no'n kundi si Sir Ace. Ang nag-iisang Ace Lee.
Kapag ibang teacher ang kaharap namin, para kaming mga nakawala sa kural. Pero kapag siya na, speechless na kaming lahat. Wala kang maririnig kahit isang bulong. Ni pagpilas ng papel ay dinadahan-dahan namin huwag lang niyang marinig. Sobrang tahimik talaga.
P'wera na lang kapag lumabas siya. Doon na kami magdadaldalan. Iyong mga lalaki naman, magbabardagulan na akala mo ay ngayon lang ulit nagkita-kita. Pero pagbalik ni Ace, tatahimik ulit kami na parang hindi magkakakilala.
Kapag nasa klase niya, bawal rin manghingi ng papel. Kailangan always kang may extra paper dahil kapag nahuli kang nanghingi, minus ten ka sa quiz at minus twenty naman ang hiningan mo. Oh, 'di ba? Saklap! Mas malaki ang minus nang nagbigay, kaysa do'n sa parasite.
Bawal din ang walang dalang libro. Dapat always nasa bag ang book mo para hindi mo makalimutan. At dapat may assignment ka na
ipapakita bago pumasok ng room. Kung wala, wala ka rin attendance. Sa ayaw at sa gusto mo, absent ka. At kapag examination day naman, nahahati ang section namin sa dalawang batch, first at second. Instead kasi na one seat apart,
ginagawa niyang two seats apart para wala talagang makapangopya. At dahil hindi nagkakasya sa room, kaya nagiging dalawang batch.
Kapag naman may exam, quiz or seatwork, bawal ang erasure, kahit kaunting bura. Bawal din mangopya. Kapag nahuli kang nangongopya, dalawa lang ang p'wede mong pagpilian. Babagsak o babagsak?
Gan'yan kalupit si Ace. I mean, si Sir Ace. Kahit ako ay natatakot sa pagiging istrikto niya. Sa bahay nga hindi kami masyadong nag-uusap, eh. Madalang lang kaming magkaroon ng conversation. Kung magkaroon man kami ng pag-uusap ay tipong 'kumain ka na?' o 'papasok ka na?' lang ang sinasabi namin. At kung minsan pa nga ay dumadaan ang araw na never talaga kaming nag-uusap. Ewan. May time kasi na natatakot ako sa kaniya.
Kaya kung itatanong niyo kung bakit kami kinasal gayong hindi naman pala kami nag-uusap, dahil ‘yon ang kagustuhan ng lolo niya. Matalik kasing magkaibigan ang lolo niya at lolo ko—sa side ni papa. At hayun nga, nireto na agad sa 'kin si Ace. Pero binigyan nila kami ng chance na makilala ang isa't-isa. Nag-date muna kami for about a month para raw magkakilala. Pero . . . hindi naman talaga kami nag-date.
Ayaw niyang makipag-date sa akin noon. Ang sabi niya, busy raw siya kaya tinuruan niya akong magsinungaling. Like, kapag tinanong daw kami ng lolo niya kung nag-date kami, sabihin ko raw na, oo. Gano'n lang ang set up namin lagi hanggang sa sinabi ng lolo niya na magpakasal na raw kami. But we are both against the idea. Kaso lang, nagdrama ang lolo niya na kung hindi raw kami magpapakasal, ikamamatay niya raw 'yon nang maaga. Pero hindi pa rin doon nadala si Ace. Sinabi niya na ayaw niya pa rin. At syempre, ako naman, sobrang saya ko dahil hindi rin talaga ako payag.
Ang akala ko after no'n ay okay na—na wala ng kasalan na magaganap. Pero isang araw, nagulat na lang ako nang ibalita sa 'kin ni mama na pumayag na raw si Ace sa hindi ko malamang dahilan. And then, BOOM! Rush wedding pa nga ang nangyari dahil kinabukasan, pagkatapos ng kasal ay may pasok na agad kami sa school.
Kailan lang din naman kami ikinasal, wala pa nga kaming one-year na nagsasama. Kaya masasabi ko na hindi ko pa siya masyadong kilala bilang Ace Lee na asawa ko. Pero bilang isang math teacher, kilala ko na siya. So strict!
Nagsasama na rin kami sa iisang bahay dahil 'yon ang gusto ng lolo niya. Pero hindi kami magkasama sa kwarto. Like, duh! I'm only seventeen pa lang at siya naman ay twenty-two.
Iyong school na pinapasukan naming dalawa ay pag-aari ng lolo niya. Yes. Lolo niya ang director ng school na 'to. Pero walang nakakaalam ng tungkol sa amin ni Ace. Iyon din kasi ang ipinakiusap ko sa lolo niya. Hangga't maaari, ayoko na may makaalam na kasal kami at sa iisang bahay lang nakatira.
✧ACE LEE✧
Nakatingin ako kay Keycee habang natutulog siya. Wala nang tao sa classroom ko kun'di kami na lang dalawa. May next subject pa sana siya pero nagkaroon ng emergency meeting kaya wala ng klase. Nakauwi na rin ang ibang mga estudyante.
Lumapit ako para tapikin siya sa braso. "Keycee?" I called her. Hindi pa rin siya sumasagot at tulog na
tulog. "Miss Dela Vega?" I called her again.
"Mmm~" Halos pag-ungol lang ang
isinagot niya sa ‘kin, halatang antok na antok pa.
"Gigising ka ba o i-lo-lock kita rito sa loob?"
Para siyang biglang natauhan nang marinig ang boses ko. She looked up at me. "S-Sir? Sorry po."
Mabilis siyang tumayo at inayos ang gamit niya. Ngayon niya lang na-realize na nakatulog siya. Kinuha na niya ang bag niya at mga libro.
"Umuwi ka na. Wala na kayong klase," I informed her. Tumango lang siya at lumabas na sa room. Hindi na rin siya nagpasa ng papel niya, which made me shake my head.
✿♡ KEYCEE ♡✿
Grabe! Nakakahiya talaga! Bakit ba kasi ako nakatulog nang gano'n katagal? Ako na lang pala ang natitira sa room kanina? At ang mababait kong mga kaibigan ay hindi man lang ako ginising. Mga taksil!
Naglalakad na ako pauwi sa bahay. Tinitisod ko pa ang maliliit na bato nang biglang may kotse na bumusina sa bandang likuran ko,
dahilan para magulat ako. Pero hindi ko ‘yon pinansin ko nilingon. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Nasa gilid naman ako kaya bakit n’ya ako bubusinahan? Bulag ba s’ya?
Pumantay sa akin ang sasakyan at sumilip sa bintana si Ace. Oh. S’ya pala 'yon? "Sakay na.”
"Ako ba, sir?" tanong ko sabay lingon sa kaliwa't-kanan.
"May nakikita ka ba na hindi ko
nakikita?" masungit niyang tanong.
Hindi na lang ako kumibo at pumasok na sa loob ng
sasakyan niya dahil baka magalit pa siya. Pagpasok ko ay tahimik lang kami pareho. Nasa passenger seat ako, magkatabi kami. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay. Pagdating sa bahay umakyat agad ako sa kwarto ko.
Nagbihis ako at bumaba ulit sa hagdan. Pinuntahan ko si yaya na kasalukuyang nasa kusina, nagluluto.
"Ya, ano po 'yan?" tanong ko habang nakatingin sa niluluto niya.
"Menudo. Paborito ni Ace.” Menudo pala ang favorite niya? Ngayon ko lang nalaman 'yon, ah. "Oh. S'ya, sige. Pakitawag mo na ang asawa mo sa taas. Sabihin mo handa na ang tanghalian."
Sinunod ko na agad si yaya. Umakyat ako sa taas at tumapat sa pinto ng kwarto ni Ace. Nakatayo lang ako ro'n at saglit kong pinag-iisipan kung kakatok ba ako o papasok na lang. Syempre, kumatok ako para hindi bastos ang dating. Pero walang sumasagot kaya naman pinihit ko ang doorknob at saka ako ahan-dahang pumasok sa loob.
Nasaan kaya s’ya? Bakit wala s’ya sa kwarto n’ya?
Humakbang ako at lumapit sa study table niya dahil nakabukas ang laptop niya ro'n.
"Busy na naman s'ya?" bulong ko. May mga tina-type na naman kasi siya. Sabagay, malapit na ang second quarter exam kaya nagsisimula na naman siyang gumawa ng exam paper.
"Ano’ng ginagawa mo rito?" Nagulat ako sa boses na nanggaling sa likuran ko kaya napaharap agad ako sa kaniya. Siomai, siopao, suman! Ang katawan! Nakatingin lang ako sa kaniya. Unable to blink because of his nakedness. Half-naked. I
mean, there's still a towel wrapped around his waist, but . . . those abs. Ula-lam!
"May kailangan ka?" Hindi pa rin ako nakasagot. Para akong kakapusin ng hininga ngayon. Wala akong asthma, pero bakit parang kailangan ko ng nebulizer?
At sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang nalaglag ang towel na nakatakip sa kaniya at doon na ako napasigaw, sabay takip sa mata ko. "AAAAHHCCKK!" I screamed from the top of my lungs.
Lumapit naman siya sa akin at bigla na lang tinakpan ang bibig ko sa hindi ko malamang dahilan.