Chapter 1. Assignment

2136 Words
Chapter One ✿♡ KEYCEE ♡✿ Nakadukdok ako sa study table. Gusto ko na talagang umiyak. Bakit ba kasi ang hina-hina ko sa math? I really hate math and I really, really hate my teacher for giving me such a hard time. Kung magbigay ng assignment akala mo wala nang bukas sa sobrang dami at sobrang hirap. Tapos ang masaklap pa, sobrang strict niya dahil hindi siya nagpapapasok ng mga walang assignment. Saan naman ako lulugar no'n? Bobo pa naman ako sa math! I really hate him. I really hate my husband! Yes. MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND and it really kills me! Parang ayoko nang mabuhay kapag naiisip ko na kasal ako sa kaniya. I raised my head and stared at the book in front of me. "Hoy, math? Ano ba'ng kasalanan ko sa'yo? Ano ba'ng ginawa ko at pinahihirapan mo 'ko nang ganito?" Hindi ko alam kung bakit kinakausap ko ang libro na hindi naman marunong magsalita. Kung nagsasalita siguro 'to, baka sinumbatan na rin niya ako na hindi naman niya ako inaano. Kinuha ko na lang ang bag ko sa kama at inilabas ang notebook ng kaklase ko. Slam book pala—na usong-uso sa panahon namin to get to know someone. Daw? Nagsimula na akong magsagot sa slam book instead na sa assignment ko. Gilas, 'di ba? My name is: Keycee Dela Vega. I was born on: August 5th Age: 17 Status: SINGLE! Hobbies: Reading and sleeping. FAVORITES: Favorite Sports: Badminton Favorite Food: Spaghetti and beef steak. Favorite Color: Light blue and purple Favorite Flower: Red rose Favorite Fruits: Apple and strawberry Favorite Movie/s: A Walk To Remember Favorite Subject: ________ Teka? Favorite subject? Ano nga ba? Math? Hey, of course not! Saksakin niyo na lang ako kung math ang ipalalagay niyo sa favorite subject ko. Dahil kahit sobrang guwapo ng asawa ko, I mean ng teacher ko, hindi ko pa rin favorite ang math. So, for my favorite subject, it should be . . . RECESS! Math is life, but food is lifer. ALL ABOUT LOVE: For me, love is: Love is . . . when you can completely be yourself around another person in good times and bad. It's loving each other's differences and appreciating them exactly as they are. Love is the feeling that something is missing when you are apart and the realization that everything seems so much better when you are together. For me, Crush is: Crush is the person who will never be yours! Period! My crush is/are: Ryan Dela Cruz. My love is/are: My mother. My best friend is/are: Ryza Lopez and Christia Reyes. My mortal enemy: The one only, MATH SUBJECT! The person I hate the most: Mr. L. My dream date is: Mr. L. The date setting I want: Kahit saan. BASTA sa tabing-dagat. Hindi pa ako natatapos sa pagsagot sa slam book nang makaramdam ako ng antok. Tiningnan ko ang orasan na nasa bedside table ko. It's already twelve midnight. Gano'n na ba ako katagal gising? Kaya pala inaantok na ako. ✧ACE LEE✧ I went down to the kitchen to get a beer. I couldn't sleep because I have too much unfinished work. When I was about to enter my room, napansin ko na nakaawang ang pinto sa kwarto ni Keycee at may sinag ng ilaw pa na nanggagaling sa loob. Hindi pa ba s’ya natutulog? I walked towards her room, humawak ako sa doorknob para itulak pa ‘yon nang bahagya. Nang sumilip ako sa loob ng kwarto niya, nakita ko siyang natutulog habang naka-rest ang ulo sa study table. I shook my head. Bakit hindi s’ya sa kama nahiga? Pumasok ako sa loob at lumapit sa kaniya para tingnan kung anong pinagkaabalahan niya kanina at inabot siya nang pagtulog sa study table niya. Then I saw her math notebook with her assignment. I scanned the whole page at nakita ko na wala pa siyang nasasagutan kahit isa sa mga problem na ibinigay ko. Alam 'kong mahina siya sa Math. Kinasusuklaman at kinamumuhian niya ang subject ko. Pero gano'n talaga. Kasama sa buhay ng estudyante 'yon. Hinayaan ko na lang siyang matulog. Gusto ko sana siyang buhatin para ilipat sa kama niya, pero ayoko na isipin niyang concern ako sa kaniya. We're not that close yet. Bago ako tuluyang makalabas sa kwarto niya, naisipan ko ulit siyang sulyapan pati na rin ang hindi pa niya nagagawang assignment. Paano s’ya papasok bukas sa klase ko kung hindi n’ya 'yon gagawin? ✿♡ KEYCEE ♡✿ "G-Good morning," bati ko kay Ace pagkakita ko sa kaniya sa dining area. Pero hindi niya ako pinansin. Huwag na kayong magtaka, gan'yan s’ya kabait! Nag-aalmusal na siya kaya kumain na rin ako. Magkaharap kami pero walang nagsasalita sa amin, daig pa namin ang magkaaway. "Ito na ang gatas mo.” Inabot sa akin ni Yaya Miranda ang tinimpla niyang gatas para sa akin. "Salamat, ya. Good morning po pala," bati ko sa kaniya bago ko pa makalimutan. Susubo na sana ako nang biglang tumayo si Ace sa upuan niya. Tapos na kaagad s’ya? Ang bilis naman n’yang kumain? Teka? Anong oras na ba? Tiningnan ko ang suot kong relo at ganoon na lamang ang gulat ko nang makita kong 8:33 A.M na. Lagot! 8:45 A.M ang math class namin at siya ang teacher namin doon. Sa sobrang taranta ko, dali-dali kong ininom ang gatas ko para mahabol ko si Ace. "Bye, ya. Papasok na po ako!" paalam ko kay Yaya Miranda nang maubos ko ang laman ng baso. Sa sobrang bilis nang takbo ko palabas, nabunggo ako sa likod ni Ace kaya napahinto rin siya. "Aray . . ." reklamo ko habang hawak ang noo ko. Ang tigas ng likod niya. "May twelve minutes ka pa kaya 'wag kang magmadali," sabi niya sa 'kin at naglakad na ulit. Pumunta siya sa garahe at pumasok sa loob ng kotse niya. Obviously, hindi niya ako isasabay. Hindi naman talaga kami nagsasabay dahil baka may makakita sa amin. Mahirap na. Wala kasing nakakaalam ng tungkol sa amin—sa pagiging mag-asawa namin. Kahit ang mga kaibigan ko ay hindi 'yon alam. Nakatanaw lang ako sa kotse niya habang papalabas 'yon ng gate. Pero bigla siyang huminto. Binaba niya ang salamin ng bintana at sumilip doon. Sinenyasan niya ako na lumapit sa kaniya. "Get in," sabi niya paglapit ko. "Ha?" Napaawang nang bahagya ang bibig ko. Tama ba ang narinig ko? Pinapasakay n’ya 'ko? Oh, dahil baka hindi lang ako kumain kaya kung anu-ano nang naririnig ko? Baliw na ba ‘ko? "Sabi ko, sakay!" Tumaas ang boses niya, iritado na. Pero tiningnan ko lang siya. I still can't believe na pinasasakay niya ako sa sasakyan niya. Totoo ba 'to? Is this real? Is it true the fire? "Ano? Sasakay ka ba o tatakbo ka na lang para makaabot sa klase ko? We're late!" Hayan na naman. Sumusumpong na naman ang attitude niya. Saan kaya ako makakakuha ng gamot sa sakit niyang mabilis mairita? Sumakay na agad ako dahil baka magbago pa ang isip niya at maglakad pa ako nang 'di oras. Once in a blue moon lang siya maging mabait kaya dapat ay sulitin ko na. Math kasi ang first subject namin. Oh 'di ba, napakagandang subject para simulan ang bagong umaga. Tipong masama na nga ang gising mo, mas sasama pa dahil sa first subject mo. Tahimik lang ako habang siya naman ay nag-da-drive. Nakatingin ako sa labas ng bintana nang bigla akong may naalala. Shocks! PATAY KANG BATA KA! Hindi ko nagawa ang assignment ko sa math! Tapos wala na akong time para mangopya mamaya kina Ryza dahil late na. Hay! Sobrang kasuwertehan ko yata kaya nangyayari 'to sa akin. Napabuntong hininga na lang ako. Bahala na mamaya. "Why are you sighing?" tanong ni Ace. Pansin kong napasulyap siya sa akin. "Wala," walang gana kong sagot. Pero nagulat din ako sa sagot ko. Mali kasi 'yon. Umayos ako nang upo bago muling magpatuloy. "I mean . . . wala po, Sir Lee," pagtatama ko sa sinabi ko. Hindi na lang siya kumibo kaya tumahimik na rin ako. Noong malapit na kami sa school, bigla niyang inihinto ang kotse. "Baba na," he commanded. Oo. Alam ko na ang dahilan kung bakit niya ako pinapababa. Dahil baka may makakita sa amin. "Okay." Bumaba na agad ako. Siya naman ay pinaandar na ulit ang sasakyan niya at umalis. Tiningnan ko ang relo ko. Siomai mami! 8:41 A.M na! Tumakbo na agad ako. Wala na akong pakialam kung magmukha akong haggard mamaya, basta ang importante makaabot ako. Pero, teka? Wala naman akong assignment, 'di ba? Bakit pa ako nag-aasam na umabot sa klase niya? Kahit naman umabot ako, kung wala akong maipapakitang assignment, hindi rin ako makakapasok. So, what's the point in running na para akong kabayo? Pero paano naman kapag hindi ako nakapasok? Panibagong discussion kami ngayon. Kapag hindi ako nakapasok, wala akong maisasagot kapag nag-quiz sa topic na 'yon. Hay. Noong umulan siguro ng kamalasan, nag-swimming pa ako kaya ganito. Wait! Hindi nga rin pala ako marunong lumangoy, kaya paano akong nag-swimming sa kamalasan? May nagsaboy lang siguro sa akin. Animal! Naglakad na ako nang mabilis papunta sa school. Natanaw ko na ang mga classmates ko na kasalukuyang nakapila. Gan'yan talaga. Pinapipila muna ang lahat bago magpapasok ang magaling kong asawa. I mean, ang magaling kong teacher. Lumapit ako kina Ryza at Christia. "Bakit ang tagal mo?" tanong nila sa 'kin. "Tinanghali ako nang gising. Nga pala, hindi ako papasok sa Math. Ituro n’yo na lang sa 'kin kung ano’ng mga gagawin n’yo.” "Ha? Bakit naman?" Nagsalubong pa ang kilay ni Ryza. "Wala akong assign—" "Bring out your books!" Napatingin agad kami sa tapat ng pinto ng room. Nakatayo na roon si Ace, I mean sir. "And your assignment," dagdag niya habang blangko ang mukha. Gan'yan naman talaga siya lagi. Laging walang emosyon. "Luminya ka na!" Hinila na ako ni Ryza at ipinuwesto sa harap niya dahil mas maliit ako nang kaunti sa kaniya. "Teka lang, wala akong assignment!" bulong ko sa kanila. "Magpalusot ka na lang. Sabihin mo, nakalimutan mo kung ano'ng page," seryosong sabi ni Christia. Tama. P'wede kong sabihin 'yon. No. No. No! Hindi pala. Baka sabihin pa no'n, 'magkatabi lang tayo ng kwarto, bakit hindi mo itinanong sa 'kin?' O kaya naman, 'kay bata-bata mo pa may memory issue ka na?’ Posibleng gano’n ang sabihin niya sa akin kapag nagdahilan ako. "Boys," tawag ni Ace sa mga kaklase naming lalaki. Isa-isa na silang nagpasukan. At tama kayo, laging nauuna ang mga lalaki. Hindi uso kay Ace ang ladies first. Pero bago sila tuluyang makapasok ng room, ipakikita muna dapat ang book at ang assignment para sure. Gusto kasi ni Ace na lahat kami ay palaging may dalang book, para kapag oras ng discussion, walang nakatunganga, lahat ay mayroong references. "Ayoko talaga. Sige, d'yan na kayo. Hindi na lang ako papasok." Tumalikod na ako, papaalis na sana ngunit— "Girls, get in." Nagsimula nang maglakad ang mga classmate kong babae, samantalang ako ay natataranta sa kinatatayuan ko dahil hindi ko alam kung tatakbo pa baa ko palayo o makikisunod na lang sa linya. Nakapasok na silang lahat, ako na lang ang naiwan na nakatayo mag-isa sa labas nang tawagin ako ni Ace. “Miss Dela Vega?" "Yes, sir," mahina kong sagot. Buo na ang desisyon ko. Hindi ako papasok sa klase niya dahil ayokong mapahiya kapag hinanap niya ang assignment ko at wala akong naipakita. Magdadahilan na lang ako na masakit ang tiyan ko, or ulo, or paa, or likod, or daliri. Bahala na kung ano'ng una kong maisip mamaya. "Wala ka bang balak pumasok?" Blangko pa rin ang mukha niya. Paano naman akong makakapasok? Wala naman akong assignment. "Papasok ka ba o hindi?" he asked again. Pero sa halip na magdahilan ay wala sa sariling lumakad ako palapit sa kaniya. "Ito na nga po, e.h" Kinuha ko sa bag ko ang notebook at libro ko. Laglag ang balikat ko. Bahala na siyang mag-decide kung papapasukin niya ba ako o hindi. Binuklat ko na ang notebook ko kung saan naroon ang math problem na binigay niya na hindi ko man lang nasaguta—Halla! Namilog ang mga mata ko habang nakatitig sa pahinang ‘yon. Bakit may sagot? Gumawa ba ‘ko ng assignment kagabi? 'Di ba, hindi naman? Nag-angat ako ng tingin kay Ace. Apat na hakbang pa ang layo namin sa isa’t-isa. Nakatingin siya sa akin. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa notebook ko. Obvious na obvious na sulat niya 'to! "Miss Dela Vega, ano pa’ng hinihintay mo?” Hindi na ako nagdalawang-isip na lumapit. Pinakita ko na sa kaniya ang notebook ko na may assignment. Tumango naman siya at pinapasok na ako. Napangiti na lang ako habang taas-noong naglalakad papunta sa upuan ko. Thanks, hubby!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD