“Makoy, hindi ba sabi ko naman sayo na ako na ang pupunta sa kung nasaan ka kanina? Eh, bakit nagpunta ka pa rito?” Hinatak ko siya sa parte ng kumpanya kung saan tago sa maraming tao na pwedeng makakita sa amin. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan kong hatakin si Makoy para itago. Bakit nga ba? Hindi ko alam kung naaalala pa ba ng mga matagal ng empleyado dito sa kumpanya si Makoy. “Tara na nga sa office ko,” paghatak ko ulit sa kanya patungo sa loob ng kumpanya. “Erin, sandali lang,” reklamo ni Makoy habang hila-hila ko pero nakasunod lang naman siya kahit halos madapa na sa paghatak ko sa kanya. Hindi siya naka suot ng uniform bilang janitor sa Black Empire Tower. Gaya ng inaasahan ay para bang hiyang-hiya si Makoy na pinagtitinginan siya ng mga tao sa paligid namin. Halo