“Erin, ano bang pumasok sa utak mo at bakit naman sinubuan mo pa ng pagkain si Makoy?” tanong ko sa aking isip sabay sabunot sa sarili kong buhok. Hiyang-hiya ako sa ginawa ko at sa tuwing pumapasok sa utak ko ay gusto ko na lang kainin ng lupa. “Okay, wala akong kasalanan. Wala naman kasing ibig sabihin ang tungkol sa bagay na yon. At saka, kasalanan din naman ni Makoy. Kung bakit pwede naman siyang tumanggi ay kung bakit sinubo rin naman niya?” pagbibigay katwiran ko sa ginawa ko. Biglang nag flash sa utak ko iyong sandali na naglapit ang aming mga mukha at buong akala ko ay hahalikan niya ako. Itatali niya lang pala sa baywang ko ang jacket niya para hindi masyadong mahantad ang hita ko. “Pangit ba ang legs ko?” tanong ko na bigla na lang nabahala. “Alam kong maganda ang legs ko da