Pinaliwanag ko ang lahat kay Makoy. Lalo na ang tungkol sa abnormalidad ng katawan ko. Alam ko naman na nabigla siya. At sino naman talagang hindi mabibigla kung ang isang babae ay nagpahanap ng mapapangasawa ng ora-orada? Kagabi ng hindi na ako makakita at hindi na ako makahinga sa kapal ng usok sa police station at himala na nakaligtas pa ako sa kabila ng maraming kaaway sa labas ay naisip ko ganun ba talaga kaiksi ang buhay? Kapag pala talaga nasa punto ko na ng kung saan nasa end point ka na ay saka mo maaalala na hindi ka pa pala handang mawala o mamatay. Gaya ng kung anong nangyari sa akin. Hindi pa talaga ako handang mamatay. Nasa akin man ang lahat ng yaman ay hindi pa rin naman ako ganun kakuntento. I am rich pero aaminin ko talaga na sa isang bahagi ng pagkatao ko ay mal