“Saan ko matatagpuan ang pinuno niyo? Sabihin niyo na at baka sakaling maawa pa ako sa inyox” madiin kong mga pananalita sa tatlong kidnapper na naroon pa rin sa kulungan kung saan ko sila iniwan. Dapat lang talagana huwag na silang makalabas. Ang mga gaya nga nila ay binabartolina. Hindi pa rin sila makalakad ng mabuti dahil sa mga sugat likha ng pagbaril ko sa kanilang mga hita. Sinuguro ko naman na daplis lang ang mga tinamo nila. Nakangisi lang ang tatlo na para bang hindi talaga ako sineseryoso. “Wala nga kaming pinuno! Bakit ba ang kulit niyo! Kahit paulit-ulit kayong magtanong sa amin ay wala kayong makukuhang kahit na ano dahil wala naman talaga kaming sasabihin! Wala kayong mapipiga na kahit ano!” bigkas ng nasa gitna ng lalaki. Mahigpit akong humawak sa bakal na selda. “H