“Bye, Mom, Dad. Enjoy the vacation. Don't worry, babantayan ko po ng mabuti si Eros. Kapag naging makulit siya kina Auntie Alexis ay hindi ako magdadalawang isip na ipatapon siya sa planetang mars.” Paniniguro ko kina mommy at daddy na patungo na naghihintay na lang na tawagin ang eroplano na kanilang sasakyan. Niyakap kami ni mommy ng mahigpit. Ito yata ang unang biyahe nila ni Daddy na sila lamang dalawa at walang kasama ni isa sa amin ni Eros. “Eros, magpakabait ka. Ayokong malalaman na naging pasaway ka dahil alam mo kung ano ang parusa.” Mahigpit na bilin ni Daddy. Iba ang pagpapalaki ni Dad kay Eros kumpara sa akin. Hindi masyadong mahigpit sa akin si Dad pero pagdating kay Eros ay mahigpit siya sa mga utos at alituntunin ng bunso kong kapatid. Marahil ay dahil babae ako at lala