“Grabe, naman ang mga nagaganap na p*****n ngayon, ano? Nakakatakot na talaga ang panahon.” Narinig kong komento ng isa sa mga empleyado ng kumpanya habang nakatingin sa screen ng kanyang cellphone. Laganap naman talaga ang iba't-ibang uri ng krimen kaya dapat lang na mag-ingat lagi. Isa nga sa mga nais kong gawin upang makatulong sa kapwa ay maturuan ang mga babaeng kagaya ko ng self-defense para may alam naman sila kung paano gumamit ng sariling lakas laban sa mga mapagsamantala na walang alam gawin kung hindi apihin ang alam nilang mahina sa kanila. “Good morning, Miss Erin.” Magalang na pagsalubong sa akin ni Miss Sioson na lagi na lang nauuna sa office. Kahit kailan ay hindi pa siya na late sa oras ng kanyang trabaho. Hindi ko nga alam kong natutulog pa ba ang sekretaryang ito. Pa