Chapter 1: A Storm Coming (Isang Paparating na Bagyo)

5204 Words
“Where justice is denied, where poverty is enforced, where ignorance prevails, and where any one is made to feel that society is an organized conspiracy to oppress, rob and degrade them, neither persons nor property will be safe.” -Frederick Douglass   "Checking..checking...okay, the record is on. Uhmm...Good evening. My name is Dr. Welder Freuch. I'm recording this video for the documentation of the first special experiment on memory gene. Dated August 11, 2202...and anyone who is watching this, you will be seeing some of the procedures and facts that this hard drive is not really harmful to our brain once it is installed in the cortex and cerebellum. I call this memory gene b-because it can store limitless memories from...from a brain. The device can be removed once the patient's body is old enough and if it is ready to be destroyed or if the person who possesses it is ready to be transferred to another body." Isang video ang pinapanood ni Helena sa isang malaking hologram computer. Madilim ang kwarto kung saan siya naroroon. Tanging ilaw lamang ng hologram screen at ng chandelier ang nagpapailaw sa lugar kung saan makikita ang tila isang magarbong kwartong napapalibutan ng mga mamahaling muwebles. Nakaupo lamang ang dalaga sa isang office chair at seryosong pinapanood ang isang video. Tila napapakunot-noo siya. Nakasuot ang dalaga ng isang pulang dress. May kaiklian ang palda nito at halos manipis na strap lamang ang nakatali sa likuran ng kanyang leeg patungo sa kanyang dibdib. Nakatali ang kanyang buhok nang maayos at animo’y kinakapitan pa ng isang ipit na may kagandahan ang disenyo. Inuusisa niya ang isang video ni Dr. Welder Freuch, ang creator ng memory gene. Sa video ay makikitang aligaga ang doktor sa kanyang ginagawa. Nakaputing lab gown ito at mayroong kakaunting balbas sa kanyang baba. May suot din siyang salamin sa kanyang mga mata. Nasa loob siya ng isang laboratoryo na napaliligiran ng mga puting ilaw at ilang mga kagamitan. Kinakapitan niya ang camerang gamit habang hinahanda ang ilang mga kagamitan upang gamitin sa kanyang eksperimento. Makikita rin ang bitbit niyang chart kung saan nakasulat ang mga katagang “EXPERIMENTAL PROCEDURES.” Makikita ang iilang memory gene na nakalapag sa isang mesa ng kanyang laboratoryo. Iisa ang disenyo ng mga ito. Ito ang normal na disenyo ng memory gene---- isang pabilog na hard drive na kulay silver ang aparatong iyon na mayroong specs na makikita sa kaliwa at kanang bahagi. "Well uhmm...this device that I call memory gene is what I should say, the invention that will prolong the existence of humanity...”   Napakunot-noo naman lalo ang dalaga nang marinig ang sinabi ng doktor. "It is a device that could store memories from childhood to the present and uhmm..." wika ng doktor habang hawak ang isang memory gene sa kanyang kaliwang kamay. "If we put this thing to another brain, it could erase the whole memory of that body and replace them with the memories from this device. That way a person who has it can live longer with a different body but with the same thoughts, feelings, convictions and beliefs...This device I think is the innovation, a new way of living for humanity." Napapikit naman si Helena matapos iyon marinig. Umiling-iling at hinawakan ang kanyang ulo na animo’y nadidismaya sa mga naririnig. "Uhmm...yes it is true that this memory gene is only effective if there is one individual who is willing to donate his or her body to be used by a person who has a memory gene but I should say that this procedure is harmless on that person. Sadly, the donated body's memories will be erased and the brain will be in a state of coma." Napatayo naman ang dalaga sa kanyang kinauupuan. Tila hindi na niya gusto pang makita ang gagawin ng doktor. Saglit siyang tumingin sa kanyang bintana kung saan makikita ang napakaraming ilaw at mga tao na nasa labas ng gusaling iyon. Animo’y isang pagtitipon ang nagaganap ngunit mas pinili ng dalaga na mapag-isa at panoorin ang video na ipinasa sa kanya ni General Linford. "I know that this device is worth a life of a human being but...I know this is the only way to save the human race from its own destruction. World War III has been very harmful to the world. Ever since China was erased from the map...our life span had begun to reduce to 50% because of radiation, climate change, and different evolving diseases. So I took part of this change. I will try to find a way for humanity to live. I-I know that some of you will disregard this video, probably send me in court or sentence me to death for this device but believe me. This is the only way." Napalingon namang muli ang dalaga sa hologram computer. Nakita niya ang lungkot sa mukha ng doktor habang nakatutok ang camera na kanyang hawak. Tila mas lalong nainis si Helena at bumaling muli ng tingin sa malayo. "Uhmm...okay. So now we move to the functions of the device and its placement on the human brain. First, this device holds our memories. Once a user placed it on their heads through surgical procedures especially on the cortex and the cerebellum at the back of the brain, the user at first will be dizzy for a week. Along with the healing process, the driver, which is the memory gene...installs a program on our brain. It is a process of getting information and memories from your brain into the device. This process will take place for several minutes within the day of that whole week. The user will feel surges or electrical impulses in his or her head. But it will be clearly safe to the user's body.” “Now why the cerebellum and the cortex? These regions of the brain hold the most memories of a human being---- from smell, taste, sight, and sound. Everything is stored in the cortex which is the part of the whole cerebrum while the cerebellum is the part responsible for our reactions. Thus, I placed it in the middle of these parts for the device to function well," wika ng doktor habang ipinapakita ang isang diagram ng utak mula sa kanyang hologram stick. Makikita rin dito ang isang blueprint kung saan nakalagay nang eksakto ang aparatong iyon sa utak ng tao. "Now if you can see it here..." Tumayo naman ang doktor at naglakad palabas ng kwartong iyon. Lumipat siya ng kwarto dala ang isang rolling table. Nakapatong doon ang camera at nakukuhanan nito ang mga memory gene at maging ang mukha ng doktor habang naglalakad. Hindi naman pinanood ng dalaga ang video na iyon. Pinakinggan niya na lamang ito. Marahil ay ayaw na niyang madismaya pa lalo sa pinapanood. "Uhmm...this is the first test subject that I will use. I call him, Subject 1..." Nagulat naman ang dalaga nang marinig iyon at muling tumingin sa video. Makikita doon ang isang kayumangging lalaki na nakahiga sa isang bakal na platform. Nakatagilid ito na alanganing nakahiga at alanganing nakatayo. Nakatali ang mga kamay niya at paa at animo’y natutulog lamang nang mahimbing. Nakasando siyang itim at slacks na pang-ibaba. Sa pagkakatantsa ay nasa edad labingwalo lamang ang lalaking iyon nang kunan ng dokumentayo. Labis itong ikinagulat ng dalaga at muling umupo sa kanyang office chair. "Well...actually he is not the first test subject that has undergone this procedure. I used six people in this procedure but sadly, they all failed. Well...this time I will assure you that this test subject will never fail because his brain is functioning more properly than the others based on several tests that I've done before. He doesn't have any signs of hesitation in taking part of this project. Uhmm...first, his name is Victor Torres, a citizen from the Philippines who volunteered in this procedure..." Pinapakita naman sa video ang isang hologram stick kung saan tinututok ito ng doktor sa camera. Makikita dito ang impormasyon ng lalaki. Ang mukha nito, ang kanyang pangalan na Victor Torres at ang edad na nakasaad dito at kung saan siya nakatira. Nakasaad dito na ang kanyang edad ay 18 years old pa lamang at naninirahan sa Pilipinas. Tila bumigat naman ang pakiramdam ni Helena sa pinapanood. Tila nagbabalik ang mga alaala niya noong mga panahong siya mismo ang nasa kalagayan din ng binatang ipinapakita sa video.  "...and now uhmm...I will cut this video recording for the next phase of the documentation to continue--- the interview phase. To make sure that the specimen is willing to undergo the procedure of installing a memory gene into his brain. So uhmm...just a second…" Na-cut ang video na iyon at ang mga sumunod na nakita na lamang ay white noise. Ngunit ilang segundo lang ang nakalipas ay muli itong bumukas at nagpakita ng imahe. Sa sumunod na video clip ay makikita ang camera na nakasabit sa isang kanto ng kwartong iyon. Kita sa video ang nakatalikod na doctor. Nakaupo siya sa isang upuan na may kataasan at kaharap niya ang lalaking nakahiga sa bakal na platform. Gising na siya at sa pagkakataong iyon ay hindi na nakatali ang kanyang mga kamay. "So uhmm...are you ready?" tanong ng doktor.   "Yes." Kakaiba naman ang kumpiyansa ng lalaking iyon. Walang pag-aalala niyang sinagot ang doktor sa kanyang tanong. Tila hindi siya natatakot sa gagawin sa kanya at walang bakas ng alinlangan sa kanyang mga galaw. Tumango naman ang doktor na kanyang kaharap, saglit itong tumingin sa kanyang hawak na hologram stick at muling nagtanong. "Your name is Victor Torres, a citizen from the Philippines...18 years old and you volunteered to be a part of this project. Is that true?" tanong niya. "Yes...I volunteered to be your project specimen," sagot naman ng binata. "Uhmm...why did you volunteer in this project?" "Because of my family, we lack resources back in the Philippines. Our country was devastated so roughly after the war, our people..." Tila napatigil ito sa pagsasalita at animo’y nalulukot ang kanyang mukha. "...our people there are suffering, my family needed money. So I volunteered," pagpapatuloy naman ng binata. "You signed our contract. It means that once you signed this, you can no longer withdraw. Are you sure that your mind and body is fully determined to do this?" seryosong tanong ng doktor. "Yes," walang pag-aalinlangang sagot naman ng binata. "Okay so...let's begin." Tumayo naman ang doktor, tumingin siya sa camera at pinatay iyon. Muling nagkaroon ng white noise ngunit ilang segundo lang ay muli namang nag-play ang recording. Pinapakita naman sa video na nakahiga na ang lalaki sa bakal na platform. Muling kinabit ng doktor ang tila belt sa bahagi ng kanyang braso. Pati ang dalawa nitong paa ay nilagyan din na animo’y papalag ito kung sakaling may hindi magandang maramdaman. Hinila naman ng doktor ang isang rolling table kung saan naroon ang kanyang mga kagamitan sa pag-oopera. Sa kaliwang gilid naman ay makikita ang isang nakabukas na hologram computer. Pinapakita dito ang vital signs ng test subject at ilan pang impormasyon mula sa kanyang brainwaves. "Okay...the test that I will call as Subject 1 will be placed in a deep sleep. The moment I injected this vial, he will be put to sleep then...uhm...the next step will be the surgery, the implanting of the memory gene at the back of his head," wika ni Doctor Freuch habang hinahanda ang kanyang mga kagamitan. Isang mechanical arm naman ang tila gumana sa kanang bahagi ng video.Tila nakasabit iyon sa kisame ng lab at tinutulungan ang doktor sa paglalapat ng mga kagamitan. Mayamaya pa’y nag-inject na ang doktor sa isang tube at kinuha nito ang likidong nasa loob. Itinurok din nito ang injection sa braso ng lalaki. Tinanggal niya ito at ilang segundo lang ay napapapikit na ang lalaki sa kanyang kinahihigaan. "Ok, uhmm. I will record the video and let you see the process of this surgery..." wika ng doktor. Nagfast forward naman ang video na iyon at pinabilis nito ang mga pangyayari. Makikita pa rin dito ang operasyong ginagawa ng doktor sa kanyang pasyente. Pinatayo niya ang hinihigaan ng lalaki at animo’y nagkaroon pa ng bakal na pangsangga ito sa kanyang noo upang hindi siya makagalaw. Inoperahan niya iyon nang nakatayo. Mayamaya pa’y makikita na ang dugong umaagos sa batok ng binata dahil sa pagtanggal ng parte ng kanyang bungo upang paglagyan ng memory gene. Napakapit na lamang si Helena sa kanyang bibig dahil sa nakikita. Napaiwas din siya ng tingin mula sa hologram screen dahil hindi niya kinakaya ang kanyang natutunghayan. Ilang segundo pa’y nilagay na ng doktor ang memory gene sa likurang bahagi ng ulo ng lalaki. Kapansin-pansin ang muling pagbalik sa normal na takbo ng video na iyon. Dahan-dahang kinakabit ng doktor ang memory gene nito at tinutulungan naman siya ng mechanical arm na ilagay ang ilang maliliit na linya ng kable sa iba't ibang parte ng utak ng lalaki. Nang maikabit na ang lahat ng kable ay kinabit na ito ng doktor nang tuluyan. Kumuha naman ang mechanical arm ng driller at tila binutas ng apat na beses ang gilid ng likod ng kanyang bungo. Nilagyan ito ng doktor ng apat na screw at muli itong inikot ng mechanical arm upang humigpit. Tumigil ang pagdurugo ngunit kitang-kita pa rin sa video ang natuyong dugo ng lalaki sa kanyang batok. Napailing naman si Helena sa nakita. Napapikit na lamang siya habang nakahawak pa rin ang kanang kamay sa kanyang bibig. "...and there you have it. Uhmm. After a few hours we'll test him if he's responsive to the memory gene that he has. Hope this thing works..." wika ng  doktor. Napayuko siya sa harap ng camera. Tila nalulungkot pa rin at umaasa na sana’y maging maayos ang kanyang eksperimento. Mayamaya pa’y nagising ang lalaking nakahiga. Bahagyang umangat ang ulo nito at dahan-dahang lumingon sa kinaroroonan ng camera ng doktor. Nagulat naman si Helena sa nakita. Animo’y lumingon ang lalaki na nakatitig sa dalaga at pagkatapos ay na-cut din ang video. Kinilabutan si Helena sa kanyang napanood. Papatayin niya na sana ang video na iyon ngunit may sumunod pa palang mga eksena. Sa pagkakataong iyon ay mas lalong bumigat ang kanyang pakiramdam. Sa video na iyon ay makikitang nagwawala ang lalaki habang siya ay nakatali sa nakatayong bakal na higaan. Sinusubukan siyang pakalmahin ng doktor ngunit sumisigaw lamang siya habang umiiyak. "Uhmm...uh, we can see that the subject is not responding to our experiment. It's been eight hours since the surgery and...I can't contain him," wika ng doktor. Nagpapanic na siya at nagpipipindot sa kanyang hologram keyboard. Ilang segundo lamang ay dumating ang dalawang prototype ng doktor. Puti ang kulay ng mga ito at patakbo itong pumunta sa nagwawalang subject ng experiment. "AAAGHH!" sigaw naman ng lalaki. Kinalagan siya ng mga prototype. Napaluhod naman ito at kinapitan ang kanyang ulo. Animo’y namimilipit siya sa sakit na nararamdaman sa kanyang ulo. "Hold him!" utos ng doktor sa mga prototype. Itinayo naman nila ang lalaking iyon. Lumapit naman ang doktor sa kanya dala ang isang injection. Mayamaya pa’y tumigil ito sa pagwawala. "What?" bulong ng doktor. "A-Are you okay?" tanong niya sa lalaki. Nakatayo lamang ang lalaking iyon habang tahimik na nakatungo. Hawak pa rin siya ng mga prototype at dahan-dahang lumapit ang doktor. "Ok uhmm...do you feel anything?" "The pain...the-pain is..." mautal-utal na tugon ng lalaki. "The pain in my head...it's gone," sagot niya. Napangiti naman ang doktor at muling bumalik sa kanyang mesa. Nilapag niya ang injection na hawak at kumuha ng isang tableta. Naglagay ito ng tubig sa isang malinaw na baso at doon ay inilagay niya ang tableta. Bumula ito at tila nadi-dissolve naman nang unti-unti ang gamot na iyon. "Here take this, this should ease the pain." Iniabot ng doktor ang hawak na baso. Agad naman iyon ininom ng lalaki. Lumapit naman ang doktor sa camera na nakapatong sa kanyang mesa. "Well, for the next hours...there will be series of tests for him to prove that our experiment is a hundred percent accurate. Well...for the first time, it is accurate. But I'll be monitoring him till the memory gene is full to its capacity, till it syncs to his brain and then we will bring another subject. We will get his memory gene and put it in another body...uhmm...hope it works," wika ng doktor. Na-cut naman ang video na iyon nang tuluyan. Napapikit naman si Helena at tila hinilot ang gitna ng kanyang ilong. "Did you finish it?" Isang boses naman ang kanyang narinig. Mula sa kanyang hologram screen ay lumabas naman ang mukha ni General Vash Linford, ang Secretary of Defense ng European Union at tumatayong pansamantalang presidente ng Pilipinas. "Y-Yeah," sagot naman ng dalaga. "Are you ok?" tanong ng heneral. "I-I'm fine. Just...shocked...a little," sagot ng dalaga. Napangiti naman ang heneral. "I'm just confused. You said that Doctor Welder Freuch tried his own invention on himself and it worked. After that, he was assassinated. The first successful experiment is him. After his death, the other doctors placed his memory gene on another body and he lived using that body. That was his first successful experiment," wika ng dalaga. "Yes that's true," sagot naman ng heneral. "Then how come this so-called Subject 1 became the first successful experiment according to this video?" tanong niya. "Well, the video that you watched occurred before the assassination of Doctor Freuch. The test subject in that video never took the 2nd phase which is the transferring of his memory gene to another body," sagot naman ng heneral. "What?!" "So he didn’t have the choice. In order to continue his work, he put his own invention on his head. He became so frustrated that time. He almost lost his hope in bringing his invention to the European Union so he tested it on himself. Luckily the device worked," sagot ng heneral. "Then...after that, he was killed?" pagtataka naman ni Helena. "Yes." "Then who killed him?" tanong muli ng dalaga. "After announcing that he will be placing his own invention on his head, he was killed. The night after his press conference, his body was found dead in his lab. Authorities believed that Subject 1 killed him," sagot muli ng heneral. "But why? I mean, what is the reason? He signed the contract and the memory gene worked on him. Why did he kill Dr. Freuch?" "I'll be sending you another clip," sagot ng heneral. Nagload naman sa screen ng computer ng dalaga ang video na pinadala ng heneral. Agad din itong nagplay matapos mag-100% ang loading nito. "This video was retrieved by the authorities after the doctor was killed," wika ng heneral. Makikita sa video ang kuha ng isang CCTV camera sa lab ng doktor. Wala itong audio at tanging pangyayari lamang ang makikita. Naglakad papasok ang doktor sa kanyang lab. Pinatong niya ang kanyang lab gown sa isang office chair. Kasunod namang pumasok dito ang isang lalaking nakatakip ang mukha. Agad naman siyang nakita ng doktor at dahan-dahang nagtaas ng kamay. Wala namang kung anong hawak ang lalaking iyon ngunit kita sa camera ang takot na reaksyon ng doktor. Animo’y nag-uusap ang mga ito at nagtatalo. Mayamaya pa’y nagtanggal na ito ng takip ng mukha. Walang duda na ang Subject 1 nga na nasa unang video ang makikita sa kasalukuyang pinapanood ng dalaga. "That scene took place for about 15 minutes after his press conference. Unluckily, the authorities weren’t able to find the audio recordings," paliwanag ng heneral. Mayamaya pa’y dahan-dahang bumunot ng baril ang lalaking nasa video. Tinutok niya iyon sa dibdib ng doktor. Pumikit naman ang doktor at pagkatapos ay hinigit ng lalaki ang gatilyo ng handgun. Agad bumagsak ang doktor sa kinatatayuan nito. Dahan-dahan namang lumapit ang lalaki sa doktor at inayos ang kanyang pagkakahiga sa sahig at pagkatapos ay umalis. "So he is Subject 1," sagot naman ni Helena matapos mapanood ang video. "Yes he is. The famous killer of Dr. Welder Freuch 100 years ago," sagot ni General Linford. "I bet that the people never knew about his killer. Am I right?" tanong muli ni Helena. "Aye. After Dr. Freuch's memory gene was transferred to a different body, he requested that the identity of his killer remain unknown." "Because the reason of his death is his request? To prove to the people that the memory gene is safe to use. The European Union and the people will not believe him until they see his own invention be done on his own brain. Is that right?" tugon ng dalaga. Napangiti naman ang heneral sa sinabi niya. "Correct. He used Subject 1 as a set up for his own death. That's why he didn’t struggle,” wika ng heneral. "So he didn't use Subject 1 as his test anymore. He used him as his agent and made the people believe that he escaped; made him look like he is hopeless to gain the people's mercy, to convince the government to continue his work. That is what he did. That's why there is no audio in that video you sent me because they are talking about it," wika ni Helena. Napapikit naman ang heneral at tumango-tango. "Is that the reason why he wanted that program? The MCM?" tanong muli ni Helena. "We still don't have the answer for his real motive. But there is still something that you need to know," sagot ng heneral. Napahawak naman ang dalaga sa kanyang baba gamit ang kanang kamay. "After 20 years, Victor Torres decided to transfer his memory gene to another body. Dr. Freuch transferred his memory gene to a body which is 15 years of age. He made another program which he called ‘The Telepath Project.’" Tila nanlaki naman ang mata ni Helena sa narinig. "What do you mean by ‘Telepath Project’? Does it mean that he has the capability to read minds?!" tanong muli ni Helena. "It was just a theory--- a network relay of all memory gene users that is linked to the memory gene of Victor Torres. It is said that all the users' thoughts can be read only by Victor Torres' memory gene. It was never proved that it worked on Subject 1 because after that experiment, he just disappeared," sagot naman ng heneral. "H-How is that possible?!" Tila hindi naman makapaniwala ang dalaga. "I'll send you some written data of the experiment. For now...don't think about it too much. It will cause you more stress and I think now is not the perfect time to burden yourself," sagot naman ng heneral. "But I need to know!" bulyaw naman ng dalaga. "You will after I send those data. But not now Helena, you’re in Maria's birthday celebration, right? You should enjoy it and at least forget your work for a while," wika ng heneral. "But...I need it..." "Ciao!" sagot naman ng heneral at pagkatapos ay nag-logout. Nawala ang kanyang mukha sa hologram screen at naiwan namang nakakunot ang noo ng dalaga. Umiling-iling na lamang siya at tila nadidismaya. Animo’y gusto niyang malaman kung ano ang tunay na kakayahan ng Subject 1. Sa inis ay pinatay na lamang niya ang hologram computer, tumayo at muling tumingin sa labas ng kanyang bintana. Tila iniisip pa rin niya ang mga video na napanood at ang ilang impormasyong pilit niyang iniintindi. Sa pagkakataon namang iyon ay sinindihan na ang fireworks. Nagsimulang maging makulay ang kalangitan dahil sa liwanag na dulot ng mga paputok na iyon. Agad namang nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao habang tinutunghayan nila ang palabas. Nagsimula namang maglakad si Helena palabas ng madilim na kwarto. Binuksan niya ang pinto at sa bungad no’n ay ang kanyang dalawang bodyguard. Nakaabang lamang sila sa labas ng pinto ng kwarto at hinihintay ang paglabas ng dalaga. Napatingin naman at napangiti sa kanya ang iilang mga tao sa paligid. Pormal ang tema ng okasyong iyon. May hawak na baso ng wine ang iilang kalalakihang nakatayo malapit sa kanya. Itinaas nila iyon habang nakangiti bilang senyales ng pagpupugay sa dalaga. Ngumiti naman si Helena at saka naglakad kasabay ang kanyang dalawang bodyguard patungo sa isang malawak na hallway na pinaliligiran ng mga tao. "Magandang gabi po, Madam," bati naman ng isang babae kasama ang ilang mga kababaihang nakatayo sa hagdan na kanyang bababaan. "Magandang gabi rin," bati nya habang nakangiti ngunit sa loob-loob niya ay mabigat ang kanyang pakiramdam. Hindi pa rin niya maiwasang hindi isipin ang tungkol sa Subject 1. "Ate Helena!" sigaw naman ng isang bata sa ‘di kalayuan. Kasama niya ang tatlo pang batang naglalaro lamang sa hagdan ng malaking hall na iyon. "Oh Cherry! Kumusta na ang munti kong anghel?" tugon naman ng dalaga. Bahagya siyang yumuko upang yakapin ang papalapit na bata. Agad namang yumakap si Cherry sa kanya. Binuhat ng dalaga ang batang babae sa kanyang mga bisig. "Ate, kanina ka pa hinahanap ni Ate Maria," sagot naman ng isang batang may katangkaran. Nakasuot siya ng isang napakagandang asul na dress. "Ang ganda mo naman sa suot mo, Ruth. Dalaga ka na ah," wika naman ni Helena habang nakangiti. Namula naman ang pisngi ng bata at napangiti rin. "Pasensiya na ah. May inasikaso lang kasi ako sa taas. Nasaan na ba sila?" tanong ng dalaga. "Nasa garden po...tayo na ate," sagot naman ni Ruth. "Ate, gusto ko pa no’ng cake. Ang sarap eh. Ikuha mo ‘ko ate," wika naman ng isang batang lalaki sa gilid, si Bobby. "Nakakailang kuha ka na do’n eh. Tama na ‘yon," sagot naman ni Ruth. "Sige lang kumuha ka pa, Bobby. Marami naman ‘yon eh may lima pang nasa box kaya kumuha pa kayo," wika naman ni Helena. "Talaga ate?! Wow! Tara na dali!" sagot naman ni Jek. Agad namang nagtakbuhan ang dalawa papunta sa hardin ng Malakanyang. "Kayo talagang dalawa ang tatakaw niyo!" bulyaw naman ni Ruth sa dalawa niyang kapatid. Napangiti naman si Helena. "Hayaan mo na, marami pa naman ‘yon. Tara na," wika niya. Naglakad sila pababa ng hagdang iyon. Buhat pa rin ni Helena ang bunso sa magkakapatid na si Cherry at nagtungo sa Hardin ng Malakanyang. Napakaraming tao sa salu-salong iyon. Kaarawan ni Maria at hindi naman pinalampas ni Helena ang pagkakataong iyon na makapaghanda nang magarbo para sa lahat. Imbitado ang lahat ng gustong pumunta sa Malakanyang. Hindi rin ganoon kahigpit ang seguridad dahil sa pagkakataong iyon ay wala namang banta sa buhay ng tumatayong bise presidente ng bansa na si Helena. Maging sa labas ng Malakanyang ay may salu-salong nagaganap. "Helena!" sigaw naman ng isang babae sa ‘di kalayuan. Ibinaba naman ng dalaga ang buhat na bata at patakbong nagtungo sa babaeng iyon. "Maria!" tugon niya. Agad namang niyakap ni Maria ang dalaga. Hinalikan niya ito sa pisngi at ngumiti. "Happy Birthday, Maria! Sana nagustuhan mo ang pahanda ko," wika naman ng dalaga. "Sobra na nga ito eh. Imbitahan ba naman ang lahat. Ang saya ko talaga," sagot naman ni Maria. Hindi niya mapigilang mangilid ang mga luha dahil sa sobrang tuwa. Muli siyang yumakap sa dalaga at doon na bumuhos ang kanyang emosyon. "Salamat talaga, Helena." "Ano ka ba, bakit ka umiiyak? Dapat masaya ka ngayon. Araw mo ito!" sagot naman ng dalaga. "Sorry, hindi ko lang talaga mapigilan eh. Last year kasi nagpahanda ka rin pero simple lang ‘yon eh ito masyado namang magarbo. Lahat ng taga-New Order nandito pa. Pati ang pamilya ko," wika ng dalaga.   "Pagpapasalamat ko ito sa ‘yo, Maria. Isa ka sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko kaya ang gusto ko maging masaya ka. Okay?" wika ni Helena. Tumango na lamang ang kausap habang napapaluha. "Oh Helena. Kanina ka pa namin hinihintay eh. Ang tagal mo naman yatang maghanda?" wika ni Albert, ang pinuno ng New Order. Isa rin siya sa malapit na kaibigan ni Helena at ng namayapang si Johan Klein. "Ah pasensiya na kung natagalan, kasi..." "Trabaho na naman ano?" putol ni Albert. Nakangiti siya sa kausap at napalagok ng kaunting champagne mula sa kanyang baso. "Ah oo eh. Pasensiya na," sagot naman ng dalaga. "Masyado ka na yatang workaholic ah. Magrelax ka naman," sagot naman ng kausap. "Alam mo namang hindi pwede ‘yon." "Uhmm...wala pa rin bang clue kung nasaan ang MCM program?" tanong naman ni Maria, na tila naging seryoso ang mukha. "Wala pa rin. Kailangang mahanap ang program na iyon kahit anong mangyari kundi..." Lumingon naman si Helena sa paligid. Sa pagkakataon kasing iyon ay mangilan-ngilang tao na rin ang pumapaligid sa kanila at nakikinig sa kanilang mga usapan. "Ah okay lang ba kung sa ibang lugar tayo mag-usap?" tanong niya sa mga kasama. "Ah sige," sagot naman ni Albert. "Jin, Eddy...kayo muna ang bahala sa mga bata ah? Okay lang ako, ligtas ako dito. ‘Wag kayong mag-alala," utos naman ng dalaga sa dalawa niyang bodyguard. Agad namang lumayo ang mga ito sa tatlo at sinimulang hanapin ang mga bata.     "Hangga't hindi nahahanap ang program na iyon, hindi ako matatahimik. Alam niyo ‘yan," wika ni Helena. Nakatayo lamang sa isang balkonahe ang tatlo habang umiinom ng champagne. "Masama ito. May iba pang naghahanap ng program na ‘yon ‘di ba? Kapag naunahan tayo mababalewala ang lahat," wika naman ni Maria. "Pero hindi naman nila magagamit ‘yon dahil sa DNA lang ni Johan nakarehistro ang program kaya balewala rin," sagot naman ni Albert. Napakunot-noo naman si Helena. "Kapag hinack nila ang system ng MCM, pwede pa rin nila iyon magamit. Sa ngayon, hindi pa rin ito mahanap ng US Federation. Maging ang European Union. Binigyan lang nila ako ng ilang impormasyon tungkol sa Subject 1," sagot naman ng dalaga. "Bakit nga ba kasi binigay ni Johan ang program na iyon sa Subject 1? Eh alam niyang panganib lang ang dulot no’n sa kahit sinong may memory gene. Isa pa, siya lang naman ang makakagamit no’n. Wala namang iba. Hindi ko maintindihan," sagot naman ni Albert na sa pagkakataong iyon ay tila naiinis na. "Alam ko may dahilan kung bakit. Kailangan ko lang alamin," sagot ni Helena. "Hmm. Paano kung may plano pa rin si Johan? Kahit na namatay na siya may plano pa rin siya. Gano’n naman siya, ‘di ba? Matalino si Johan. Alam ko may dahilan kung bakit niya iyon ibinigay sa Subject 1. Hindi nga lang natin alam kung mapagkakatiwalaan nga ba ang taong ‘yon," tugon naman ni Maria. "Hindi ko alam. Pero masama ang kutob ko sa Subject 1 na ‘yan. Kung nasa kanya ang program na ‘yon, imposibleng wala siyang gagawin. Ang pinakamakapangyarihan at pinakadelikadong program ay nasa kanya? Makokontrol niya ang lahat ng taong mayroon pa ring memory gene. Imposibleng hindi niya iyon gamitin," wika ni Albert. Si Helena naman ay nakatingin pa rin sa malayo, pinapanood ang mga taong nagkakasiyahan sa ibaba at tila malalim na naman ang iniisip. Ano ba talagang plano mo Johan? Bakit mo ibinigay ang program? Bigyan mo ako ng sagot dahil hindi ko na alam ang gagawin ko, bulong na lamang ng dalaga sa sarili.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD