CHAPTER 5

903 Words
CHAPTER 5 WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO David's POV: Isang malakas na apir ang ginawa namin ni Michael nung magwalk-out si Kate pwesto niya. She's acting so cute. I like the way, how she blushed because of the kiss I did. "Ayos ba?", tanong ko sa bata. "Opo, papa. Ayos na ayos. Kinilig yata si mama.", sambit nito na may okay-sign pa. Kahit na medyo Manang ang datingan ni Kate ngayon, hindi na ako naturn-off. Bagkus, mas umapaw yata ang pagiging simple niya. No make-up is better. Nagkamali lang ako sa panghuhusga sa kanya noon, dahil hindi lang ako sanay na makakita ng babae na sobrang haba ang suot. At yung halik? Ginusto ko 'yon. Ginawa ko 'yon, dahil gusto ko. Hindi para asarin siya. "Nga pala Michael, nasa'n ba ang papa mo?", tanong ko sa anak ni Kate. Siguro naman, ito ang pagkakataon para malaman ko ang dahilan kung bakit wala s'yang ama. Kanina pa kasi, gumugulo sa isipan ko ang tungkol dito. "Hindi ko po alam.", "--Kapag tinatanong ko po si mama, palagi s'yang umiiwas.", mahinang saad niya habang nakanguso. "Hindi mo pa siya nakita?", "Hindi pa po.", "--Bad yata ang totoo kong papa.", turan niya ulit. "Bakit--", "Bakit ba ang dami mong tanong?", bigkas ni Kate nang bumalik sa hapag-kainan. I was about to asked again, kaya lang, sumingit na ito. Nawala na rin ang pamumula ng pisngi nito, na animo'y, tapos ng kiligin. "I'm just curious.", simple kong tugon. "Curious?", "--Tsk. Kalokohan!", pagtataray ng babae. "Kate--", "Pwede ba David, wala kang karapatan para magtanong-tanong ng ganyan.", "--Sino ka ba sa tingin mo?", she said again. Pero sa puntong ito, medyo maldita na ang datingnan ng pananalita ng dalaga. "Mama, inaaway niyo po ba si papa?", bigkas ni Michael. May kalakasan kasi ang boses ni Kate na tila sinisigawan ako. "Hindi baby. Nag-uusap lang kami.", kalmadong sagot nito. "--Mabuti pang ubusin mo muna 'yang kinakain mo, at may kailangan lang kami pag-usapan ng papa mo.", pagpapatuloy n'yang saad. Sinenyasan ako ni Kate na tumungo sa maliit na sala nila para do'n mag-usap. So tumayo ako at sinundan siya. "Ano ba ang pakay mo?", agad na tanong nito sa akin. "What?", "Just answer my f*****g question, will you?", asar nitong bigkas. "Kate, can you please calm down. Baka marinig ka pa ng anak natin, tapos tanungin ka niya kung ano ang ibig sabihin ng fucking.", litanya ko na talagang dinaan ko pa sa biro. "Hindi ako nakikipagbiruan, David. Bakit ka ba nandito ha? Ano ba ang pakay mo, sa akin at kay Michael?", pag-uulit nitong tanong. "Hays. Fine.", "--Nandito ako dahil pinapunta ako ng bata. Akala ko kasi ikaw ang sasagot ng tawag, but I was wrong. Dahil yung anak mo ang nakasagot.", pagsasabi ko ng katotohanan. "Pa'no mo nakuha ang number ko, aber?", taas-kilay na sambit niya. "Sa manager mo.", "--Masyado kasi akong na-attract sayo kagabi, kaya gumawa ako ng paraan para macontact ka.", pag-aamin ko sa babae. Ayoko na ring magsinungaling pa, dahil alam kong hindi siya maniniwala kapag hindi ko sinabi ang totoo. "Pakatapos mo akong tawaging Manang, ngayon, maghahabol ka?", madiin nitong pahayag na talagang pinaalala sa akin ang first meet naming dalawa. "Oh chill, hindi ko gustong ma-offend ka. But I'm just saying the truth. Nung araw kasi na nagkita tayo, hindi ko type ang pag-aayos mo.", wika ko rito. "Ang sabihin mo, mahilig ka lang sa maganda.", inis n'yang tugon. "Yes, aminado ako dyan.", "--Kaya nga natipuhan kita, dahil maganda ka. No, I mean, hindi ka lang maganda. Sobra lang ako naakit sayo.", natatarantang saad ko. Bullshit! I can't look to her eyes. "Gago. Hindi mo ako madadala sa mga ganyang salita.", "---So please, tigilan mo na ako. At 'wag na 'wag ka ng babalik sa pamamahay ko.", wika ni Kate na animo'y binabantaan ako gamit ang tingin niya. "Sino bang may sabi na babalik pa ako sa lugar na 'to?", turan ko dahilan para matameme siya. "--Look, masyadong mabaho at maliit ang bahay niyo. Do you think, babalik pa ako?", muli kong sambit. "Ay wow! Ang kapal! Talagang nilait mo pa ang bahay namin!", "--Hoy Mr. David, alam kong mayaman kang tao, pero wala kang karapatan na lait-laitin at tapak-tapakan kaming mahihirap!", sigaw niya na may kasama pang duro sa daliri. Wala eh. Na-eenjoy akong pikunin siya dahil lumalaki ang bunganga nito. "Hindi kita tinatapakan, Kate.", "---Sinasabi ko lang kung ano ang naobeserbahan ko. At teka nga lang, alam ba ni Michael na nagtatrabaho ka sa club?", pag-iiba kong usapan. Tuluyan na s'yang natahimik at hindi agad makasagot sa tanong ko. "I'm asking you.", "H-hindi. Hindi niya alam. Kaya binabalaan kita, 'wag mo 'yong sasabihin sa anak ko.", utal n'yang sambit. "Pa'no kung gusto ko?", "David!", bigkas nito sa aking pangalan. "Syempre, joke lang.", ngiti kong saad. Nakahinga ito ng maluwag kaya napatingin na ako sa kanya. I slowly hold her hand dahilan para makaramdam ako ng kuryente sa pagitan naming dalawa. "Pero kung ako sa'yo, 'wag ka ng magtrabaho sa club, Kate.", malumanay kong sambit. "Huh?", "Hindi bagay sa'yo ang magtrabaho sa harapan ng maraming lalaki.", seryoso kong wika. "Ano bang--", "Makinig kang maigi Kate, I need a secretary. Handa kong ibigay ang posisyon na 'yon basta umalis ka lang sa club.", muli kong sabi para maunawaan niya ang pinupunto ko. Tumayo na ako at sa huling pagkakataon, may iniwan akong kataga. "Sana mapag-isipan mo ng mabuti ang offer ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD