CHAPTER 4
WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO
Kate's POV:
Hindi ko maintindihan ang anak ko, kagabi pa s'ya sobrang excited na tila hindi mapakali sa kama.
Tuwing pumapasok ako ng club, iniiwan ko ang cellphone ko para incase na magising siya o may mangyari na masama, macontact niya ako.
Kaya ganon na lamang ang pagtataka ko, nang hiramin niya ulit 'to sa akin dahil sabi niya, may bisita daw s'yang darating.
Nagawa niya na ring maglinis ng bahay kahit na sobrang tamad siya pagdating sa ganito.
At ang nakakaloka, inutusan ba naman ako na bumili sa palengke para masarap ang uulamin namin.
Hindi ko alam kung ano ang nakain ng batang 'yon, pero dahil mahal ko siya, agad ko s'yang sinunod.
At oo, nandito pa rin ako ngayon sa katapat ng karne.
Bumili ako ng isang kilo, baka sakaling nagsasabi ng totoo ang anak ko.
Malay natin diba? Baka kaklase niya ang pumunta sa bahay. Ayaw ko naman mapahiya si Michael.
Marami akong pagkukulang sa kanya, kaya kung ano ang request nito, binibili ko.
And here I am, malapit na akong makabalik sa amin.
Halos pawis na pawis ako dahil wala akong dalang payong. Isama mo pa na hindi pa ako nakasuklay ng buhok.
Yeah, parang boyish ako kapag walang trabaho.
Ewan ko ba, pero mas komportable ako kapag maluluwag ang suot ko.
Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa bahay, nang marinig ko ang boses ng aking anak na tila may kausap sa loob.
"Bakit ganyan ang titig mo?",
"--Hindi ka pa rin ba naniniwala na mama ko si Kate?", bigkas nito na hindi man lang ginalang ang kausap.
Ang Michael na 'to, napapadalas yata ang pagiging maangas niya sa iba.
"I just can't imagine that a girl like your mom, have a son like you.",
"--Masyadong malayo at hindi ako makapaniwala. Mangkukulam sa umaga ang itsura ng mama mo, pero sa gabi, dyosa.",
"--Yung totoo, ano bang lahi ang meron kayo?", wika ng lalaki na tila pamilyar sa pandinig ko.
"--Kung alam ko lang na si Manang ang ka-table ko, edi sana, hindi na ako nag-aksaya ng oras na tawagan siya.", pagpapatuloy ng binata.
M-manang?
From the word, Manang?
Shit!
Mabilis akong kumaripas ng takbo para makapasok sa maliit naming bahay.
At halos mandilim ang paningin ko nang makompirma kong si David pala ang nandito!
And wait, close sila ng anak ko?
Magkatabi kasi silang dalawa na daig pa ang mag-ama.
"Ayan na pala si mama eh.",
"--Mama, nandito si kuyang pogi, manliligaw mo.", ngiting wika ni Michael kasabay ng paglapit sa akin.
"Anong manliligaw ang--",
"Mama, sabi ni kuyang pogi, ang ganda mo raw.", he said again.
"Ako? Maganda?",
"--Mukhang hindi naman yata 'yan ang narinig ko, baby.", giit kong turan.
Pati anak ko, nagawang magsinungaling para pagtakpan ang mokong na 'to.
"Mama, 'wag mo ng awayin si kuyang pogi.", pagpipigil nito nang akma kong susugurin ang lalaki.
Nakita ko naman ang ngiti nito na tila natatawa sa naging reaksyon ko.
"Umalis ka na. Habang natitimpi ko pa ang sarili ko.", pagbabanta ko sa binata.
Pero nanatili s'yang nakaupo na animo'y walang balak na sundin ako.
"Pamamahay ko 'to, kaya pwede kitang kasuhan ng trespassing sa ginawa mo.", wika ko ulit habang nakatitig sa mata niya.
"Mama naman eh. Bisita ko siya.",
"--Ako ang nagpapunta sa kanya rito.",
"--Kaya pwede po ba, pagbigyan niyo na ako.", turan nito.
"B-but Michael.",
"--Kinausap ko na si kuyang pogi. At pumayag siya na kahit ngayong araw, maging tatay ko siya.",
"--Gusto ko ring maramdaman na may tatay ako, mama.", malungkot na saad ng bata.
Medyo lumambot tuloy ang puso ko nang masilayan ko na muntik na siyang maluha.
Kaya huminga ako ng malalim at lumuhod para maging kapantay si Michael.
"O-okay. Papayag na si mama. Pero ngayon lang ha?", bigkas ko dahilan para matuwa ito at yakapin ako.
Bahala na, kung ano ang mangyari!
Ang mahalaga, mapasaya ko ang anak ko.
Naging plastik ako sa oras na 'to at nag-aktong mabait sa lalaki.
Alang-ala kay Michael, I will do my best just to make him comfortable.
Hindi ko naman siya masisisi dahil simula sanggol, wala na ang papa niya.
Iniwan ako ng pesteng 'yon, nung nalaman nitong buntis ako.
Gano'n talaga, may mga lalaki na magaling kumama, pero kapag naging ama, tatakbuhan ka na lang na parang bula.
___
"Mama, dalian mo na ang pagluluto ha? Gutom na yata si papa.", sigaw ng bata sa akin.
Nasa kusina ako ngayon at nagluluto ng adobo, habang sila ay naglalaro sa sahig.
Baril-barilan ang nilalaro nila, kaya masyadong nababalot ng ingay at sigawan ang bahay.
Napapailing na lamang ako sa tuwing nakikita ko, kung paano umaksyon si David para lang pakisamahan ang anak ko.
I know na napipilitan lang siya, but infairness, napapasaya niya si Michael.
Makikita ko sa mata nito ang umaapaw na kaligayahan.
"Kainan na! Time out na muna ang laro!", bigkas ko habang kinakalampag ko ang takip ng kaldero at malaking kutsara.
Napatingin sila sa aking gawi, kasabay no'n, tumayo na ang dalawa.
"Come to daddy, son. Bubuhatin kita.", saad ni David na kaagad sumakay sa likuran ng binata.
They look cute together.
Para silang mag-ama.
"H'wag mo ako masyadong titigan, baka mainlove ka, Manang.", bulong ni David sa tenga ko nang ibaba niya ang bata.
Gusto ko sanang sapakin ang lalaki, kaso nandito si Michael.
Kaya napatiim na lamang ako ng panga para pigilan ang sarili.
"Papa, dito ka po, umupo. Tabi kayo ni mama.", saad nito at hinihigit ang damit ng binata.
Nakakainis!
Bakit ba kasi napunta ang taong 'to sa lugar namin?
Tsk.
"Honey, tatayo ka lang ba d'yan? Let's now eat.", ngising baling ni David.
Nakatayo pa rin kasi ako at tila walang balak na sumabay sa kanila.
"Oo nga mama, umupo ka na rin. Wag mong pahintayin ang pagkain.", saad ni Michael dahilan para umupo na ako sa aking pwesto.
Nasilayan ko pa ang palihim na kindat ni David kaya awtomatikong kinilabutan ako.
"Alam mo mama, ang saya ko.",
"--Ngayon ko lang naranasan na magkaroon ng papa. Ang sarap pala kapag may papa, noh?",
"--Sana totoong papa ko na lang siya.", wika ng anak ko habang nginunguya ang karne.
"Baby, diba, bawal magsalita kapag may laman ang bibig?", turan ko sa bata para patahimikin siya.
Ayoko kasing malaman ni David ang tungkol sa papa niya.
Because I hate it.
Naiinis ako kapag kinakaawaan ang sitwasyon namin.
Kaya ayon, tahimik kaming kumakain at halos nasa kanin at ulam lamang ang atensyon naming tatlo.
Kaso bigla akong natigilan nang hawakan ni David ang kamay ko.
Wala sa oras ay napaharap ako sa binata at tiningnan siya.
Kumabog tuloy ng mabilis ang puso ko nang unti-unti n'yang nilapit ang mukha nito sa mukha ko.
I don't know why, pero kusang pumikit ang mata ko para hintayin ang labi niya na dumampi sa akin.
But suddenly, I heard him laugh.
"Hindi kita hahalikan. Aalisin ko lang ang butil ng kanin sa pisngi mo.", saad niya dahilan para mapahiya ako.
"Pffft. Gusto yata ni mama ng kiss mo papa.", sambit ni Michael na tila kinikilig.
Grrr.
"O-of course not. H-hindi ko gusto na magpa-kiss sa kanya. 'Wag ka ngang magsalita ng ganyan, bab---hmm.",
He kissed me.
Oo, hinalikan ako bigla ni David.
Smack lang 'yon, pero ramdam ko ang lambot ng labi niya.
Like s**t!
"Ayieeeh. Nagblush si mama.", rinig kong saad ng bata.
Kaya ako na mismo ang kusang tumakbo paalis ng hapag-kainan at pumunta kaagad ng CR.
Juskoo!
Mukhang nasasaniban yata ang anak ko!