CHAPTER 6
"WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"
Kate's POV:
Hindi maalis sa aking isipan ang sinabing offer ni David.
Matapos niya kasing sabihin 'yon, nagpaalam na siya dahil may kailangan pa raw itong asikasuhin sa kompanya.
Awtomatikong nalungkot ang anak ko, kasi masyadong bitin daw ang pagkakaroon niya ng papa.
Kaya heto, ako muna ako ang nakipaglaro sa bata para hindi siya magtampo.
"Ratatatatatattt!", pagsisigaw ko at pakunwari ko s'yang binabaril gamit ang hanger.
"Mama naman eh, lagi na lang ako ang patay. Dapat ikaw naman po.", pagsusumamo ng anak ko.
Bahagya akong natawa at binigay sa kanya ang hanger.
"Oh sige, ikaw naman ang bumaril sa akin.", bigkas ko dahilan para maganahan siya.
Kaagad s'yang pumwesto at talagang tinutok sa noo ko ang hanger.
"Isang bala ka lang! Bang!", sigaw nito kaya humiga ako at umaktong namatay.
Sa kalagitnaan ng paglalaro namin, nabulabog ako nang marinig ko ang sigawan ng mga tao.
Galing ito sa labas na animo'y pinagkakaguluhan ng lahat.
"Baby, dito ka lang ha? May titingnan lang ako sa labas. Time out muna tayo.", wika ko sa bata.
Tumango naman ito kaya agad akong lumapit sa pinto para buksan ito.
At 'yon, nakita ko ang isang malaking truck na sinisira ang maliit na bahay.
Oh s**t!
Due date na pala namin ngayon para sa lupa.
Hindi pa kasi kami nakakabayad nung nakaraang buwan.
"Sir, maawa po kayo sa amin. Wala kaming matutuluyan.", naluluhang saad ng matandang babae habang nagmamakaawa.
"Kahit bigyan niyo pa kami ng araw para makapag-ipon.", pagpapatuloy na sabi nito.
"Misiss, pasensya na ho pero kailangan na namin ang lupang ito. Magpapatayo kami ng casino, kaya huli na 'tong pagkakataon.", mahinahon na sambit ng lalaki.
Awang-awa ako sa mga kapitbahay ko, dahil sa kalagayan nila.
Alam ko, na pati ang barong-barong namin na bahay ay sisirain nila.
Pero saan?
Saan naman ako kukuha ng pera?
Hindi ako pwedeng bumalik ng probinsya dahil galit sa akin ang magulang ko.
Oo, galit sila dahil sa pagbubuntis ko ng maaga.
"Mama, ano po ba ang nangyayari? Bakit ang ingay sa labas?", kalabit na bigkas ni Michael sa aking likuran.
Nilingon ko naman siya at marahan na pinisil ang pisngi.
"Baby, kailangan na nating mag-impake ngayon.", tanging turan ko.
"B-bakit po, mama?",
"Kasi aalis na tayo sa lugar na 'to. At lilipat na tayo sa iba.", ngiting wika ko.
Ayokong ipaalam sa anak ko, ang lahat dahil masyado pa s'yang bata para sa ganito.
"Kay papa pogi po ba tayo titira, mama?", masayang tanong niya na halos kuminang-kinang ang mata.
Do'n ko naman naalala ang pag-uusap namin ni David kanina.
Tama!
Siya ang makakatulong sa amin para mapadali ang paghanap namin ng matitirahan.
"P-parang ganon na nga, anak.",
"--Sandali lang at tatawagan ko siya.", bigkas ko at naglakad palapit sa drawer kung saan nando'n ang cellphone.
Tumawag siya kagabi, kaya malamang alam ko na ang number niya.
Hindi na ako nagsayang ng oras at nag-call back agad ako sa binata.
Nakakahiya mang gawin pero para sa magandang kinabukasan ng anak ko, kakapalan ko na ang aking mukha.
"s**t! Kung sino ka man, mamaya ka na tumawag! I'm f*****g busy!", malutong na muro ng kabilang linya nang sagutin ang tawag ko.
Medyo nilayo ko ang cellphone sa tenga dahil ang lakas ng sigaw niya.
"Tangina! Ako 'to si Kate! Pumapayag na ako maging secretary mo, potah!", pabalik kong mura sa binata.
"K-kate? Oh damn it! I'm sorry. H-hindi ko na kasi tiningnan ang tumawag kaya--",
"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo.", diretsa kong wika na talagang tinapos ko ang pagsasalita niya.
"So, ano? Magsisimula ka na ba ngayon para maging secretary ko?", saad nito na tila ganado ang pananalita.
"Gago. Syempre hindi.",
"--Bukas na lang ako magsisimula. Pero--",
"Pero?", he asked me na animo'y hinihintay ang sunod kong sasabihin.
"Pero sa isang kondisyon.",
"Anong kondisyon?",
"Titira kami sa bahay mo. I mean, hanapan mo kami ng matutuluyan ni Michael.", litanya ko at napakagat ako sa bandang ibaba ng aking labi.
"Is that so?",
"--Then okay, just wait for me. Susunduin ko agad kayo.", mabilis na tugon niya nang i-end ang call.
Bahala na!
Wala naman sigurong mali kung humingi ako ng tulong sa iba.
Gaya ng sinabi ni David, naghintay kami ni Michael na sunduin niya.
Nakapag-impake na rin kami para sa gano'n, tuloy-tuloy ang pag-alis namin.
I don't know why, but my son look so excited.
Halatang gusto n'yang makasama ang binata.
Masyadong malapit ang loob nila kahit na ilang oras palang sila nagbonding.
"Papa!", bigkas nito nang huminto ang kotse sa tapat namin mismo.
Ang yama niya talaga! Nung isang araw, hindi naman ganitong kotse ang ginamit niya. Pero ngayon, ibang sasakyan naman.
"Papa, totoo po ba na sa inyo na kami titira?", tanong ni Michael nang bumaba ang lalaki.
Naka-shade ito at nakabukas ang butones ng polo niya.
Kaya ayan, pinagtitinginan siya ng mga chismosa naming kapitbahay.
"Buti pa si Kate, nakabingwit ng malaking isda.", rinig kong sabi ng babae.
"Paanong hindi makakabingwit, nagtatrabaho 'yan sa club.", pasegunda ng kausap.
Mapait tuloy akong napangiti dahil sa usap-usapan nila.
Ganito talaga ang tingin ng karamihan sa akin, maruming tao.
"Let's go?", sambit ni David nang lumapit siya para kunin ang bagaheng hawak ko.
"David, k-kung pwede lang, sa ibang bahay mo na lang kami dalhin. Bawasan mo na lang yung sweldo ko, basta 'wag lang sa bahay mo.", turan ko sa kanya.
"But you said--",
"N-nagbago na ang isip ko. Ayoko namang pagchismisan ako. Tsaka, nakakahiya sa kapamilya mo, kung doon ako titira, diba?", balik na saad ko.
"Kate, I have my own house. Kaya wala do'n ang parents ko. Besides, my house is near to my company.", pahayag niya para udyukin ako na pumayag.
Napatingin ako sa mga babaeng nag-uusap sa gilid, kung saan, matalim ang titig nila sa akin.
"I got it. Iniisip mo ba ang sinasabi nila?", he asked me.
Nakatingin na rin pala siya sa mga peste.
Hindi ako sumagot, sa halip, naglakad na ako patungo sa kotse ng binata.
Pero bigla n'yang kinabig ang braso ko, dahilan para mahinto ako.
"Ano ba sa tingin mo, ang ginagawa mo?", kunot-noo kong sambit.
Kaso mas hinigpitan niya lalo ang pagkakahawak at bahagya s'yang tumabi sa akin.
"Listen everyone, nabalitaan ko ang tungkol sa pagpapalayas sa inyo ng may-ari ng lupang ito.", panimula nitong sabi.
Naguguluhan tuloy ako, kung bakit niya 'to nalaman. Sa pagkakaalam ko, hindi ko
'to na-ikwento sa kanya.
"Handa akong bilhin ang lupang ito at ibalik ang bahay niyo. Basta tigilan niyo na si Kate. I don't want to hear a bad words about her. Dahil sa oras na makarating 'yon, ako na mismo ang magpapalayas sa inyo.", he continue saying.
Nagkaroon ng tuwa at galak ang damdamin ng mga tao dahil sa good news na pinaabot ni David.
Kahit sino, maniniwala sa binata dahil postura palang, bilyonaryo na ang datingan.
"And one more thing, Kate is not the type of girl that you're thinking. She's beautiful inside and out, that's why I like her.", wika niya muli na ikinagulat ko.
Teka?
Is he serious?
Ano bang kalokohan ang pumasok sa utak niya at nasabi niya 'to?
"David.", sambit ko sa pangalan nito habang pinandidilatan ko siya ng mata.
But he just winked at me.
"Don't worry, I will be your savior starting today, my wife.", mahinang saad niya.
Halos ma-tae naman ako sa 'di malamang dahilan.
Shet, kinikilig ba ako?