Blurb
Sino nga bang ayaw gumanda diba? Kahumalingan at maranasan hangaan. Lahat ng babae o lalaki nais iyon— ngunit hindi ako.
Itatanong niyo kung bakit? Hindi naman ako ganoon kaganda na maikukumpara sa mga model o diyosa— ngunit may kakayahan akong pabalawin ang maraming tao sa pagtanggal lang ng eye glasses ko at sa pamamagitan lang mg boses ko.
Hindi pa ba kayo matatakot sa charm na dala ko kung lahat ng taong tumitingin sa mata ko at nakakarinig ng boses ko nao- obsessed sa akin at nababaliw ng walang dahilan.
"Sweety, are you okay?" tanong ni mom habang nakaharap ako sa isang full size mirror. Kasalukuyan akong nasa harap ng salamin habang inaayos ang eye glasses ko.
Kinuha ko ang Sketch pad ko magsulat doon at pinakita kay mom.
'I'm okay mom. Kabado lang ako ng kaunti. Ayoko ng ma-bully.'
Bumakas ang lungkot sa mukha ni mom. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Alam ko nag-aalala si mom at gusto na lang niya ako panatilihin dito sa bahay para mailayo sa maraming tao ngunit hindi iyon pwede.
Kailan ko maka-survive at gawin lahat para magawa kong maging normal na tao. Sa ayaw at gusto ko kailangan ko iyon gawin.
Katulad ng sinabi ni dad ang takot ko ang siyang sisira sa buhay ko hindi ang kakayahan ko.
Bumuga ako ng hangin at medyo lumayo. Ngumiti ako kay mom matapos makitang paiyak na naman ito.
Maaga pa naman kaya pinaupo ako ni mom sa gilid ng kama. Nilipad ko ang sketchpad ko sa sunod na pahina.
'Mom, pwede mo ba ulit sa akin kung paano kayo nagkakilala ni dad?'
Natawa si mom at umupo sa tabi ko pinisil niya ang pisngi ko ng mahina.
"Silly, mula 6 years old ka kinukwento ko na iyan. Hindi ka ba nagsasawa?" tanong ni mom. Mabilis akong umiling at ngumiti kay mom.
Iyon lang ang tanging motivation ko. Makakahanap ako ng katulad ni mom na hindi naapektuhan ng charm namin ni dad.