Chapter 02
3rd Person's POV
Pagbalik nina Felix at Heather sa classroom. May mga lalaking nasa upuan ni Heather at mukhang hindi nila iyon mga kaklase.
"Heather, pwede kang lumipat sa tabi ko. Bakante iyong sa kabila," ani ni Felix. May nakaupo kasi talaga sa inupuan ni Heather ngunit sa kaliwa ni Felix ay walang nakaupo.
Nanatili sila sa unahan dahil nandoon pa ang mga kabarkada ni Darius. Nagsulat si Heather at pinakita iyon kay Felix.
Sumama ang mukha ni Felix matapos mabasa na hihintayin niya na lang ang bagong seating arrangement.
"Boss anong problema?" tanong ng mga barkada ni Darius. Nagising kasi ito at tumingin sa unahan tapos sa kanila.
"Layas— nandiyan iyong may ari ng upuan," ani ni Darius. Nagtaka ang dalawa. Sinong tao ang may lakas ng loob na maging seatmate ang boss nila.
Napatigil ang lalaking nakaupo sa upuan ni Heather matapos may kumulbit sa kaniya. Lumingon si Jack at doon may nakita siyang babae. May hawak itong sketchpad.
Pinakita iyon sa kaniya. Sinabing pwesto niya ang inuupuan ng lalaki.
Napatayo si Jack at umalis doon matapos maramdaman ang masamang tingin ng boss niya sa likuran niya.
Parehong nakatayo ang dalawa sa tabi ng upuan ni Heather na kasalukuyang naglalabas ng mga pagkain.
Lahat ang mga iyon strawberry flavor. Mula sa candy, juice, biscuit, tinapay ether sa junkfoods.
Tinaas ni Heather ang sketchpad niya at pinakita iyon sa dalawa. Nagpakilala si Heather at tinanong sila kung friends nila si Darius.
Nag-isip pa ang dalawa kung kakausapin nila ang babae ngunit nagpasya silang huwag ng magsalita. Wala silang tiwala sa mga babae.
Binaba ni Heather ang sketchpad niya. Inabot niya sa dalawa ang dalawang juice at dalawang tinapay na binili niya.
Apat naman iyon at sakto sa kanila. Dapat sana gagawin nilang pang-breaktime at meryenda ang mga iyon para mamaya ngunit hindi pwedeng hindi siya mag-share.
Nag-gesture si Heather na safe iyon. Kinuha ng dalawa iyon dahil sa idea na hindi talaga nagsasalita ang babae.
Nanatiling nakahalumbaba si Darius habang nakatingin sa bintana. Hinila-hila ni Heather ang jacket ni Darius kaya gusot ang mukhang lumingon ang binata.
Inabot ni Heather ang ilan niyang biniling pagkain kay Darius at sinabing binili niya iyon sa baba.
"Hindi lahat trip ang lasa ng strawberry," inis na sambit ni Darius ngunit kinuha nito ang mga pagkain.
Nag-sorry si Heather. Nagsulat ito at pinakita kay Darius.
"Nilokoko mo ba ako? Bakit ko sasabihin kung anong gusto kong pagkain?" banat ni Darius. Tiningnan siya ni Heather nagtataka. Parang sinasabing bibilhin niya iyon at ibibigay sa binata.
"Whatever, libre naman ito. Okay na ito," ani ni Darius at binuksan ang tinapay. Kumagat siya doon at hindi na pinansin ang mga barkada na ngayon ay nakangiwi matapos kumagat sa tinapay. Masyado iyon matamis.
Nakaupo ang dalawa sa unahan ng upuan nina Heather at Darius.
Hindi mabuksan ni Heather ang tinapay gamit ang kamay niya. Kakagatin niya iyon nang hilahin iyon ni Darius at siya ang nagbukas.
"Hindi ka pwedeng basta na lang magbukas ng pagkain gamit ang bibig mo. Masyadonv marumi iyan," saway ni Darius at inabot iyon kay Heather. Nag-gesture si Heather na salamat.
Lahat ay nakatingin sa direksyon nila kahit si Felix na ngayon ay kausap ng bestfriend nito na si Lexie.
"Felix!"
Napatigil si Felix at lumingon kay Lexie na ngayon ay gusot ang mukha.
"Ano bang meron sa transferee at kanina ka pa nakatingin sa kaniya?" gigil na sambit ni Lexie. Childhood friend ni Felix si Lexie.
"Ano ba kasing sinasabi mo?" tanong ni Felix. Sumama ang mukha ni Lexie.
"Sabi ko pumunta ngayon tayo sa bahay. Tingnan mo lahat ng binili ko na damit for you okay?" ani ni Lexie. Gusto tumanggi ni Felix ngunit kapag ginawa niya iyon siguradong makakarating sa daddy niya at mapapagalitan siya.
Malaki ang utang na loob ng mga Mason sa mga Valdez kaya ayaw ng daddy niya na mapunta sa wrong side ng mga Valdez. Naiyukom ni Felix ang mga kamao. Nasasakal siya dahil doon.
Sa university o sa bahay nila. Pakiramdam niya nasa malaki siyang hawla at nakakadena.
Sino bang gusto maging anak ng isang Mason at maging student council president. Pilit na ngumiti si Felix at sinabing okay.
Bawal siyamg humindi o ipakita ang pagtutol niya. Naiinis si Felix sa buhay na iyon— bawat galaw niya pinanonood at kontrolado.
Bahagyang lumambot ang expression niya matapos maalala si Heather at ang sinulat nito about sa fountain.
Nanatiling nakayakap sa kaniya si Lexie at maraming kinilig sa mga kaklase nila doon. Nakapako ang tingin ni Heather sa dalawang nasa unahan.
Alam na ngayon ni Heather ang dahilan kung bakit ganoon ang reaksyon ni Felix 'nong umupo siya sa upuan ng girlfriend nito.
Nagsulat si Heather. Napatingin ang tatlo doon.
'Muntikan na ako makasira ng relasyon.'
Bumakas ang pagtatakha sa mukha ng tatlo. Nilipat ni Heather ang pahina— napaubo ang dalawa at si Darius umiwas ng tingin. Tinakpan ang bibig at tila nagpipigil ng tawa.
Nagtaka si Heather kaya tiningnan niya iyon. Lahat yata ng dugo sa katawan umakyat sa mukha niya.
Dumikit pala ang kasunod na pahina sa likot ng unang pahina kaya iyong last page ang nakita. Iyong unang mga sinulat niya ang naipakita niya. Ubos na ang sketchpad niya.
'Stripe iyong style ng panty ko. Hindi polka dots, mom.'
Napasubsob si Heather sa lamesa dahil sa kahihiyan. Tumikhim ang dalawa at sinabing ayos lang iyon.
"Panty din ng ate ko stripe. Sabi ng ate ko Hindi daw maganda sa paningin niya ang polka dots," pagpapalubag ng loob ni Jack. Mas lalong namula ang babae dahil doon.
"Anong hindi maganda sa polka dots? Iyong ex girlfriend ko mahilig sa polka—"
Tinapunan sila ni Darius ng kahon ng juice at sinabing manahimik na lang. Hindi iyon ang tipong pinaglalandakan sa iba.
May sinusulat si Heather habang makayuko. Tinaas niya iyon.
Tumikhim si Darius para maiwasam matawa. Tinakpan nina Jack ang bibig.
'Gusto ko na mag-transfer out— pakituro sa akin ang office.'
Sinabi ni Darius na sila lang naman ang nakabasa kaya ayos lang iyon. Namumulang umayos ng upo si Heather at tiningnan ang tatlo.
"Secret lang iyon," ani ni Jack at hinarang ang isang daliri sa bibig. Kumindat si Philip at parang sinabing secret lang.
"Yeah secret lang na sinabi mo sa amin na mahilig ka stripe," banat ni Darius. Lumubo ang dalawang pisngi ni Heather at tila naiinis na siya sa lalaki.
Halatang nang-aasar na ito na kinatawa nina Jack. Nagbubulungan lang naman sila doon kaya wala talagang nakakarinig ng usapan nila.
"Ubos na sketchpad mo. Ayos lang ba iyan?" tanong ni Darius matapis makitang binubulkat ni Heather ang sketchpad niya.
"May sketchpad ako kaso nasa art room iyon. Gusto mo?" tanong ni Philip. Napatigil si Heather matapos marinig iyon.
Wala pang lunch. Kailangan niya ng sketch pad. Nahihiya naman si Heather doon.
"Huwag kang mag-alala bayad na din iyon sa binili mo sa amin na tinapay at juice. Free iyon," ani ni Philip. Nag-gesture si Heather ngunit napatigil din sa idea na hindi siya maiintindihan ng mga ito.
"Maraming art materials si Philip. Forte niya ang art at hindi siya mauubusan 'non kahit ilan pa ang kuhanin mo," ani ni Darius. Nagulat si Heather at lumingon.
Nag-gesture si Heather at parang tinanong nito kung naiintindihan siya nito.
"Hindi nakakarinig o nakakapagsalita ang ate ko. Natural lang na marunong ako magbasa ng hand language," sagot ni Darius. Kuminang ang mata ni Heather doon.
Gumawa ulit ng hand gesture si Heather. Tinanong nito kung nag-aral ba siya 'non para maintindihan ang kapatid niya.
"Malamang— hindi ko makakausap ang kapatid ko kung hindi ako marunong 'non. Tumayo ka na diyan malapit na magsimula ang klase. Punta tayo ng art room," ani ni Darius at tumayo.
"Sumama ka sa amin. Pili ka ng sketchpad na gusto mo," ani ni Philip. Agad na tumango si Heather at kinuha ang luma niyang sketchpad.