Chapter three: Almost
Fritz Pov
Dumiretso agad kami sa opisina ni boss pero bago iyon ay nadaanan pa namin ang umiiyak niyang secretary. Napakaikli ng skirt nito at fitted ang white blouse niyang suot na halos makita na ang bra dahil sa nipis nito. Iba talaga ang charisma ni boss!
"bakit ka umiiyak?" ngising tanong ni Basil kaya gulat na nag angat ng tingin yung secretary.
"I was fired!" hagulgol niya lalo bago tumakbo paalis. Napatigil naman ako habang nakatitig pa rin sa pinag alisan nung babae. Dahan dahan ay sabay pa kaming lumingon ni Basil at—
"hahahahaha! Mukhang clown!"
"yung make up niya kulay itim! Hahahahaha!"
"kulay itim rin yung pisngi! Hahahaha! Parang may grasa yung mukha! Epic! Hahahaha!"
Hagalpak namin sa hallway. Grabe kasi talaga! Hahaha... Tapos ang panget pa niya umiyak!
"Hahahah...ha...ha... Boss!" saludo ko agad ng makita si boss na nakatayo sa labas ng opisina niya at masamang nakatitig sa aming dalawa. Hindi nagsalita si boss at pumasok ulit sa opisina niya ng hindi sinasara ang pinto nito kaya agad kaming sumunod roon.
"Find me a new secretary." malamig niyang sabi sa telepono sa desk niya.
Naupo naman ako sa sofa at si Basil naman sa harap ko, ilang beses pa akong napalunok ng hindi na magsalita si boss at namayani na lang ang nakakabinging katahimikan.
"boss?" tawag ko, hindi siya sumagot pero alam kong nakikinig na siya. "Yung mansion nila. Under renovation na." dagdag ko pa at doon na siya nag angat ng tingin at nagtama ang tingin namin. s**t! Nanlamig ako bigla!
"then, just continue with your job." seryoso niyang sabi bago bumalik sa pagbabasa ng mga papeles. Sabi ko nga matutuwa si boss ee...
Napalingon naman ako kay Basil na ngingisi ngising nakatingin sa akin. Hinagis ko sa kaniya yung tabing unan at umilag lang ito. Bwisit ka!
"Tara na? Inaantok na ako eh." tayo ni Basil kaya tumayo na rin ako at nagpaalam kay boss. Pagkalabas pa lang ng opisina ay doon na ulit humagalpak ng tawa yung baliw kong kasama.
"hahahaha! Pahiya konti!" turo niya sa akin kaya mabilis ko siyang binatukan "masakit bro!"
"dapat lang yan. Kapag si boss naingayan ulit dadanak ang dugo natin!" patiuna ko at iniwan na siya roon.
***
Sora pov
Matapos magbasa ng mga e-mails sa laptop tungkol sa kompanya, mga business meetings and reports ay lumabas muna ako ng hotel room para magpahangin. Hindi ko na rin namalayan na gabi na pala, kaya bibili na lang siguro muna ako sa malapit na convenience store. At dahil under renovation ang Woldart's Residence kaya magis-stay muna ako rito for five days.
"Good evening, ma'am" bati nung guard pagkalabas ko ng hotel, tumango lang ako at hindi na siya nilingon pa.
At dahil wala nga pala akong sasakyan ay pinili kong maglakad lakad na lang, nagbabasakaling walking distance ang convenience store. Masarap at malamig ang simoy ng hangin ngayong gabi, idagdag mo pa na tahimik na ang kalsada, dahil na rin siguro sa Alas diyes na ng gabi.
"b-bitawan mo ako!" nagtataka kong nilingon yung pinanggalingan ng boses at agad na napataas ang kilay sa nakita.
Hawak ng lalaki yung babaeng nakabusiness attire sa pulsuhan at pilit itong hinihila sa pinakaloob ng eskinita, lumapit ako ng bahagya sa kanila at mukha naman wala pa sa dalawa ang nakapansin lang man ng nakamamatay kong presensiya.
"Sasama ka o papatayin kita!?" giit nung lalaking naka loose shirt at shabby jeans. Naka tsinelas lang din siya at halata ang dumi sa kaniyang damit at paa. Sino nga naman ang papayag na sumama sa kaniya? Kung bulag pwede pa. Psh.
"bitawan mo sabi ako!" sigaw nung babae at mukhang nagulat ata yung r****t niya dahil akmang susuntukin niya na ito ngunit mabilis akong lumapit at sinalo yung kamao ng lalaki.
"alam mo, kung gusto mong manuntok doon ka pumatol sa kasing lakas mo hindi sa mas mahina sayo." malamig kong sabi habang mas dinidiinan ang pagkakahawak sa kamao niya. "dahil pag nagkataon papasabugin ko ang bungo mo." dagdag ko pa bago ipilipit ang kamay niya at sinipa sa tiyan.
Nagtatakbo naman yung lalaki kaya sinundan ko na lang siya ng tingin. Tss. May mga tao talagang pumapatol sa mas mahina sa kanila dahil duwag sila. Ayaw nilang matapatan at takot silang matalo.
"S-salamat po! Ate salamat ng marami! Salamat talaga!" nilingon ko naman yung babae na ngayon ay nakayuko na at patuloy pa rin sa pagsasabi ng salamat. I just rolled my eyes hanggang sa tumigil siya at mag angat ng tingin.
Gumuhit ang gulat sa kaniyang mukha at mas tinitigan ako na para bang may kakaiba o tinubuan ako ng tatlong ulo na may tig iisang sungay, ngunit nawala rin iyon at napalitan ng ngiti. I smirked. Pagkakataon nga naman.
"Salamat po talaga." sabi niya ulit at tumango lang ako.
"bakit kasi pakalat kalat ka pa ng ganitong oras tapos ganiyan ang suot mo?" walang gana kong sabi. Ipinamulsa ko lang ang dalawa kong kamay.
"naghahanap po kasi ako ng trabaho..." sagot niya naman sa maliit na boses. Nagpalinga linga naman ako at may nakitang malapit na 711.
"ano bang tinapos mo?"
"Business Administration po." muli kong ibinalik ang tingin sa kaniya bago dukutin ang wallet sa bulsa ng pantalon ko. Naglabas ako ng card roon at iniabot sa kaniya ito.
"pumunta ka diyan, 10 pm sharp. Sabihin mo sa front desk na ako mismo ang personal na nagbigay sayo ng card." sabi ko bago naglakad na palayo pero huminto muna ako saglit. "wag mo ng ipaalam sa iba yan. Masisira ang reputasyon ko bilang cold na employer."
"t-teka, ano pong pangalan niyo?"
"just tell the front desk my description" sagot ko pa at nagpatiuna na ng hindi siya nililingon. Yung address at pangalan lang kasi ng company ang nakasulat roon sa card, wala rin naman akong balak magpakilala pa sa kaniya. Siguro, soon...
***
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil may pupuntahan ako ngayon. Nagsuot lang ako ng loose long sleeve hoodie at itim na pantalon at converse. Hinayaan ko lang nakalugay ang basa ko pang buhok bago nagpara ng taxi. Ngayon ang pangalawang beses na bibisitahin ko sila, at kahit isang taon na ang nakalilipas sariwa pa rin sa isip ko ang mga nangyari.
I was there. Nakapunta pa ako ng hospital nun, nakapunta pa ako ng libing nila at sobra sobrang sakit ang naramdaman ko ng mga araw na iyon. Para akong pinapatay. My supposedly birthday didn't turned out ver well, it became a dark sinister death day.
"itabi mo na." sabi ko sa taxi driver at binigay na yung bayad sa kaniya bago bumaba sa tapat ng flower shop. Medyo mahamog pa dahil pasikat palang ang araw kaya naman tinaas ko muna ang hood ng long sleeve ko.
Pumasok ako sa flower shop at may nakabangga pang lalaki na nakashades. Napakaaga nakashades... Baka naman bulag, nabangga ka nga ee. Iling ko na lang.
Mabilis akong pumili ng mga bulaklak at pinaarrange ito, pagkatapos naman ayusin nung tindera ang mga bulaklak ay lumabas na ako para dumiretso sa puntod ng mga magulang ko. Dahan dahan.. Bawat hakbang na ginagawa ko ay napakabigat sa pakiramdam.
Let go and move on to set you heart free from the miseries. Pero paano ko nga ba gagawin yun kung hindi ako handa sa mga nangyari, kung hindi ko tanggap.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ng makita yung kaninang lalaki na nakabunggo, tumakbo ito habang may hawak pang mga bulaklak. Nung una medyo nagtaka pa ako dahil papunta sa pwesto ko yung daan niya, pero lumampas siya. Nevermind.
Dumiretso na ako sa puntod nila mommy at daddy at nilapag roon ang dalawang basket ng bulaklak na binili ko.
SERA SALVATORE-WOLDART
GRIFFIN WOLDART
You will always be in our hearts.
Napangiti na lang ako ng mapait. Siguro kung buhay pa si dad siya mismo ang papatay sa mga nagturo sa akin mag car race at magtraining. He doesn't want me to learn those things...
'hayaan mong kamay ng iba ang mabahiran ng dugo, ikaw ang pinuno nila. Ang kailangan mo lang ay utusan sila.'
Pero minsan, kailangan din nating maging malakas at huwag na lang dumepende sa iba.
"mom, dad... Ngayon lang ulit ako nakabisita... S-sana o...okay lang kayo. Sana masaya kayo kung nasaan man kayo ngayon. M-mommy, daddy... S-sa...lamat." naiiyak kong sabi bago tumayo na roon at umalis.
Basil pov
Pagkarating sa flower shop ay agad akong namili ng bulaklak at nagbayad sa babae, suot suot ko yung shades ko at kitang kita ko kung paano ngumiti yung babae.
Takte! Ang dami talagang nahuhulog sayo, basil! Iba ka talaga!
Ngumiti ako sa tindera bago siya talikuran ngunit may nabangga akong isa pang babae. Nakahood siya kaya di ko nakita yung mukha, pero shiz! Ang lakas ng dating niya! Ngingiti ngiti naman akong lumabas ng shop para puntahan yung puntod ni Mr. And Ms. Woldart, eto kasi yung araw araw na pinapagawa ni boss kaya mabuti na ring dalhan ko sila ng bulaklak since wala namang dumadalaw.
Malapit na ako sa puntod nila ng bahagya akong lumingon, kanina ko pa kasi napapansin yung kahina hinalang gunggong na nagtatago sa payat na puno. Naka all black siya at may suot na shades rin pero di nakaligtas sa akin yung ear device na suot.
Napatayo ito ng tuwid ng makita akong nakalingon sa kaniya, at bago pa man makareact yung lalaki ay tumakbo na ako papunta sa pwesto niya. Walang makakatakas sa akin! Bwahahaha!
Hinabol ko yung lalaki at muntikan ko na namang mabangga si Ms. Hoodie, iremind niyo lang ako na tanungin ang pangalan niya mamaya...
"damn!" sigaw ko ng may mabilis na sasakyan ang dumaan at pumasok ang lalaki roon. Nilabas ko naman ang aking baril at akmang magpapaputok ng maalala ko kung nasaan ako.
"pasalamat ka maraming makakarinig!" inis kung inis kong sigaw at sumandal muna sa katabing puno para magpalamig.
Buti na lang talaga nakuha ko yung plate number ng sasakyan.