Chapter 2: She's back
***
"sigurado ka bang ngayon ka na agad uuwi?" tanong ni Stanley pagkababa ko ng isang malaking maleta, di ko siya pinansin at nagtuloy sa kusina upang kumuha ng makakain.
"solemn? Di mo lang ba ako papansinin?" tila ba nagtatampo niyang sulpot sa bukana ng kusina kaya wala na akong nagawa kundi sumagot.
"My company is facing a trouble at kailangan ko yung asikasuhin, stanley." wala gana kong sagot. Minsan talaga may pagkamakulit yang si Stanley at overprotective na akala mo nasundan ako ng mga mafia hanggang dito at anytime susulpot kung saan para patayin ako. Sadyang OA lang siya...
"kailan ka babalik dito sa japan?" tanong niya pa
"di ko alam."
Who knows? Baka nga di na ako bumalik pa rito, dahil sa Pilipinas magsisimula lahat. Ang mga plano at unti unting pagpapabagsak sa mga taong sumira sa akin at sa pamilya ko. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako kay Stanley at sumakay sa kotse kung saan si Dan ang nagmamaneho. Marami pa kasing aasikasuhin si Stanley at talagang medyo busy siya sa mga gawain.
"Salamat, Dan." sabi ko bago bumaba ng kotse sa tapat ng airport.
"anything, Ma'am." magalang niya namang pagyuko, tumango ako at pumasok na sa loob. Hindi naman gano'n kadami ang loob ng airport dahil na rin siguro sa hatinggabi ang flight.
Naupo naman muna ako sa waiting area at itinali ang hanggang balikat kong buhok, nakasuot lang din ako ng white tank top at black leather pants na ibinagay ko sa itim na ankle boots. Kung dati ay palagi akong nakavictorian dresses ngayon ay hindi na, mas malaya kasi akong nakakagalaw sa ganitong attire. Maya maya ay tinawag na yung flight number ko kaya tumayo na ako at pumasok na sa loob. This is it... I think I'm ready to face them again. Kung magkikita man kami.
***
"you're alive?" nilingon ko yung pinanggalingan ng boses. Ngunit sadyang madilim ang lugar na aking kinatatayuan. Madilim, malamig at nakakatakot dahil hindi ko alam kung ano ang paligid sa oras na magliwanag ito.
"i though you're dead." napakalamig ng boses niya. Tila ba ayaw niya ang makita ako. Kinapa ko ang aking paligid upang hanapin ang switch, ngunit gayon na lamang din ang panlalamig ko ng mahawakan ang isang malamig na bagay.
Alam ko kung ano iyon... Ang sensasyon palang ng paghawak rito at sa hugis niyon ay hindi na ako nagkakamali. Baril... Hinawakan ko ang baril na iyon at biglang bumukas ang ilaw.
At bigla na lang umikot ang aking paligid. Nasa gitna ako ng malaking mansyon, napakaraming patay sa paligid. Napakaraming nagkalat na basag na mga gamit at salamin at ang pinakapumukaw ng aking atensyon ay ang aking baril na nakatutok sa isang tao. Ang baril na niregalo niya sa akin sa kaarawan ko, at baril na gusto niyang pumatay sa akin.
Si Shin. Kahit siya ay nakatutok sa akin ang kaniyang baril. Walang kumibo sa aming dalawa at patuloy lang sa pagsusukatan ng tingin. Bala sa bala... Yan ang estado namin ngayon...
"remember what I told you? I want you dead"
Bang!
Napabalikwas ako sa aking kinauupuan at takang napatingin sa paligid, wala na akong katabi at mukhang nakaalis na rin ang mga tao.
"Ma'am we had already landed, five minutes ago." ngiti sa akin nung dumaan na flight attendant sa aisle. Tumango naman ako at mabilis na bumaba dahil hanggang ngayon ay habol habol ko pa rin ang aking hininga.
Nothing changed. Hanggang sa panaginip gusto niya akong patayin, pero di niya na magagawa yun. Lalaban ako para sa sarili ko at para sa Royal mafia, ganun kadali.
Pagkarating sa labas ay agad akong sinalubong ng mainit na paligid ng Pilipinas. Sobrang init na para akong inihaw bigla kaya mabilis kong nilagay sa likod ng bagong dating na taxi ang aking maleta at naupo sa tabi ng driver sa harap.
"saan po tayo, mam?" ngiti nung driver sa akin. Sinabi ko naman yung pangalan ng village at ngumiti lang siya ulit bago nagmaneho palayo sa airport. Weird niya lang. Ganun na ba kabait at kawarm ang mga tao ngayon?
Tahimik lang akong nakaupo roon habang tinitignan ang aming dinadaanan ng biglang mag ring ang phone ko.
"what?" bungad ko sa caller. Iisa lang naman yung walang humpay na tawag ng tawag sa akin sa tuwing nawawala ako sa paningin niya.
"wala man lang bang hello? Napakabait mo talaga" sarkastikong sabi ni Stanley sa kabilang linya.
"ibababa ko na ito." walang gana ko namang sabi at bago pa man gawin iyon ay mabilis na siyang sumagot.
"Bukas pa ang dating ng motor mo. By the way nakauwi ka na?"
"not yet. Nasa taxi pa ako."
"ah ganun ba? Sige ibababa ko na" pero bago pa man niya magawa iyon ay inunahan ko na siya sa pag end ng call. Napataas naman ang aking kilay ng tumigil sa tabi yung taxi driver, walang tao o sasakyan sa paligid at tanging puno at kalsada lang ang makikita.
"holdap to miss!" tutok sa akin ng baril. Hindi naman ako kumibo at walang gana lang tinignan yung nakatutok na baril sa noo ko ng may pumasok na isa pang babae sa likod.
Maluwag ang suot na T-shirt ito base sa pagkakakita ko sa rear view mirror. Pulang pula ang kaniyang lipstick at may makapal na make up sa mukha.
"dispatsahin mo na yan agad, tapos itapon mo na lang diyan ang babae sa tabi tabi" ngisi ng bagong dating habang ngumunguya ng bubble gum. Nakuha pa nitong sumandal sa upuan at itaas ang dalawang paa sa headrest ng upuan ng driver.
"maghintay ka. Nasiguro mo nang walang tao sa paligid?" tanong ng driver sa kaniya. So, magkasabwat pala ang dalawang ito? Tignan mo nga naman 'two birds in one stone'.
"wala!" matabang na sabi nung babae at kinuha ko naman iyong tsansa para mabilis na kabigin ang baril at agawin ito sa lalaki.
Di ko na sila hinayaan pang maka atake pa dahil mabilis kong binaril sa tagiliran ang babae at tinutok ang baril sa driver.
"argh! Jonas! Patayin mo na yan!" inda nung babae ngunit hindi naman makagalaw sa pwesto niya yung Jonas, dahil kapag ginawa niya iyon sasabog ang bungo niya.
"nagulat ka no? Sa biglaang pagbaligtad ng sitwasyon." ngisi ko at di naman siya makapagsalita. No one should dare to mess up with me. "baba!" sigaw ko at nagmamadali namang bumaba yung Jonas at yung babae sa likod.
Nang medyo makalayo na silang dalawa ay bumaba ako ng taxi at binaril silang dalawa. Magkasunod na tumumba ang katawan nila sa kalsada pero walang reaksyon lang akong bumalik sa loob ng taxi at ako na mismo ang nagmaneho nito.
***
Basil pov
Tss. Naupo ako sa sofa at isinandal dito ang aking ulo. Wala na naman kasi akong makausap dahil bukod sa walang tao rito ay wala rin naman akong magagawa sa condo. Busy kasi silang lahat at ako lang yata ang may pinakamagaan na gawain.
Patuloy ang pagpapahanap ni boss sa heiress o kay Solemn Raina. Si Thyme busy sa paghahanap ng data at hanggang ngayon ni isa ay wala pa ring nakalap. Si Fritz naman, ayun busy rin sa pag iimbestiga at pagbabantay sa Woldart's residence. At ako? Simple lang naman ang pinapagawa ni Boss, syempre ayaw niyang napapagod at naiistress ako dahil baka mabawasan ang pagkapogi ko.
Araw araw niya akong pinapapunta sa sementeryo, pero damn! Wala naman akong makitang mapagkakainteresan doon bukod sa mga patay at mga naglukluksa. Gusto pa ni Boss na dalawang oras akong manatili roon. Haist... Ako yata ang mamamatay sa pagkabored.
"oh anong nangyari?" bungad ko ng pumasok si Fritz na nakakunot ang noo. Lumingon naman ito sa akin bago tumabi at sinandal rin ang ulo.
"the mansion's being renovated." kunot noo niyang sabi. "bumalik na rin ang mga guards kaya medyo malayo ang naging watch out ko."
"anong ibig mong sabihin?"
"may magbabalik sa lupain ng mga woldart" seryoso niyang sabi at napatitig naman ako sa kisame.
"It's either isa sa mga royal. Kamag anak, si Cello, maaaring ang nawawalang si Hiro o ang sinasabing buhay pa na si Solemn, ang heiress." wala sa sarili kong sabi. s**t! Ano kayang magiging reaksyon ni Boss pag nalaman niya ito.
"saan ka pupunta?" lingon ko kay Fritz ng tumayo na siya.
"Kay boss, sasabihin ko ang balita. Sasama ka ba?" ngisi niya naman na ikinangisi ko rin. Sino nga ba ang ayaw makita ang magiging reaksyon ng isang mafia boss na mas naging cold ngayon. Cold at heartless. Iyan na ang bagong Shin Phoenix Sumiyoshi. Ang may ari ngayon ng Sumiyoshi Company at isa na sa pinakamayamang bachelor sa Asia.
"Tara na! Ano pang tinatanga mo diyan?" sabi ko ng unahan kong lumabas si Fritz, sumama naman ang mukha nito at akmag sasapakin ako ng hawakan ko ang kamao niya.
"Di ako tanga." matabang niyang sabi na ikinatawa ko naman.
"matakaw lang?" pang aasar ko naman.
"damn you! Wag mo akong itulad sayo!" inis niyang sabi at nagpatiuna na. Hahaha. Sa wakas! May napagtripan din!