Chapter 4: the new secretaries
Paano kaya babaguhin ng dalawang secretary ang buhay nila?
Well... Let's meet them first!
***
Sora pov
Bumalik muna ako sa hotel ng malaman na nandoon na ang ang motor ko, kinuha ko naman sa guard yung susi nito bago dumiretso sa parking lot. Napangisi ako ng makita ang aking lotus bike, it is a black motor bike with golden linings, shiz! Ang cool talaga ng baby ko! Kinuha ko agad ang itim na helmet sa gilid nito at sinuot. Hindi na ako magpapalit na damit, kompanya ko naman iyo at wala silang pakielam kung nakapasok ako ng hoodie at pants. At isa pa tinatamad na akong bumalik sa suite ko.
Sumakay na ako ng motor at mabilis itong pinaharurot palabas, gulat na napatingin pa sa akin yung parking lot guard kaya napa iling na lang ako.
Pagdating naman sa kompanya ay dirediretso lang ang aking paglakad. Yung kaninang mga lalamya lamya kong mga employee ay parang nabuhusan ng malamig na tubig, lahat sila nagulat sa biglaang pagdating at pagsulpot ko sa harapan nila.
"Good morning, ma'am." yuko nung isa habang inaayos yung sangkatutak na papel na hawak niya.
"G-Good morning, ma'am!" bati pa nung isa kong empleyado na nagmanadaling umakyat ng hagdan.
Pumunta ako ng elevator at pinindot ang button, ilang minuto ang lumipas ay bumukas ito sakay ang maraming empleyado. Syempre, dahil kilala nila kung sino ako ay nagsiksikan silang lahat bigyan lang ako ng malaking space.
"what?" pansin ko sa isang babae na tinignan ako mula ulo hanggang paa. Ngayon lang ba siya nakakita ng ganito ang suot sa trabaho, hindi siya kumibo kaya nagsalita na ako bago pumasok sa loob. "masanay ka na." walang gana kong sabi at sumara na nga ang elevator.
Walang gumagalaw. Kahit paghinga nga nila hindi ko na marinig, wala ring bumaba hangga't di ako nakakaalis, dahil na rin sa nakapwesto ako sa bandang pintuan o daanan ng elevator. 30th floor... Nag 'ding!' ang elevator at tuluyan na nga akong bumaba, pero bago iyon ay narinig ko pa ang sabay sabay na pagbuntong hininga nila.
"grabe. Akala ko mamamatay na ako sa pagpipigil ng hininga, nakakatakot naman siya..." nagpantig naman ang tenga ko sa kung sino man ang bumulong. Bulong ang ginawa niya pero sadyang malakas lang.
Pasara na rin yung elevator pero iniharang ko ang aking kamay at awtomatiko itong bumukas.
"wala naman kasi sayong pumipigil sa paghinga, dear. At hindi kita tinatakot." walang gana ko ulit na sabi at iniwan na sila roon na nakatulala. Tss... Mga tao nga naman, hindi na nasanay.
Tahimik lang akong naglakad sa hallway nasa pinakadulo nun ang opisina pero bago iyon ay madadaanan ko muna ang pinto ng aking secretary na saktong kakalabas lang, muntikan niya na akong mabangga pero nagtuloy tuloy lang ako ng lakad ng may humawak sa aking balikat.
"sorry miss pero mali ka yata ng napuntahang floor." mataray na sabi ng aking secretary, kinabig ko naman ang kaniyang kamay na nakahawak sa akin.
"yan ang opisina ni Solemn Raina Woldart." hindi iyon tanong, it's a complete obvious fact.
"oo yan nga." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "kaya umalis ka na kung ayaw mong tumawag ako ng guard. Look at you, you don't even belong here. Kung manghihingi ka para sa charity or whatsoever wag dito. Wala ka rin namang mapapala sa batong amo ko." mahaba niyang lintanya na ikinainis ko.
Di ko rin naman siya masisisi. Pangatlong punta ko pa lang dito at mukhang bago lang din itong secretary kong maarte.
"ganun ba... Then miss secretary PACK your things because you're FIRED." matigas kong sabi at iniwan na siya roon na nakatulala habang nakabukas pa ng maliit ang bibig.
Ganiyan nga... Magulat ka at namnamin mo ang pagkawala ng trabaho mo.
Binuksan ko ang aking opisina at tinahak ang aking swivel chair, naupo naman ako roon at saglit na pumikit.
Tok*tok
"come in." walang gana kong sabi at pumasok ang middle aged na babae, kilala ko siya. Siya yung HR director. "what do you need?"
"board meeting in one hour, ma'am" bow nito sa akin bago nagpaalam na lumabas, nabalitaan niya na siguro ang pagsesante ko sa maarteng secretary.
Inayos ko naman ang aking mga papeles at isa isa itong binasa, yung iba alam ko na dahil kasama iyon sa mga pinasang e-mails sa akin. At ang kailangan ko na lang ay umisip ng solusyon para sa problema ng kompanya.
Isang oras na ang nakalipas, naghihintay na raw lahat ng board members sa meeting room kaya sumunod na ako roon. Tahimik lang sila pagpasok. Walang mga umiimik at hinihintay lang ang pagupo ko sa pinakadulo.
"start." seryoso kong sabi at nagsimula na nga sila.
"as you can see, Ms. Woldart. Bumababa ang sales natin at hindi na nagiging fixed ang mga pumapasok na pera. Nawalan rin tayo ng 3 billion at kahapon lang din namin nalaman iyon. We need a plan Ms. Woldart" paliwanag nung financial director, tumango naman ako at nagtanong sa kanila ng suggestions.
"Partnership, madam." suhestiyon ng isa na ikinataas ng kilay ko. "to secure everything and increase the profit, partnership is the best action"
"with whom?" taas kilay ko pa ring tanong.
"with one of the successful company in Asia." sagot nung isa at kita ko ang pagkagulat nila at sabay sabay na paglunok ng sabihin iyon.
"but our's the only successful company in whole Asia." di ko pagpansin sa sinabi ng huli.
"I think it's time to consider the existence of the other company, madam." lunok nung katabi ng financial director.
"and what company is that?"
"S-sumiyoshi, Ms. Woldart" nagpantig ang aking tenga sa narinig at nanlamig ang mga kamay ko, bahagya akong sumandal at tinitigan yung nagsalita.
"Okay, I'll think of a plan, thank you sa mga suggestions niyo. I'll make sure na hindi babagsak ang kompanya ko" pag aassure ko sa kanila at nauna ng lumabas ng kwarto. Tss... I guess kailangan ko na nga talaga siyang harapin.
***
Thyme pov
Napatitig ako sa bagong secretary ni boss, mukha naman siyang mabait kaso sadyang tatanga tanga. Ilang beses siyang nagpapabalik balik dito dahil sa mga papel na pinabibigay o kaya kailangang ifax o ipadala sa iabang department. Ilang beses ko na rin siyang nahuling natatalisod sa carpet ng opisina k di kaya'y maiipit ang daliri sa pinto. Di ko alam kung natatakot ba siya sa presensiya ni boss o sadyang pinanganak na ganun.
"mukhang mas nakakatawa ito kesa doon sa huling secretary, fritz. Yung iyaking clown." bulong ni Basil at napahagalpak naman ng tawa si Fritz na ikinataray ko. Am I missing something?
"pare, maganda sana... Lampa lang hahaha." bulong pabalik ni Fritz at sumimangot na lang ako.
"s-sir, tumawag po ang 'black swan company' at gusto nilang mag offer ng partnership. The owner wants to meet you personally tomorrow, sir." mabilis na sabi nung secretary. Teka nga... Ano nga ulit pangalan niya?
Oh yeah... Liane Rodriguez.
"black swan?" tanong ni boss at napukaw rin ang atensyon naming tatlo.
Black swan ang kalabang kompanya ni boss sa buong Asia, sikat na sikat ang kompanyang iyon ngunit kahit isang balita tungkol sa pangalan ng may ari ay walang lumalabas, nananatili ring tikom ang bibig ng mga nagtratrabaho roon tungkol sa pangalan hitsura ng kanilang amo. Kaya nga naiisip ko na masyadong maimpluwensiya ang taong iyon.
"y-yes boss!" sagot ni Liane "she wanted to meet you tomorrow, 10 in the morning."
She?
"yung may ari mismo ang kumausap sayo?" taas kilay kong tanong, tumango naman siya ng mabilis.
"what's her name?" seryosong tanong naman ni boss habang hindi man lang nag aangat ng tingin, napakamot naman ng ulo si Liane at hilaw na ngumiti.
"sabi niya di na daw kailangan sabihin dahil makikilala niyo rin naman daw siya bukas."
Inis na nag angat si boss ng tingin at masamang tinitigan si liane, which is nakakaawa dahil mukhang natakot ang babae.
"get out." malamig na utos ni boss at nagmamadali namang lumabas yung secretary.
"you three." baling ni boss at sabay sabay naman kaming tumayo "get ready tomorrow, it might be a trap."
"yes boss!"
"masusunod!"
***
River pov
Nakabihis na ako. Nagdadalawang isip na lang ako kung pupunta ba sa kompanyang ito o hindi, nakalagay na rin sa brown envelope ko yung mga requirements ko. Tinignan ko ulit yung card bago huminga ng malalim.
River Ann! Kaya mo to! Malay mo matanggap ka na!
Kinuha ko ang aking shoulder bag at pumara na ng dyip para pumunta sa black swan company. Baga ito na ang kapalaran ko na magkaroon ng stable at magandang trabaho. Pagkababa ng dyip ay medyo naglakad pa ako hanggang sa makarating sa tapat ng napakataas na building, sa taas noon ay ang malalaking itim na letra kung saan nakasulat ang pangalan ng kompanya.
Pumasok naman ako sa loob at magalang na bumati yung guard sa akin, ngumiti naman ako bago dumitretso sa front desk.
"uhm. Good morning." bati ko at nag angat naman ng tingin yung front desk.
"yes, miss?"
"I... I have an appointment with someone." alangan kong sabi.
"kanino po?"
"di kaso siya nagpakilala... Sabi niya lang sabihin ko yung hitsura niya. Blonde yung buhok niya at—" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng nag dial siya sa phone at iginaya ako sa matandang babae na bagong dating.
"Nasa meeting pa siya, maghintay ka na lang muna sa opisina ni Ma'am." sabi nung matandang babae bago ako ihatid sa 30th floor ng building.
"ahm... Salamat po." nagtataka kong sabi dahil nagmamadali siyang umalis at iniwan ako sa tapat ng isang pinto.
Kumatok naman ako at nung walang sumagot ay dahan dahan ko itong binuksan. Walang tao sa loob pero napagdesisyunan kong maupo sa tapat nung desk. Ilang minuto pa ako roon naghintay hanggang sa lumipad ang tingin ko sa pangalan ng may ari ng opisina sa desk.
Solemn Raina... Woldart?
"s**t?!" mabilis akong napatayo at akmang lalabas na ng opisina ng bumukas ang pinto nito.
Iniluwa nito ang babaeng may blonde na buho, asul na mga mata at nakakapangilabot na ngiti, pinawisan ako sa di malaman na dahilan. Anong gagawin ko?
"Dumating ka na pala, bakit mukhang nagulat ka ata?" nakangiti niyang sabi at napalunok lang ako.
Binasa ko ang aking labi bago nag iwas ng tingin sa kaniya.
"a-ah hindi naman po." kinakabahan kong sabi at bumalik ulit sa pagkakaupo. Nawala yung maganda niyang ngiti kanina bago naupo sa kaniyang upuan at parang walang ganang sumandal rito.
"may I see you resume, miss."
Shit! Wala na ata akong kawala!