Chapter 5: The comeback? **** Basil pov "may balita ba?" singit ko sa upuan kung saan nakaupo si Thyme, nasa tapat siya ng computer at mukhang tinitignan ang bawat sasakyan na dumaan sa footage. "ano ba!? Napakadaming upuan makikisiksik ka!" sigaw niya sa tenga ko na ikinainis ko naman. Parang bingi naman ako, hindi na talaga nagbago ang babaeng to. Napakasungit pa rin... "lagi ka bang meron?" ngisi ko at mas lalong nalukot ang mukha niya. "alam mo... Leche flan ka!" "aaahhh!" napasapo ako sa aking pwetan ng itulak ako ni Thyme. Ibang klase talaga toh! Walang kupas sa kabrutalan at kasungitan! "bakit ba kasi nanggugulo ka dito?!" bulyaw niya pa at hindi man lang ako tinulungang tumayo. "sungit mo eh. Ano na ngang balita?" "wala pa. Hindi pa rin naman tumatawag yung kompanya ng