"Salamat po talaga, Sir Carson," pagpapasalamat ni Shayna sa among lalaki. "No problem, Shayna. Akina nga pala iyong number mo. Baka sakaling mapadaan ako rito mamaya at pauwi ka na, then pwede na kitang isabay ulit." "Naku, sana nga po ay mapadaan ka rito, Sir, para may masakyan ako pauwi," umaasang saad ni Shayna. Hindi pa niya masyadong kabisado ang pasikot-sikot ng siyudad kaya mas mabuting makasama niya rin ito sa pagbalik niya sa bahay ng mga amo. "Sige, ibigay mo sa akin ang CP number mo. Magti-text o tatawag ako mamaya kapag mapapadaan na ako rito." Kaagad namang idinikta ni Shayna ang number niya sa amo na kaagad naman nitong itinipa sa phone nito. "Shayna!" Napalingon sina Carson at Shayna sa malakas na boses na iyon. Isang babaeng nasa edad 25 ang tumatakbo papalapit sa