Nawalan na ng mood si Kaia nang magbalik siya sa mesa. Sa tagal ng naging pag-uusap nila ng ama ay halos tapos nang kumain sina Shayna at Carson. Hindi lang umaalis ang mga ito sa mesa dahil hinihintay siya ng mga ito. "You may leave, Carson. Kami na ang bahala ni Shayna na maglinis ng mesa," utos ni Kaia sa asawa. Kunot-noo namang sumagot si Carson sa kanya. "Tapos ka nang kumain? Kauumpisa mo pa lang bago tumawag ang Dad mo." Tipid na ngumiti si Kaia sa asawa. Alam niyang concerned ito sa kanya ngunit wala siya sa mood para ma-appreciate iyon. "Nawalan na ako ng gana. Anyway, Dad is inviting us to visit him and Mom this weekend. Pwede ka ba?" Tumango naman si Carson sa kanya. "Sure, walang problema. Pagkatapos sa bahay ninyo ay pwede siguro tayong dumalaw kay Mom. Gusto niya