Kararating lang ni Shayna sa kusina nang magkagulatan sila ni Carson. Hindi niya inaasahan na madaratnan doon ang among lalaki. Alas singko i medya lang ng umaga. Bakit napaaga yata ang gising nito? "Good morning po, Sir," agad niyang bati rito. "Maaga po kayong aalis, Sir?" Napatingin si Shayna sa bihis ng amo. Hindi pa nito suot ang pang-opisinang damit nito. Bagkus ay naka-jogging pants ito at simpleng puting t-shirt. "Good morning, Shayna. Balak ko kasing mag-jogging muna. Pagkatapos kasi ng kasal namin ni Kaia ay hindi na ako nakakapag-jogging. Busy rin kasi ako sa opisina," tila pagpapaliwanag nito. "Ahh, mabuti po iyan para makapag-excercise kayo, Sir." Nagtungo na sa dirty kitchen ai Shayna upang maghanda ng almusal nila ng kanyang mga amo. Inaasahan na niyang hindi niya ma