Tahimik namang nakahiga si Kaia sa kuwarto niya. Halos ala una na ng madaling-araw ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Kanina pa siya pabaling-biling. Paulit-ulit niyang iniisip ang nangyari kanina at ang muntikan nang pagkakahuli ni Carson sa kanila ni Shayna. Mabuti na lang talaga at kahit papano ay marespeto si Carson. Kahit hindi naka-lock ang pintuan ng kuwarto niya ay hinintay nitong siya ang magbukas ng pinto para rito. Kung sakaling ito ang nagbukas niyon, hindi niya maisip kung ano ang mga posibleng naganap sa kanilang tatlo kanina. Hindi niya tukoy lubusang masisi kung bakit galit sa kanya si Shayna. Kung tutuusin bilang amo nito at bilang binabayaran naman niya ito para sa ekstrang serbisyong ginagawa nito para sa kanya ay wala itong karapatang magalit na kanya mabu