"Sir, paano naman po si Ma'am kung manliligaw kayo ng iba?" Nakaramdam man ng pagkadismaya dahil si Kaia pa rin ang nasa isipan at isinisasaalang-alang ni Shayna ay napangiti na lang si Carson. Shayna is really loyal to Kaia dahil pareho babae ang mga ito. But he can try changing Shayna's mind. "At ako, Shayna? Paano naman ako kung hindi rin ako matutunang mahalin ni Kaia? It takes two to tango, Shayna. Paano kung hindi rin niya akong magawang mahalin kasi may gusto na rin siyang iba?" Kitang-kita ni Carson ang pagkapatda ni Shayna na tila ba may sinabi siyang tumakot dito. "Shayna? What's wrong? Meron ka bang alam..." "Sir! U--umuwi na tayo. Parang... Parang nabuksan ko yung gas range kanina tapos... Tapos nakalimutan kong isara bago tayo umalis." Lalong nagdikit ang mga kilay ni