Chapter 2

1608 Words
Maagang nagising si Shayna kahit na halos ala una na ng madaling-araw siyang nakabalik sa silid niya. Kailangan niya kasing ipaghanda ng pagkain ang Sir Carson niya na papasok sa kumpanya ng mga ito. Kaagad siyang nagluto ng almusal nito at habang ginagawa iyon ay isinasabay na niya ang paglilinis sa kusina. May kalakihan ang bahay at mag-isa lang siya. May hardinero at driver ang mga amo ngunit hindi stay in ang mga ito tulad niya. Nang makapagluto siya ay inihanda na niya ang mesa. Alas siyete na ng umaga. Tiyak na anumang sandali ay nariyan na si Sir Carson. Naglilinis na sa living room si Shayna nang masulyapan niyang pababa na sa hagdan ang amo niyang lalaki. Kaagad siyang nakadama ng guilt dahil hindi nito alam ang pagpayag niya sa ibang trabaho na ipapagawa sa kanya ni Ma'am Kaia. "Good morning po, Sir," mahinang bati ni Shayna sa among lalaki na sumulyap sa kanya. "Morning," tipid na sagot naman ni Carson sa kasambahay nila. Saglit lang niya itong sinulyapan at kaagad nang nagtungo sa dining table upang kumain. Maaga pa naman pero mas mabuti nang maaga siyang makaalis dahil marami pa siyang aasikasuhin sa kumpanya. He sighed while eating. Isang buwan na pero naninibago pa rin siyang kumain na mag-isa. Hindi siya sanay sa ganito. He always had his mother with him when he ate breakfast. Ngayon, mas madalas na mag-isa siya kesa nakasasabay ang asawa niya. Si Kaia Lee, ang asawa niya sa papel. Ito ang babaeng pinakasalan niya dahil sa kagustuhan ng kanyang ama na matalik na kaibigan ng Dad nito. They needed the Lee's money upang muling maibangon ang kumpanya nilang unti-unting nalulugi dahil hindi pumatok ang mga huling products nila. Ngayon nga dahil sa ibinigay na pera ng mga Lee ay may tinatrabaho silang bagong produkto na sana ay pumatok na upang manumbalik ang sigla ng pagpasok ng pera sa kumpanya nila. Muli siyang napabuntonghininga. Hindi man lang siya masamahan ni Kaia sa almusal. Kunsabagay, ano ba ang aasahan niya mula rito kung tulad niya ay napilitan lang din itong magpakasal sa kanya? Baka nga galit pa ito sa kanya. Maaaring nakipaghiwalay pa ito sa tunay nitong karelasyon para lang pakasalan siya kaya ngayon ay malamig pa rin ang trato nito sa kanya. Maganda ang kanyang asawa sa mukha at sa katawan kaya siguradong may karelasyon ito bago sila nagpakasal. He actually doesn't know a lot of things about his wife. Ang alam lang niya ay photographer ito at painter. Alam din niyang spoiled ito sa mga magulang dahil nag-iisa itong anak. Ngunit ang hindi niya alam ay kung ano naman ang rason nito kung bakit nagpakasal ito sa kanya. They rarely talk. At kung mag-uusap man sila ay civil lang. Tipong tipid na pag-uusap lang. Hindi nga niya alam kung magtatagal ang kasal nila na ganito ang sitwasyon nila. Habang abala naman si Carson at nagtungo na si Shayna sa dining room upang tignan kung ano ang kailangan ng Sir Carson niya. Nakokonsensiya siya kaya naisipan niyang mas doblehin ang pag-aasikaso rito dahil tapos naman na siyang maglinis sa sala. Tahimik siyang naghihintay sa isang tabi sa anumang iuutos nito. At habang naghihintay ay hindi niya napigilang pagmasdan ang kanyang among lalaki. Matikas ang kanyang Sir Carson kahit na sa pagkakaupo nito. May kaputian din ito at alam niyang aabot ng 6 ft ang tangkad nito. Guwapo ang kanyang among lalaki. Mukha ring napakatalino nito. Kung itsura ang pag-uusapan, may pagkasingkit ang mga mata dahil Chinese o Korean yata ang lahi nito tapos ay matangos pa ang ilong. Mapula ang maninipis na mga labi. Wala rin itong balbas o bigote kaya napakalinis nitong tignan. May kahawig nga itong artista sa Korea sa napanuod niyang drama ngunit hindi lang niya maalala ang pangalan nito. Tahimik lang din ang kanyang among lalaki. Bilang na bilang ang mga salita. Hindi rin ito palautos. Kung tutuusin, may pagkasuplado ito. Sigurado si Shayna na marami na ring napaiyak na babae ang kanyang Sir Carson. Sa tipo nito, tiyak na maraming babae ang naghahabol dito. Bagay na bagay nga ito at si Ma'am Kaia. Iyon nga lang kasi, babae nga ang gusto ng Ma'am Kaia niya. Pero hindi kaya lalaki rin ang gusto ng Sir Carson niya kaya hindi ito gumagawa ng paraan para ituring na asawa sa salita at gawa ang kanyang Ma'am Kaia? Baka nga lalaki rin ang gusto nito. Sayang naman. Ang guwapo pa naman ni Sir Carson. Sayang ang lahi nito kung hindi kakalat. Napailing na lang si Shayna sa mga kalokohang pumapasok sa isipan niya tungkol sa kanyang among lalaki. Muntik nang mapatalon si Shayna sa kinatatayuan nang biglang lumingon si Sir Carson sa kanya. Naramdaman yata nito na kanina pa niya ito pinapanuod. "Shayna, right?" bigla nitong sabi. "Po?" gulat na tanong niya. Kahit na narinig naman niya ang sinabi nito ay parang hindi iyong rumehistro sa isipan niya. "Shayna, iyon ang pangalan mo," pagliliwanag Naman ni Carson sa kanyang sinabi. Halos isang buwan na rin ito sa kanila ngunit hindi pa rin siya sigurado sa pangalan nito. Hindi naman kasi niya ito madalas kausapin. "Opo, Sir. Shayna nga po," kaagad niyang sagot. "Kumain ka na ba?" "Po?!" Hindi ngumiti ang mga labi ni Carson ngunit nangislap ang kanyang mga mata. Tumaas din ang isa niyang kilay. Kanina pa niya napapansin na natataranta ang kasambahay nila ni Kaia sa pakikipag-usap sa kanya. May gusto ba ito sa kanya? Crush ba siya ng kasambahay nila? Hindi niya napigilang pag-aralan ang kasambahay. Kahit nakauniporme ito ng ternong tila pang-nurse ng mga bata ay nangingibabaw ang kaseksihan nito. Maamo rin ang mukha nito at ngayon lang talaga niya napagtuunan ng pansin na malakas ang s*x appeal ng kanilang kasambahay. Napailing si Carson. Dahil hindi naman sila nagtatabi ni Kaia at dahil isang buwan na siyang abala sa kumpanya ay halos isang buwan din siyang nabakante sa séx. Iyon siguro ang dahilan kung bakit pati katulong nila ay nagagandahan na siya. "Itinatanong ko kung kumain ka na," matiyagang pag-uulit ni Carson sa kanyang sinabi. "Ah, hindi pa po, Sir. Mamaya pa po ako kakain." "Bakit?" "Po?" Napailing si Carson. May pagkabingi ba ang kasambahay nila? O mahina lang talaga ang pag-intindi nito? "Sorry po, Sir. Narinig ko maman po iyong tanong ninyo. Natataranta lang po ako..." tarantang paliwanag ni Shayna nang makitang umiling ang amo at parang naiinis na sa mga sagot niya sa mga itinatanong nito. "Mamaya na lang po ako kakain kapag tapos ka na po," nakayukong sabi niya. Hiyang-hiya siya dahil na-badtrip niya yata ang among lalaki. "Halika, Shayna. Sabayan mo na akong kumain." Bumukas ang bibig ni Shayna ngunit kaagad niyang nakita ang pagtayo ni Sir Carson at ang paglapit sa kanya. Napatingala siya rito nang tumigil ito sa harapan niya. "It's boring to eat alone in the morning especially at papasok ako sa trabaho. Kaia is still sleeping so I can't drag her down here para sabayan ako. I'll add this as your job and I'll give you an extra salary for this. Sabayan mo akong mag-almusal tuwing umaga para hindi ako kumakain mag-isa." "Sir..." "Do I have to say please?" Natahimik si Shayna. Hindi niya inaakalang makikiusap ang among lalaki at sasahuran pa siya ng extra para lang sabayan ito sa pag-aalmusal. Nakakaawa naman ito. "Sige po, Sir. Kahit hindi n'yo na po ako bigyan ng extra sahod. Sasabayan ko po kayo sa pag-aalmusal ninyo sa tuwing wala si Ma'am Kaia." Iisipin na lang niya na kasama ang trabahong ito sa sasahurin niyang extra mula kay Ma'am Kaia niya. Napangiti si Carson. Hindi niya inaakalang papayag agad ang kasambahay sa kahilingan niya. "Thanks. But I insist on the salary." Hindi na umimik si Shayna at sumabay na lang sa pagbalik ni Carson sa dining table. Pinanuod naman ni Carson ang paglalagay ng pagkain ni Shayna sa plato niya. "I'm sorry, Shayna. I just miss my mom. Malayo naman ang bahay namin dito kung pupuntahan ko pa siya para lang may kasabay akong mag-almusal tuwing umaga," waring pagpapaliwanag ni Carson. Napatitig si Shayna sa among lalaki. Bakit biglang lumambot ang puso niya rito at lalo pa siyang naawa. Tila pa nga nakaka-relate siya rito dahil tulad niya ay mag-isa lang itong kumakain. Ganon kasi siya ng halos isang buwan na. Mag-isang kumakain pagkatapos kumain ng kanyang amo. Hindi katulad noong nasa probinsiya pa siya. Kasalo niya ang mga magulang at mga kapatid. Madalas nga ay halos pag-agawan pa nila ang ulam nila. Minsan ay kanin lang ang kinakain nila na may halong asin o di kaya ay bagoong. Minsan, asukal o gatas na powder. Pero kahit salat sila sa ulam at masaya pa Rin silang nagsasalo-salo. Masaya pa Rin silang nagkukuwentuhan. Maingay pa rin sila. Hindi tulad dito. Masarap ang ulam pero nag-iisa ka namang kumakain. "So, kung okay lang naman sa'yo, sana ay sumabay ka sa akin sa agahan lalo na at palaging late nagigising si Kaia." Nahihiyang tumango si Shayna sa among lalaki. "Sige po, Sir Carson. Wala pong problema." Napangiti naman si Carson sa pagpayag ng kanilang kasambahay. Nasisiyahan na may kasabay na siyang kumain. Wala namang problema sa kanya kung kasambahay lang nila ito. Siya nga dapat ang mahiya rito dahil parang nagmumukha siyang desperado sa paghiling dito na sabayan siya nitong kumain. Napatitig naman ulit si Shayna sa among lalaki. Mas lalo palang guwapo ang Sir Carson niya kapag ngumingiti ito. Lumalabas kasi ang biloy sa kaliwang pisngi nito. Nang maramdaman niyang pasulyap na ito sa kanya ay dali-dali siyang nag-iwas ng tingin. Niyuko niya ang plato niya at saka tipid na napangiti. Mukhang gaganahan na silang kumain sa tuwing umaga dahil may kasabay na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD