Chapter 3

1567 Words
"How was it?" nakangiting tanong ni Kaia kay Shayna. Nagpilit na ngumiti si Shayna sa amo. Hindi niya alam kung dapat siyang magalit dito dahil sa hapdi na kasalukuyan pa ring nararamdaman o iisipin na lang na parte ito ng trabaho niya para sa amo. Pinili ni Shayna ang huli. "Mahapdi po, Ma'am," mahinang sagot ni Shayna at saka ibinaling ang tingin sa labas ng sasakyan. Galing sila sa isang Spa ng among babae. Sinabi nitong ipapa-Brazilian wax siya nito. Hindi naman niya alam kung ano iyon dahil hindi pa niya nasusubukan kaya naman excited pa siya kaninang sumakay sa kotse nito. Iyon pala, aalisin ang lahat ng buhok niya sa katawan sa masakit at mahapding paraan. "Don't worry, Shayna. Ngayon lang iyan. Mamaya ay wala na. Besides, kailangan mo nang masanay tulad ko. Kapag regular mo nang pinapagawa, hindi na masyadong magiging masakit sa susunod. Hayaan mo, babawi ako sa'yo mamaya." Pasulyap-sulyap si Kaia sa kanilang katulong. Lalo itong naging kaakit-akit sa mga mata niya dahil bahagyang namumula ang mga pisngi nito. Dumiretso sila sa mall upang kumain at mamili ng mga damit para kay Shayna. Ang buong akala nga ng kasambahay ay para sa among babae ang mga pinamimili na mga kasuotan dahil napaka-sexy ng istilo ng mga damit na pinipili nito. Nagulat na lang siya nang sabihin nitong isukat niya ang isang napili nito. "Para sa akin po ito?" gulat na tanong ni Shayna sa among babae. Ngumiti naman si Kaia sa kanya. "Oo, Shayna. Lahat ng pinamimili natin ngayon ay para sa'yo." Napatingin si Shayna sa cart kung saan maraming damit na ang nasa loob nito. "Ma'am, wala po akong pambayad. At saka, wala naman po akong panggagamitan sa mga iyan," nahihiya at nag-aalangan na sabi ni Shayna sa amo. "Don't worry, Shayna. I'll pay for them kapalit ng pagiging mabait at masunurin mo. Hindi ko rin ibabawas sa sahod mo ang mga gastos ko sa mga iyan kaya huwag mo nang isipin pa. Kung sa panggagamitan naman, pwede kitang isama sa mga lugar na madalas kong puntahan kaya may panggagamitan ka sa kanila. May isusuot ka sa tuwing may okasyon sa bahay o kapag nagbakasyon ka sa inyo. Kaya sige na. Pumasok ka na sa dressing room at isukat na ang damit na iyan," may halong utos sa boses ni Kaia kaya sumunod na agad si Shayna. Isang jumpsuit na may manipis na tela at hanggang kalahati lang ng hita niya ang damit na iyon. Hubog na hubog ang katawan niya sa kasuotan. Hugis na hugis ang kanyang dibdib na may kalakihan, ang kanyang maliit, makurba, at medyo malapad na bewang pati na rin ang umbok ng kanyang harapan at likuran. Gaya ng madalas sabihin ng kanyang mga kaibigan sa probinsiya, siya ay biniyayaan ng Coca Cola body. Hindi lang iyon madalas makita dahil sa kanyang madalas isuot sa kanilang probinsiya. Naninibago si Shayna sa suot na damit ngunit nang lumabas siya ay kitang-kita niya ang kislap sa mga mata ng amo kaya napalunok na lang siya. Kahit papano ay nasiyahan siya na makitang napasaya niya ang amo kahit na sa munting paraan lang. "It fits perfectly, Shayna," humahanga pang sabi nito. "Salamat po, Ma'am Kaia." Tumalikod na siya at akmang babalik na sa dressing room upang magbihis ngunit kaagad na hinawakan ni Kaia ang kamay niya. Nagtatakang nilingon ni Shayna ang amo. "Ma'am?" pagtatanong niya na nagtataka kung bakit siya pinigilan nito. Kaia smiled at her maid. Her eyes kept on wondering at Shayna's body. She can feel the familiar heat crawling at her body but she calmed herself. Makapaghihintay naman siya hanggang mamayang gabi. "Huwag ka nang magbihis, Shayna. Kunin mo na lang ang damit mo sa loob," utos ni Kaia. Nanlaki naman ang mga mata ni Shayna ngunit wala siyang magawa kundi ang sumunod dahil tinalikuran na siya ng amo upang kausapin ang saleslady na kanina pa nakasunod sa kanila. Nang maglakad ang amo papunta na naman sa isang bahagi ng shop na kinaroroonan nila ay napasunod na lang si Shayna rito. Gusto sana niyang siya na lang ang magtulak sa cart nila ngunit ginagawa na iyon ng saleslady. Nais sana ni Shayna na takpan ang katawan lalo na ang kanyang harapan dahil doon napapatingin ang mga tao na kanyang nakakasalubong lalo na ang mga kalalakihan. Nag-iiwas naman siya ng tingin ngunit ramdam pa rin niya ang malisya sa mga sulyap na ibinabato ng mga nakasasalubong niya. Nang tumigil na si Kaia sa mga pilian ng panloob ay nanatili si Shayna sa likuran niya. Pinipigilan nito ang sarili na tanggihan ang mga inilalagay na panloob ni Kaia sa kanilang cart. Hindi kasi mga ordinaryong panloob ang mga iyon. Maninipis ang tela ng mga ito at naaaninag ang mga itinatago ng magsusuot ng mga ito. Ngunit wala siyang magawa. Sabi nga ng kanyang amo, ito ang magbabayad. Pumili rin ang kanyang amo ng mga maninipis at maiikling damit na pantulog. Kagaya ng mga panloob, halos kita rin ang lahat kapag suot ang mga ito. Laking pasasalamat ni Shayna nang matapos na ang amo sa pamimili. Sa wakas ay makakauwi na sila at maaalis na niya sa katawan ang nakakahiyang suot. Halos dalawang oras din silang naglibot sa shop na iyon at halos punuin na nito ang cart nila. At kagaya kanina sa loob ng shop ay pinagtitinginan na naman si Shayna ng mga nakakasalubong nilang maglakad. Hiyang-hiya tuloy ito. Kulang na lang ay itakip niya sa mukha niya ang mga dala niyang shopping bags. "Shayna," tawag sa kanya ng amo. "Ma'am?" kaagad na lumapit si Shayna rito. "Nahihiya ka ba sa suot mo?" Kaagad na tumango si Shayna. Lihim siyang nagdarasal na sana ay payagan siya ng amo na makapagpalit ng suot. "Hindi mo kailangang mahiya." "Ma'am?!" gulat na sambit ni Shayna. "Bagay mo ang damit na iyan kaya hanggang mamayang gabi ay kailangang suot mo iyan. Naiintindihan mo ba?" masungit na sabi ng amo niya kaya wala na namang nagawa si Shayna kundi ang pumayag. Ito ang boss at katulong lang siya. "O--opo, Ma'am." "Halika, sa shoes mo naman tayo." Wala na talagang nagawa si Shayna kundi ang sumunod na lang at pumayag sa mga kagustuhan ng among babae. Ilang pares din ng sapatos at sandals ang pinasukat nito sa kanya. "Alam kong mabait at masunurin ka. Hayaan mo, mamaya ay may isa pa akong regalo sa'yo," malambing na bulong ni Kaia sa katulong na nagpalunok dito nang papalabas na sila sa shop ng mga sapatos. Ngiting-ngiti si Kaia kay Shayna. She feels proud that she has shown the world how beautiful and sexy Shayna is. Kilala niya ang mga naiinggit na tingin na ipinupukol sa kanya ng mga nakakasalubong nila. Hindi rin siya bulag upang hindi makita ang mga nagnananasang tingin ng kalalakihan para sa kanyang katulong. She feels proud dahil kanya ito. Pag-aari niya ito. Kanyang-kanya ang kagandahan at kaseksihan nito. "Ma'am, h-hindi po ba pwedeng magpalit na ako ng damit? Magluluto po kasi ako ng dinner," nahihiyang pagpapaalam ni Shayna sa among babae nang makauwi na sila. Alas sais na ng hapon at kailangan niyang ipaghanda ng pagkain ang mga amo. "Hindi, huwag ka nang magluto, Shayna. Just stay inside your room. Oorder na lang ako ng pagkain natin. Ako na rin ang bahalang mag-asikaso kay Carson." Nagulat si Shayna sa desisyon ng amo. "Pero, Ma'am..." "Relax, Shayna. Kapag sinabi kong ako na ang bahala, ako na ang bahala, okay? Madali lang naman iyon at kaya ko namang gawin. Dadalhan na lang kita ng pagkain mo mamaya sa kuwarto mo. Pwede kang matulog muna. Basta. Magpahinga ka, okay?" ngiti ni Kaia sa kasambahay. Dahil mapupuyat ka mamaya sa akin, Shayna, bulong ng isipan ni Kaia. Wala nang nagawa si Shayna kundi ang sumang-ayon dahil nararamdaman niyang may gagawin na naman sila ni Ma'am Kaia niya mamaya. Hindi naman siya palilinisan nito kung wala, hindi ba? Isa pa, kanina pa niya nararamdaman ang bigat ng mga titig nito sa kanya. Natatakot man ngunit kailangan na niyang ihanda ang sarili. Naumpisahan na niya ito. Kailangan niyang sumunod sa agos ng mga pangyayari. "Sige po, Ma'am Kaia. Papasok na po ako sa kuwarto ko," paalam ni Shayna sa amo. "Sandali lang," pigil sa kanya ni Kaia at kinuha na nito ang mga shopping bags sa likuran ng sasakyan. "Dalhin mo na ang mga ito." Ibinigay ni Kaia ang mga shopping bags kay Shayna at nang hindi agad kumilos si Shayna para abutin ang mga ito ay siya na ang kusang naglagay ng mga tali nito sa kamay na kasambahay. "Huwag ka nang mahiya, okay? I told you, they are gifts. Sige na. Pumasok ka na sa loob at magpunta sa kuwarto mo. Tatawag na ako upang mag-order ng pagkain natin." Magalang na yumukod si Shayna sa amo at saka tumalikod upang pumasok na loob ng bahay. Sinusundan naman ni Kaia ng tingin ang paglalakad papalayo ni Shanya. Nakatutok ang kanyang mga mata sa balakang ng katulong. Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili. Naririyan na naman ang mumunting mga tusok ng karayom sa kanyang puson lalo na at pumapasok sa isipan niya na malinis at makinis na si Shayna sa ibabang bahagi ng katawan nito. "Calm down, Kaia. You will have all the time tonight to devour her," bulong ni Kaia sa sarili. Kinuha na niya ang kanyang cellphone at saka hinanap ang numero ng paborito niyang restaurant. "Hello, this is Kaia Lee. I'd like to order..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD