Chapter 1

1656 Words
Nanginginig si Shayna kahit na may nakabalot na kumot sa buong katawan niya. Hindi siya makapagsalita pagkatapos ng lahat ng hinayaan niyang gawin sa kanya ng kanyang Ma'am Kaia. Sa totoo niyan ay ngayon lang pumapasok sa isipan niya ang ginawa nito o mas tamang sabihin na ginawa nila. Nag-init ang buong katawan niya nang maalala kung paano nito pinaglaruan ang kanyang katawan at kung ano ang naging reaksiyon ng katawan niya sa mga ginawa nito. Napapikit siya nang mariin. Hindi niya alam kung paano pa niya titignan sa mga mata ang among babae na nakasuot na ulit ng robe. Samantalang sayang-saya naman si Kaia mula sa panunuod sa video na nai-record nang buo ang ginawa nila ni Shayna. Napakaganda. Napakaganda ng ginawa nila. Sumulyap siya sa kasambahay na nakahiga pa sa kanyang kama. Pagkatapos nitong mailabas ang init ng kanyang katawan ay bigla na lang itong nanghina kaya pinahiga na muna niya ito at kinumutan. She's still in shock as she can see. It's her first time to experience it so it was expected. Baka nga siya palang ang nakahahawak sa mga sensitibong parte ng katawan nito bukod sa sarili nitong mga kamay. Marahil din ay pinag-iisipan na nitong mag-back out sa trabahong ipinapagawa niya rito o baka nga nagbabalak na itong mag-resign. Well, she doesn't want that to happen lalo na ngayon na naumpisahan na nila ito. Ibinaba ni Kaia ang hawak na recorded at saka nagtungo sa kama. Nang makita siya ni Shayna ay kaagad itong nag-iwas ng tingin at bumangon. "Shayna, stay. Please," pakiusap ni Kaia sa kasambahay. Tumigil naman ito at sumandal na lang sa headboard habang kipkip ang kumot na tumatakip sa kahubaran nito. Nakayuko ito na tila hiyang-hiya pa rin sa kanya. Maingat na tumabi si Kaia Kay Shayna. "May I?" masuyo niyang tanong sa katulong tukoy na makikisalo siya sa kumot na kipkip nito. Hindi naman tumitingin na inabot ni Shayna ang dulo ng kumot sa kanya. Kaia sighed loudly prompting Shayna to looked at her. Sinalubong ni Kaia ang mga mata ng kasambahay. "Alam kong nagulat ka sa nangyari. Alam kong hindi iyon ang inaasahan mong gagawin ko sa'yo, Shayna. It's just that... I'm so lonely that I think I'm going to go crazy soon." Tumawa nang pagak si Kaia pagkatapos sabihin iyon. "Alam mong hindi namin mahal ni Carson ang isa't isa. Arranged marriage lang ang namamagitan sa aming dalawa. We married for our own convenience. Siya upang makabangon ang kumpanya nila; ako para sa mana ko," Kaia shared. Hindi naman imiimik si Shayna sa tabi niya. "We've been married for a month. Living together as a couple. Pero ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang nasa sitwasyon ko? Nasa iisang bahay ka kasama ang lalaking hindi mo naman mahal. Ni hindi alam ni Carson na lesbian ako." Nanlaki ang mga mata ni Shayna sa mga inaamin ng amo sa kanya lalo na ang huling sinabi nito. "Tomboy ka, Ma'am?!" Kaya pala. Kaya pala ginawa iyon ng amo niya sa kanya. Pakiramdam niya tuloy ay pinagsamantalahan siya ng kanyang among babae. "Yes, and I had lovers before Carson and you came into my life. Nakipaghiwalay sa akin ang karelasyon ko nang ikasal na kami ni Carson." "Pero bakit ka po pumayag na magpakasal sa kanya kung... Kung babae ang gusto mo?" Kinakabahan pa rin si Shayna sa pakikipag-usap sa among babae. Maingat siya sa mga salitang binibitawan dahil ayaw niyang ma-offend ito. "Because of my inheritance, Shayna. Tinakot ako ng Dad ko na hindi niya ibibigay ang mana ko. Natakot siya na mapapahiya sa mga kaibigan niya kapag tumanda akong dalaga at kung malalamam nila na lesbian ako. I'm his only daughter, you know." Hindi na nakasagot si Shayna. "It's just one month pero nabo-bored na ako sa buhay may asawa ko, Shayna. Mababaliw na ako na anino ko lang ang palaging kasama ko. And I need someone who can accompany me. Kailangan ko ng kasama na maiintindihan ang nararamdaman ko. Kailangan ko ng babaeng magpapasaya sa akin at ako sa kanya. At natagpuan kita, Shayna. Kaya sana, sana ay maintindihan mo ang trabahong in-offer ko sa'yo. I need you, Shayna. I want you. Ngunit kung aayaw ka na pagkatapos na malaman mo ang gagawin mo para sa akin, hindi kita pipilitin. You will go back to serving my husband and me while I try no to go insane because of my situation." Matagal na katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Naaawa si Shayna sa among babae. Naaawa siya sa sitwasyon nito na ikinasal sa lalaking hindi nito mahal. Nakakulong sa bahay maghapon. Nakipaghiwalay sa babaeng mahal nito dahil hindi nito masuway ang ama. Companionship iyon ang kailangan nito at sa kanya nito in-offer ang tsansa na iyon. Pwede naman siyang maging kaibigan nito. Pwedeng makausap kung naiinip ito. Ngunit sa sinabi nito kanina ay sinabi nitong hindi lang makakausap o makakasama ang kailangan nito. Kailangan nito ng babaeng magagamit upang paglabasan ng init ng katawan nito. Hindi man nakapag-aral ng kolehiyo si Shayna ay marami naman siyang alam sa buhay. Hindi siya kasing talino ng kapatid niyang si Reina ngunit hindi naman mahina ang ulo niya. Nakakabasa naman siya ng mga pocketbooks. Nakakapanuod sa luma nilang TV. Hindi naman kinakailangang maranasan muna bago malaman, hindi ba? Bukod doon, malaki rin ang maidaragdag sa sahod niya. Hindi ba at kailangang-kailangan niya ng karagdagang pera? Bigla niyang naalala ang huling usapan nilang magkapatid bago siya umalis isang buwan na ang nakararaan. "Ate, huwag ka nang umalis," umiiyak na saad ni Reina. Pupunta nga kasi siya sa Maynila upang magtrabaho bilang kasambahay. Malungkot na ngumiti si Shayna at niyakap ang kapatid. Dinala niya ito sa kawayan nilang sofa at sabay silang umupo. "Reina, ikaw dapat ang nakakaintindi kung bakit kinakailangan kong magtrabaho sa malayo," malumanay na sabi ni Shayna sa nakababatang kapatid. Hinaplos pa niya ang buhok nito at saka pinalis ang mga luhang bumasa sa pisngi ng kapatid. "Malapit ka nang magkolehiyo, Reina. Kailangan makapag-ipon na ako para sa pag-aaral mo," dagdag paliwanag pa niya sa kapatid. "Ate, bakit kailangang sko pa ang unahin mo? Bakit hindi na lang ikaw ang mag-aral sa kolehiyo? Kailangan mo pa tuloy ang magtrabaho sa malayo." Muli na namang napaiyak si Reina. Nahihiya kasi ito sa nakatatandang kapatid na kinakailangang magsakripisyo para sa kanya. "Reina, sa ating dalawa ay mas matalino ka. Isa pa, wala namang tutulong sa akin sa mga gastusin sa pag-aaral ko. Hindi ako kayang suportahan nina Inay at Itay. Bata ka pa at ang mga kapatid natin para kumita ng pera para sa pag-aaral ko. Kaya hayaan mo na lang ako na magsakripisyo para sa'yo dahil ako ang panganay at responsibilidad ko kayong tulungan." "Ate, nahihiya ako sa'yo," mahinang saad ni Reina na gusto pang magsisi kung bakit ipinanganak siyang mas matalino kesa sa nakatatandang kapatid. "Reina, kung nahihiya ka sa akin dahil sa gagawin kong pagtatrabaho para sa'yo, suklian mo iyon ng pagsisikap mong makapagtapos na may matataas na grado. Tiyak na makakakuha ka ng scholarship para hindi rin ako mahirapang ibigay ang lahat ng pangangailangan mo." Muling hinaplos ni Shayna ang buhok ng kapatid upang pakalmahin ito. "Ate, kung two year course na lang kaya ang kukunin ko para makabalik ka agad dito sa atin?" Natigilan si Shayna at napatitig sa kapatid. "Reina, nursing ang gusto mo, hindi ba?" tanong na may halong paninita ang saad ni Shayna sa kapatid kaya napayuko si Reina at napatango. "Nursing ang kukunin mo sa kolehiyo," determinadong sabi ni Shayna kaya napatingin ang kapatid sa kanya. "Pagsisikapan kong maibigay ang lahat ng kailangan mo, Reina. Basta ipangako mong pagbubutihan mo ang pag-aaral mo at magtatapos ka sa takdang oras. Isaalang-alang mo ang pagsasakripisyo na gagawin ko para sa'yo at para sa pamilya natin kaya sana ay suklian mo rin iyon ng mabuting pag-aaral." Luhaang hinawakan ni Reina ang kamay ng nakatatandang kapatid at nangako. "Oo, Ate. Pangako. Pagbubutihan ko ang pag-aaral ko." Napangiti si Shayna sa alaalang iyon. Hindi niya napigilan ang mapaluha dahil bigla siyang nanabik sa kanyang mga magulang at mga kapatid. "Shayna, are you all right? Ayaw mo ba talaga sa ginawa natin kanina kaya ka umiiyak ngayon? I told you, magsabi ka lang. Hindi kita pipilitin. This would be the first and the last and I will still give you the full amount," nag-aalalang sabi ni Kaia kay Shayna dahil sunod-sunod na tumulo ang mga luha nito. Umiling naman si Shayna sa amo at pagkatapos ay pinunasan ang mga pisngi niya. "Hindi po. Hindi po dahil sa ginawa ninyo kaya ako umiiyak ngayon," nahihiyang sabi ni Shayna sa amo. "Then why are you crying, Shayna?" Ngumiti si Shayna kay Kaia. Gumaan ang loob niya sa amo dahil kitang-kita niya ang pag-aalala nito para sa kanya. "Naaalala ko po kasi ang mga kapatid ko, Ma'am Kaia. Sila kasi ang dahilan kung bakit naririto ako ngayon." Tumango-tango naman si Kaia sa kasambahay. Hindi niya maiwasang humanga sa tatag nito bilang anak at kapatid. Hindi niya napigilang haplusin ang pisngi nitong namumula dahil sa pag-iyak. "I admire your bravery, Shayna. You're a good sister. I wish I had a sister like you." Nag-init lalo ang mga pisngi ni Shayna dahil sa pagpuri ng amo sa kanya. "Ma'am?" tawag niya sa pansin ng amo. "Hmm? Ano iyon, Shayna?" Nagyuko siya ng ulo at itinanong ang kanina pa bumabagabag sa kanya. "Kung... kung papayag ako na... Ituloy ito... Gabi-gabi ba nating... gagawin iyon?" nahihiya kaya paputol-putol ang pagsasalita ni Shayna. Ngumiti si Kaia sa kanya at hinaplos ang buhok ni Shayna na tumatabing sa mukha nito. Why is it that she's finding her maid becoming more adorable at each passing time? "Well just do it if we both want it, Shayna. I promised you, Hindi kita pipilitin kung ayaw mo," masuyong sabi ni Kaia sa kasambahay. Ngumiti siya rito nang tumingin ito sa kanya. "Kung ganon po, Ma'am Kaia ay... payag na ako. Itutuloy po natin ang trabaho kong ito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD