"Wow..." mahinang sambit ni Shayna habang binubusog ang kanyang mga mata sa mga tanawin na kanyang nakikita. Napakaganda ng Hong Kong. Napakalinis nito at higit sa lahat, napakaraming foreigner siyang nakikita. Tama nga ang kanyang mga amo. Kakaiba ang karanasang nararanasan niya ngayon dito. Lumapit si Kaia sa kanya at pumatong ang kamay nito sa balikat niya. "Maganda rito, hindi ba, Shayna?" Hindi pa rin nabubura ang ngiti sa mga labi ng kasambahay nang lumingon siya sa kanyang among babae. "Opo, Ma'am. Tama po kayo sa sinabi ninyo. Napakaganda nga po rito." Bakas rin sa boses ni Shayna ang paghanga sa lugar. "Mas marami pang magaganda lugar kesa Dito, Shayna. Katulad ng Japan, California, at Europe." "Ma'am, hindi na po siguro ako makakatapak sa mga lugar na iyan," sagot n