Chapter 4

1460 Words
"Where's Shayna? Bakit ikaw ang gumagawa niyan?" Nag-angat ng tingin si Kaia mula sa pag-aayos ng mga bandehado sa mesa. Nakasalubong ng mga mata niya ang kanyang asawa. Ang kanyang asawa sa papel. "Oh, hi Carson. Gutom ka na ba? Bakit hindi ka muna magpalit ng damit at pagkatapos ay bumalik dito. I'll wait for you," sagot ni Kaia sa sinabi nito. Tinapunan din niya ng simpleng ngiti ang lalaki. Guwapo talaga ang napiling ipakasal sa kanya ng Dad niya. Totoo namang maipagmamalaki niya kahit na kanino. Kahit nga maghapon itong pagod sa trabaho ay hindi nakabawas sa kaguwapuhan nito iyon. Marahil ay iniisip ng kanyang ama na isa rin siya sa mabubulag sa appeal ng lalaking ito. Bibigay siya at magiging isa nang tunay na babae. Mabubuntis siya nito at makakabuo sila ng pamilya gaya ng pinapangarap ng kanyang ama. Sadly, hanggang pangarap na lang iyon ng ama niya. She wouldn't fall for Carson's charms and s*x appeal. She already has Shayna. Sapat na sa kanya ang kasambahay nila. "You didn't answer my question, Kaia." Ipinatong ni Carson ang dalang bag sa isang upuan at pagkatapos ay umupo siya sa katabing upuan. "Oh, Shayna is not feeling well kaya ako na ang gumagawa nito. Don't worry, madali lang naman." Tapos na siya sa pag-aayos kaya nagpunta na siya sa puwesto niya upang umupo. Sinenyasan niya si Carson na pumuwesto na rin. "She's sick?" tanong ni Carson at inabot na ang bandehado ng kanin upang maglagay sa plato nito. "Hindi naman. Napagod lang siguro sa paglilinis kanina." Kaia lied so easily. Carson wouldn't know that she's lying anyway. Besides, wala naman itong madalas na pakialam sa kanya at siguradong nagtatanong lang ito tungkol kay Shayna upang may mapag-usapan sila. Ayaw din ni Kaia na makita ni Carson si Shayna sa sexy nitong suot. Tiyak niya na magkakaroon ng pagnanasa si Carson sa dalaga kapag nasilayan nito ang katawan ni Shayna. Ayaw ni Kaia na mangyari iyon. Baka masaktan niya si Carson kapag may ginawa itong hindi niya magugustuhan. Kanya lang si Shanya. Ayaw niya na magkaroon ng karibal dito. "Why don't we get another maid para hindi masyadong napapagod si Shayna sa araw-araw na pag-aasikaso sa bahay at sa atin? Malaki ang bahay. Hindi niya kayang linisin ito araw-araw bukod pa sa ibang trabaho niya. I could pay for the salary," suhestiyon nito habang ulam naman ang inilalagay nito sa sariling plato. Natahimik si Kaia. Hindi pwedeng may ibang kasama si Shayna. Tiyak na hindi ito makakalabas ng silid sa gitna ng gabi kapag kailangan niya ito. It would also create a rivalry between the maids because she would surely favor Shayna over some other ordinary servant. "Pag-iisipan ko, Carson. As of now, okay na ako kay Shayna. Besides, narito naman ako para tulungan siya sa mga gawain dito sa bahay." Napatingin si Carson sa kanya na tila hindi naniniwala sa sinabi niya. "What? Marunong ako kahit papano. Tumira ako nang mag-isa sa condo," depensa niya. Nagkibit-balikat ito sa kanya. "Ikaw ang bahala. Galing naman ang bahay na ito sa Dad mo kaya technically, sa'yo ang bahay na ito kaya ikaw ang magdedesisyon ng mga bagay-bagay rito." Ngumiti si Kaia sa asawa ngunit hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. "This house was gifted to us by my dad so technically, as a legally married couple, we both own this house. You can make decisions and so could I," may tigas sa boses na sabi ni Kaia. "Besides, getting another maid will cost you money if you're the one who's going to pay for the salary. Hindi ba at kailangan ninyo ng pera para sa kumpanya ninyo? Huwag mo nang dagdagan pa ang gastos ninyo." Sumubo siya pagkatapos sabihin iyon. Hindi man lang niya sinulyapan si Carson kahit na narinig niyang ibinaba nito ang hawak nitong kubyertos. "I have my own money, Kaia. Hiwalay iyon sa pera ng kumpanya at sa perang ibinigay ng dad mo sa dad ko." Matigas na rin ang boses ni Carson dahil nainsulto siya sa ipinahayag ni Kaia na tila kulang na kulang ang sinasahod niya sa pagtatrabaho. "Hey, relax Carson. Walang anumang ibig sabihin ang sinabi ko. My point is, dagdag tao pa iyon sa bahay natin. Dagdag nuisance. At malay ba natin kung mapagkakatiwalaan iyon tulad ni Shanya? Baka mamaya, ito pa ang maglabas ng sitwasyon natin dito sa bahay. Ayokong bigla na lang akong ipatawag ni Dad para kuwestiyunin," defensive pa rin si Kaia sa pagsagot kay Carson. "I'm just concerned with our maid, Kaia. Baka kapag sobrang napagod iyon sa pag-aasikaso sa atin ay maisipan niyang mag-resign. Ikaw na rin ang nagsabi na mahirap humanap ng mapagkakatiwalaan na kasambahay." Ngumiti si Kaia sa sinabi nito. "Again, don't worry about Shayna, Carson. Ako na ang bahala sa kanya. And if you're that worried about her, bakit hindi mo na lang ibigay sa kanya iyong ipapasuweldo mo sa iba? I'm sure she'll appreciate it." Diretsong tumingin si Kaia sa mga mata ni Carson. Ito ang unang nag-iwas ng tingin. Mas pinili naman ni Carson ang manahimik na lang. Alam niyang mahirap makipagdebate kay Kaia. Marami itong rason. Madali itong makagawa ng mga pasikot-sikot na palusot. Napailing siya sa kanyang sarili. Hindi sila nagtuturingan na tila tunay na mag-asawa ngunit bakit pakiramdam niya ay under siya ni Kaia Lee? Dahil ba may utang na loob sila ng kanyang pamilya sa ama nito? "Carson, busog ka na ba? Hindi ka na kumakain," pagpansin ni Kaia sa kanya. "Kaunti lang ang kakainin ko. I'm going out to meet my friends at a bar later." Hindi direkta ngunit nagpapaalam si Carson sa asawa. "Oh, that's great. Makakapag-relieve ka ng stress kahit papano. Alam kong toxic ngayon sa kumpanya ninyo. You can also look for someone whom you can bed while you're at the bar." "What? Anong sinabi mo, Kaia?" Hindi makapaniwalang napatingin si Carson kay Kaia. "What? Don't tell me you do not understand what I meant? I said, you can have a one-night stand while you're there. Just don't get caught by cameras and don't get the b***h pregnant so we won't have problems, Carson. We won't like our names being the headlines on some newspapers, would we?" Nangigilalas na tumayo si Carson habang patuloy lang sa pagkain si Kaia. "I can't believe you're suggesting that. Hindi ko alam kung pinipigilan mo ba akong umalis o gusto mong totohanin ko iyan." Ngumiti si Kaia kay Carson. "Oh, believe me darling, I really want you to enjoy your night. Hindi kita pipigilan sa anumang gusto mong gawin dahil alam ko na hindi mo rin ako pipigilan kapag ginawa ko ang gusto kong gawin. Sige na, Carson tutal Saturday naman bukas at wala kang pasok. Enjoy your Friday night, okay?" Tumayo na rin si Kaia at sinimulang iligpit ang mga pinagkainan nila. Nanatili namang nakatitig si Carson sa kanya nang ilang sandali bago ito nagdesisyon na umakyat na sa sarili nitong silid. Sinulyapan ni Kaia si Carson na naglalakad papalayo. Isang tusong ngiti ang nasa kanyang mga labi. "And while you're enjoying the night with some w***e, I'll enjoy the night with mine. Kung pwede lang ay bukas ka na umuwi, Carson, upang masolo ko si Shayna sa buong magdamag. I will make her scream and it would be better if you won't hear it." Masiglang inayos ni Kaia ang kusina at pagkatapos ay dinalhan niya ng pagkain si Shayna. Nadatnan niya itong nahihimbing suot pa ang binili niyang damit para rito. Naupo siya sa tabi nito at saka ito pinagmasdan. Pinadaan niya ng tingin ang buong katawan nito. Matamis siyang napangiti. Ito ang isa sa mga nagustuhan niya kay Shayna. Masyado itong masunurin. Hinaplos niya ang buhok nito at saka siya tumayo. Pinagmasdan ang paligid ng maid's quarter. Hmm, palagyan kaya niya ang kuwarto ng aircon upang maging kumportable lagi si Shayna sa kanyang pagtulog. Ngunit nang maisip na tiyak na magtataka ang kanyang asawa sa special treatment niya sa katulong at baka mag-isip pa ito ng kung ano ay agad na binura ni Kaia ang isiping iyon. Nah, ayaw niyang magkaroon ng ideya si Carson sa ginagawa niya sa katulong nila. Kapag nalaman iyon ng Dad niya ay tiyak na palalayasin nito ang kanilang kasambahay. Nilapitan ni Kaia ang mga shopping bags na nasa tabi at may hinanap. Nang makita iyon ay itinaas niya ito at pinagmasdan. She could already imagine Shayna wearing the red negligee. Nagdesisyon na si Kaia na iwan na ang tulog na si Shayna pagkatapos ilapag sa kama ang negligee. Marami pa siyang ihahanda para sa espesyal na gabi nila. Iniwan din niya ang isa niyang phone. Kapag nakaalis na si Carson ay tatawagan niya ang phone niya upang magising na si Shayna, makakain, at makapaghanda bago ito magtutungo sa kuwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD