Maingay sa loob ng bar ngunit lahat ay masigla. Hindi magkamayaw sa paglingon si Shayna na unang beses makapasok sa ganitong lugar. Naiingayan man ngunit hindi niya mapigilan ang hindi mamangha. Kung iniisip niya kanina na lubhang napaka-sexy na ng suot nila ng kanyang Ma'am Kaia ay may mga nakikita siya na mga babae ngayon na mas maiikli pa ang suot kesa sa kanila. Ang iba nga ay iyong maseselang bahagi na lang nila ang natatakpan. Iyong iba naman ay parang mga tali na lang ang suot. Marami mang tao sa bar ngunit hindi naman magulo sa mga nilalakaran nila. At gaya ng sinabi ni Kaia kanina, halos walang pakialaman sa loob ng bar. Ang nag-uusap lang ay ang mga magkakakasama o ang mga magkakakilala. Ni wala nga yatang tumitingin sa kanila ni Kaia. Napalingon si Shayna sa dance floor. Doo