Tahimik lang na nakasunod si Shayna sa isang babae na inutusan ni Kaia na sunduin siya sa kuwarto niya. Nagpadala pa nga ito ng isang seksing damit na suot na niya ngayon. Alam niyang sadyang dinala iyon ni Kaia upang ipasuot sa kanya dito sa Hong Kong. Kabado si Shayna dahil alam na niya ang magaganap ngayong gabi pagkatapos ng dinner nila. Sabi ni Kaia ay mamamasyal sila sa bar pagkatapos. Magpapakasaya. Inom kaunti at sasayaw. At pagbalik nila sa kuwarto nito... Doon na magaganap ang dahilan ng takot niya. Huminga nang malalim si Shayna. Kailangan niya ng ibayong lakas ng loob ngayong gabi. Isipin mo na lang na para sa pag-aaral ng kapatid mo ang sasahurin mo ngayon, Shayna. Iyan ang pabalik-balik sa isipan niya kanina pa. Mapait siyang napangiti. Hindi niya inakala na magigin