Kung hindi pa nabunggo ng isang dumaang lalaki si Carson ay hindi pa hihiwalay ang mga mata niya sa kanilang kasambahay. Maging ito nga ay nagulat sa nangyari kaya napapiksi ito dahilan para mabitawan ni Carson ang kamay nito. Nang muli niyang tignan si Shayna ay nag-iiwas na ito ng tingin sa kanya na tila nahihiya. Lihim tuloy siyang napangiti. Cute. Maganda talaga ang kasambahay nila. Hindi man ito kasimputi ni Kaia, ngunit kung katawan ang pag-uusapan ay hindi ito papatalo sa kanyang asawa. Sa kanyang asawa na sa papel lang ang silbi. "Tara na, Shayna. Mamili ka ng kahit na anong damit. Huwag kang mahihiyang kumuha ng anumang magugustuhan mo," bilin niya sa kasambahay. Kung kanina ay pantalon lang nito ang balak niyang bilhin para rito, ngayon ay nagbago na ang isip niya. Bibilh