Hindi pa rin pumasok si Dana kinabukasan. Napabuntonghininga si Eida. Natatakot na talaga s'ya sa kwartong tinutuluyan n'ya. At hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip n'ya ‘yung duguang babaeng nagpakita sa kanya kagabi. Ano'ng tulong ba kasi ang gusto n'ya? Naiinis na tanong ni Eida sa isip. Hindi s'ya mapakali. Palagi kasing iyon ang laman ng isip n'ya.
"Look at that girl beside the window," rinig n'yang turo ng isang kaklase n'ya sa katabi nito. Napatingin din s'ya sa direksyon na tinitignan ng mga ito.
"Kahapon pa nga ‘yan ganyan eh. Looner? Walang friends? Poor girl!" iiling-iling na komento naman ng katabi nito.
"Bes!" nagulat pa s'ya kay Yuri nang bigla itong sumulpot sa gilid n'ya.
"Ano ka ba naman, Yuri? ‘Wag ka ngang nanggugulat d'yan!" inis na sabi n'ya at saka ibinaling ulit ang tingin doon sa babaeng sinasabihang looner ng dalawang classmates nila.
"Kawawa naman s'ya.." rinig n'yang sabi ni Yuri. Nilingon n'ya ito at nakita n'yang nakatingin din ito sa babae.
"Kilala mo ba s'ya?" curious na tanong n'ya. Hinarap s'ya ni Yuri.
"Oo, eh. Bestfriend ni Dana yan. Si Jana. ‘Yan 'yung dating nangupahan din kina Aling Pasing." sabi naman nito. Napakunot noo s'ya.
"So, s'ya 'yung kinukwento ni Dana na binangungot pero nakaligtas?" curious na tanong n'ya. Tumango naman si Yuri. Muling napatingin s'ya sa gawi ni Jana.
Kung ganon ay kaylangan n'ya itong makausap para itanong kung ano'ng napapanaginipan nito. 'Yung babae rin kaya na duguan at humihingi ng tulong? Humakbang s'ya para lapitan sana ito pero pinigilan s'ya ng kaibigan.
"Ano'ng gagawin mo, Eida? Hindi s'ya nakikipag-usap kahit na kanino. Sabi ni Dana ay naging ganyan na daw ‘yan simula nang makaligtas sa matinding bangungot. Palaging tulala at biglang naging ilag sa mga tao," kwento nito. "Tuwing tatanungin daw s'ya ay sinasabi lang n'ya na may babaeng pinatay sa kwarto kung saan s'ya nangupahan. Paulit ulit lang ang isinasagot n'yan. Ang creepy na nga n'ya eh!" nakabusangot na sabi ni Yuri.
Hindi na s'ya nagkomento at bumalik na lang sa upuan n'ya.
Ano ba talaga'ng nangyari sa babae na ‘yun? Bakit s'ya pinatay? Sino'ng walang puso ang pumatay sa kanya?
Ipinilig n'ya ang ulo. Kung sana ay hindi s'ya ginising kaagad nila Kath ay nakausap na sana n'ya ang babae.
Nagsabi ang prof. nila sa PolSci na hindi ito makakapasok mamayang gabi dahil mayroon daw itong importanteng aasikasuhin kaya makakauwi si Eida ng maaga mamaya.
Pinulot na n'ya ang gamit n'ya at saka tumayo. Napatigil s'ya nang makita ang naglalakad mag-isang si Jana. Hindi na s'ya nag-alinlangan at agad na nagmadali para mahabol ito.
Nang makita n'yang nakalabas na ito ng classroom ay tinawag n'ya kaagad ito.
"Jana!" tumigil naman ito sa paglalakad at tumingin sa kanya. Lumapit s'ya dito at walang bakas ng kahit na anong emosyon itong nakatingin sa mukha n'ya.
"Ako nga pala si Eida. Friend ako ni Dana at.. bed spacer ako ngayon kina Aling Pasing," agad na pakilala n'ya. Sa sinabi n'ya ay saka lamang nagkaroon ng guhit ng emosyon sa magandang mukha nito. Unti-unting namilog ang mga mata nito at nag-iwas ng tingin.
"A-anong kailangan mo sa akin?" tanong nito na mailap pa rin ang mga mata.
"A-ano kasi.. M-may alam ka bang pinatay sa lugar na ‘yon?" diretso at lakas luob n'yang tanong. Nakita n'ya ang pagbakas ng gulat sa mukha nito at agad na tinalikuran s'ya.
"Wala," rinig n'yang sagot nito at biglang naglakad ng mabilis palayo sa kanya.
"Sandali! Jana!" Habol n'ya dito pero tila wala na itong naririnig at lakad-takbo ang ginawa palayo sa kanya. Napabuntonghininga si Eida.
"Asar naman.." mahinang bulong n'ya at naglakad na rin palabas ng eskwelahan. Itatanong n'ya na lang siguro mamaya kina Kath ang tungkol kay Jana.
Pagpasok n'ya sa kwarto ay naabutan n'yang nagkukwentuhan sina Kath at Wena. Napatigil ang mga ito nang makita s'ya.
"Hi.." nakangiting bati n'ya sa dalawa.
"Ang aga mo ngayon, Eida ah? Wala kang klase mamayang gabi?" Usisa ni Wena. Tinanguan n'ya ito.
"May lakad ‘yung prof. namin sa PolSci kaya wala kaming klase ngayong gabi," sagot n'ya. Napatango naman ito at hindi na dinugtungan pa ang pang-uusisa.
Sumampa na s'ya sa itaas ng double deck at inayos ang gamit n'ya. Napatingin s'ya kay Wena nang maalala ang itatanong tungkol kay Jana.
"Ahh, Wena.." napatingin naman ito at naghintay sa sasabihin n'ya.
"Ano kasi.. ahh..." nagdadalawang isip s'ya kung itatanong o hindi.
"Ano ba ‘yun, Eida?" si Kath ang nagtanong.
"Ano.. Kasi.. Ahh.. M-may.. May namatay bang babae sa lugar na ‘to?" sa wakas ay tanong n'ya. Bumakas ang gulat sa mukha ng dalawa.
"B-bakit mo naitanong?" gulat na tanong ni Wena. Si Kath din ay halatang gulat na gulat.
So, mukhang alam talaga nila.
"Sagutin n'yo ako. Pakiusap naman.." parang maiiyak na sabi n'ya. Nagbaba ng tingin si Wena. Napatingin s'ya kay Kath nang bigla na lamang itong pumalahaw ng iyak.
"Sabihin na natin sa kanya, Wena!" umiiyak na sabi ni Kath. Nagtatanong na napatingin s'ya kay Wena.
"P-pasensya ka na kung inilihim namin sa'yo, Eida.." mahinang sabi ni Wena.
Hindi s'ya kumibo. Tama nga ang hinala n'yang mayroon silang ayaw ipaalam sa kanya. Nagpatuloy si Wena sa pagsasalita.
"Dalawang buwan na ang nakakalipas nang maabutan namin ni Kath si Rhea dito sa kwarto," simula nito habang nakayuko at pinipisil ang mga daliri ng kamay.
"P-patay na s'ya at halos malunod s'ya sa sarili n'yang dugo nang maabutan namin..." Nabasag ang tinig nito at humikbi.
"Si Rhea ang kauna-unahang umokupa sa kwartong ito. Bale, mag-isa lang n'yang umookupa dito dahil nirentahan n'ya ang buong kwartong. Nang malaman ni Aling Pasing na naglayas si Rhea sa kanila at tumigil na sa pag-aaral ay tinangka n'ya itong palayasin sa pag-aakalang hindi na n'ya makakayang bayaran ang pananatili n'ya sa buong kwarto. Nakiusap si Rhea na ‘wag s'yang paalisin pero hindi nakinig si Aling Pasing. Kami naman ni Kath ay d‘yan sa kabilang pinto naka-kwarto noon. Mabait si Rhea at naging close s'ya sa amin ni Kath kaya naman nang may mga bagong dating na bed spacer ay nagpasya kami ni Kath na lumipat dito kasama s'ya at pinaubaya na lang sa mga bagong dating ang kwarto namin,"
Habang nagkukwento si Wena ay walang tigil sa pag-iyak si Kath.
"Maganda si Rhea. Walang araw na hindi s'ya nag-uuwi dito ng bulaklak o kaya naman ay mga stuff toys at chocolates. Maraming nanliligaw sa kanya pero wala sa kanilang natitipuhan ni Rhea. Kahit nga ang anak ni Aling Pasing na si Paolo ay nahumaling din sa gandang taglay ni Rhea,"
"Hindi ito pinapansin ni Rhea dahil ayon dito ay man'yak daw si Paolo. Takot na takot si Rhea sa kanya. At laking tuwa ni Rhea nang isang araw, tumigil na ito sa pagpunta-punta dito sa kwarto namin,"
"Friday ng gabi nang umuwi kami ni Kath. Actually, every weekend talaga kami umuuwi. At hindi kami nag-aalalang iwan si Rhea dito dahil sanay naman s'yang mag-isa,"
"Nang bumalik kami dito isang linggo ng hapon ay.. naabutan naming p-patay na s'ya." napatingin si Wena sa kanya bago nagpatuloy "‘Yan ang dahilan kaya hindi ka namin pinapahiga d-d'yan sa ibabang kama, Eida."
Nanlaki ang mga mata n'ya sa huling sinabi nito. Ibig sabihin ay.. itong kama sa baba ang kama dati ni Rhea?
"S-sinong pumatay sa kanya?" Bigla ay nasambit n'ya. Lumungkot naman ang mukha ni Wena.
"‘Yun ang hindi namin alam, Eida. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Rhea," sagot nito.
"Si.. Si Jana? Kilala n'yo rin s'ya?" Tanong n'ya. Napatango naman ang dalawa.
"Si Jana ang bagong bed spacer dito bago ikaw. Halos isang linggo lang s'yang nag-stay at umalis din agad. K-katulad mo ay binabangungot din s'ya madalas dito," sabi ni Kath.
Napatango-tango s'ya. Ngayon ay alam n'ya na kung ano ang misteryo sa kwartong ito. Kaylangan n'yang makausap ulit si Jana. Kaylangan n'yang malaman kung sinabi sa kanya ni Rhea sa panaginip kung paano ito matutulungan.