Chapter 12

1521 Words
Nakatulala siya sa kisame habang nakahiga sa kaniyang kama. Kahapon lang ay hinimatay siya at kanina lang siya nagising sa sobrang pagod. Mabuti na lang ay napilit niya ang kaniyang ama na umuwi na lang siya sa kaniyang unit. Kahit wala siyang gana kumain, pinilit niya tumayo at maghanda ng makakain. Hindi niya dapat pabayaan ang sarili niya, dahil baka madamay ang kaniyang anak. Napahawak siya sa kaniyang tiyan at hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ng doctor kanina nang magising siya. *Flashback* Nagising siya nang maramdaman na may tao malapit sa kaniya. Pagdilat niya ay nakita niya ang isang babaeng doctor na inaayos ang dextrose niya, may kasama pa itong nurse. "You're awake. Lumabas lang ang daddy mo para bumili ng makakain," sambit nito sa kaniya. Tatayo na sana siya ng pinigilan siya ng doctor. "Don't force yourself, kailangan mo magpahinga. Wala ka pa palang kain simula kahapon kaya mas lalong bumagsak ang katawan mo. Tandaan mo, hindi lang ang sarili mo ang isipin mo, may magiging anak ka na!" parang nanigas ang katawan niya sa pangaral ng doctor. Napatingin siya rito ng husto bago magsalita. "A-ano pong s-sinabi mo? anak?" gulat na tanong niya rito. Bumuntong hininga naman ang doctor at hinawakan ang kamay niya. "You're pregnant, 2 weeks." "N-no... that's impossible! I'm taking pills," depensa niya rito. Hindi siya pwedeng mabuntis dahil marami siyang problema ngayon. Hindi niya pa nga nakakausap ang binata dahil sa katotohanan na nalaman niya tapos may ganito pang dadating sa kaniya? "You are taking pills, but do you take it everyday in a same time? posible ang mabuntis lalo na pag nakalimot kang uminom kahit isang beses lang, at mukhang nasaktuhan ka." Umiling iling siya rito at napahawak sa tiyan niya. She can't believe that she's pregnant. Hindi niya alam kong anong dapat maramdaman niya, marami siyang pino-problema ngayon lalong lalo na ang ama ng dinadala niya— si Kenzo. "M-may iba pa bang nakakaalam nito?" tanong niya sa doktora. "Don't worry, wala pa akong pinagsasabihan dahil ang gusto ko ikaw ang unang makaalam." "Please don't tell to my dad," "Sure, i won't. Magpahinga ka muna at kumain, pag sinunod mo ang bilin ko pwede na kitang pauwiin mamaya." tumango lang siya rito at inayos ang kumot, tumagilid siya ng higa at muli na namang tumulo ang kaniyang luha. *End of Flashback* Pagkatapos niya kumain ay naligo na siya at nag-ayos ng sarili. Namamaga pa rin ang kaniyang mata dahil sa matinding luha na binuhos niya. Kailangan niya mamili ng mga pagkain at gatas katulad ng bilin sa kaniya ng doktor. Pumunta siya sa pinaka malapit na mall para mag-grocery. Inayos niya ang kaniyang suot na shades, nagsuot talaga siya no'n para takpan ang namamaga niyang mata. Namili siya ng mga masusustansiyang pagkain pati na rin ang gatas na kailangan niya inumin araw-araw. Nang matapos siya sa grocery store ay napagdesisyunan niyang bumili ng ice cream dahil natatakam siya roon. "Plain vanilla ice cream," sambit niya sa kahera ng shop. Inabot niya ang bayad at kinuha niya rin ang sukli. Umupo muna siya sa bakanteng upuan dahil sumasakit na ang balakang niya. Hindi pa gaano kabuti ang kaniyang pakiramdam pero kailangan niya naman asikasuhin ang sarili niya. Hindi alam ng kaniyang ama na buntis siya at wala pa siyang plano ipaalam dito hanggat hindi niya nakakausap ang binata. Kinuha niya naman ang cellphone nang marinig mag-ring iyon. Binaba niya sa gilid ang mga pinamili dahil saktong tinawag na rin siya ng kahera para iabot sa kaniya ang ice cream. "Hello dad?" muli siyang bumalik sa inupuan niya. "A-anak... ang hacienda... ang kompanya, lahat ng 'yon ay wala na." Ramdam niya ang panginginig ng boses ng kaniyang ama. "Paanong wala? anong sinasabi mo, dad?" napasuklay siya sa buhok niya dahil sumasakit na naman ang ulo niya. Kailan ba matatapos ang problema nila? Kasi sa totoo lang, hindi niya na talaga kaya ang mga nangyayari. Parang gusto na lang niyang pumunta sa sulok at umiyak ng umiyak. "Hindi nagsasabi si papá na marami na siyang utang, lahat ng investors ay tinalikuran siya at nagkaroon na lang bigla ng botohan kong sino ang mamumuno sa business natin. Dahil maliit lang ang shares ko at ang shares mo anak talo pa rin tayo." Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang luha niya. "S-si K-kenzo ba ang nakakuha, dad? pati sa hacienda?" tanong niya pa rin kahit malakas ang kutob niya na ang binata ang gumawa no'n. "Oo, anak. Hindi ko na alam ang gagawin ko, kahit sana ang hacienda na lang ang itira niya pero kinuha niya rin pati ang wine business. Hindi alam ni papá na ito ang pinagkakautangan niya matagal na. Paano ang hacienda, anak? pinaghirapan iyon ng lola mo... hindi ko kaya bitawan iyon." garalgal ang boses ng kaniyang ama dahilan para sumikip lalo ang puso niya. "Gagawan ko po ng paraan, susubukan kong kausapin si Kenzo." "Pupunta ka sa kompanya niya? paano kong itaboy ka roon?" "Susubukan ko pa rin po, ako na ang bahala, dad. Magpahinga ka muna riyan." Nagpaalam na siya rito at binaba na agad ang tawag. Kong hindi niya ma-contact ang binata pupunta na lang siya sa kompanya nito, kahit hindi siya sigurado kong naroroon ba ito. Ayaw niya sanang dumeretso roon para lang makausap pero mukhang wala na siyang magagawa. Kahit lumuhod pa siya at magmakaawa para maibalik lang ang hacienda sa kanila ay gagawin niya. Hinanap niya sa internet kong nasaan ang location ng Aeonel Empire, alam niyang may branch ito sa manila. Nang makita niya iyon nag-book siya ng grab para makapunta roon. Habang nasa byahe ay dama niya ang matinding kaba, hindi niya alam kong paano haharapin ang binata. May galit sa puso niya para rito pero may parte rin na gusto niyang humingi ng kapatawaran dahil sa ginawa ng kaniyang grandpa. Mahigpit ang hawak niya sa kaniyang shopping bag nang makababa sa kotse. Napatingin siya sa building na nasa harapan niya, napakalaki noon mas malaki pa sa building na pagmamay-ari ng Altaran. Dumereto siya sa entrance para pumasok at tumungo siya sa front office desk para magtanong. "Nandito ba si Mr. Sanders?" tanong niya sa babae. "Do you have appointment with Mr. Sanders ma'am? Can i ask your name po?" magalang na tanong nito. "Uhm. I'm Lauren Celestine Altaran, w-wala akong appointment pero kailangan ko siya makausap." "Okay po ma'am, wait po. Inform ko lang po ang secretary ni Mr. Sanders." Tumango lang siya rito at naghintay. "Deretso na lang daw po kayo sa floor ni Mr. Sanders, 30th floor po." Nagpasalamat siya rito at tumungo sa elevator para sumakay. Mas lalo siyang kinabahan habang paakyat ng paakyat ang sinasakyan niyang elevator. Nang tumunog na iyon ay bumungad sa kaniya ang tahimik ng pasilyo. Lumabas siya at dumeretso kong saan natanaw niya ang isang malaking desk. "Good afternoon, ma'am! Mr. Sanders currently have a visitor, can you wait until his visitor came out?" sambit ng secretary nito. "Sure, i can wait here. Thank you." Nilibot niya ang paningin, maganda ang interior design ng building at naninigaw sa kayamanan. Umupo siya sa bench at doon naghintay, pero ilang minuto pa lang nakarinig siya ng malakas na tawa ng babae. Napatingin naman siya sa secretary ni Kenzo na nagsasalita na sa intercom. Tumayo rin ito at binalingan siya. "Palabas na raw po ang bisita niya, pwede na raw po kayo pumasok." Agad siyang tumayo at dumeretso kong saan ang pinto papasok sa office nito. Isang pasilyo ang pinasukan niya at bumungad sa kaniya ang glass office nito, dahil glass nga ang bumubuo sa kwarto, kitang kita niya kong sino iyong babae na narinig niyang malakas na tumawa. Naikuyom niya ang kaniyang kamao ng makita si Glyzel na nakayuko paharap sa binata, nakapatong ang kamay nito sa lamesa. Nagsimula manginig ang kaniyang katawan, kahit hindi niya kita mismo ang mukha ni Kenzo alam niyang hinalikan ito ng babae. Tuluyan nang nanlabo ang kaniyang mata dahil sa kaniyang luha. Umatras siya at tumalikod para umalis na lang. Narinig niya pa na tinatawag siya ng secretary ni Kenzo pero hindi niya na ito nalingon. Mabilis niyang pinindot ang elevator pero napapadiyak na lang siya dahil ang tagal umakyat no'n. Pinunasan niya mata niya dahil patuloy na lumalabo ang mata niya dahil sa luha. "Lauren..." napalingon siya nang marinig ang boses nito. Nakatingin ito sa kaniya ng seryoso habang lumalapit ito. Mabilis siyang umiling at patakbong pumunta sa fire exit para bumaba ng hagdan. Akala niya kaya niya itong harapin at kausapin pero hindi pala, lalo na nang makita niya itong may kahalikan na iba. Tuluyan na talaga nitong dinurog ang puso niya. Durog na durog na iyon, na parang hindi na niya kayang buohin pa. Siya rin ang may kasalanan dahil siya ang unang nahulog sa binata. Tanga siya dahil minahal niya ang alam niyang hindi siya sasaluhin. "Lauren!" sigaw pa nito kaya nataranta siya lalo. Sa sobrang pagmamadali niya bumaba hindi niya napansin na tumama na pala ang dulo ng kaniyang tsinela sa hagdan dahilan para bumagsak at gumulong siya pababa. Nabitawan niya lahat ng dala at tuluyan na nandilim ang kaniyang paningin at nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD