Hindi siya mapakali habang hawak-hawak ang kaniyang cellphone. Paggising niya ay wala na si Kenzo sa tabi niya at tanging text message lang ang iniwan nito.
- Let's stop what we have, i'm tired with your body.
Sumisikip ang dibdib niya nang paulit-ulit niyang naalala ang nabasa kaninang umaga. Sinubukan niya ulit tawagan ito ngunit patay pa rin ang telepono nito.
Napaupo siya sa sofa at napasandal, pilit kinakalma ang sarili. Nahihilo na rin siya dahil hindi pa siya kumakain ng umagahan.
Napatingin siya sa kaniyang cellphone ng mag-ring iyon, akala niya si Kenzo pero ang ama niya iyon.
"Dad—"
"Are you in your unit in manila?"
"Y-yes, what's happening?" nag-aalala niyang tanong dahil bakas sa boses nito ang pag-aalala.
"I'm going there,"
"You're here in the philippines? Kailan pa?"
"I'll explain to you when i get there, okay? fix yourself because we're going on the police station."
Hindi na siya nakasagot dahil pinatay na nito ang tawag. Wala siyang kaalam-alam na nandito na pala ito sa pilipinas, hindi ito nagsabi sa kaniya. Gumulo lalo ang isip niya dahil sa sinabi ng ama. Bakit sila pupunta ng police station at ano ba talaga ang nangyayari.
Kahit masakit na ang ulo niya at nahihilo na siya pinilit niyang makapag-bihis pa ng maayos. Uminom din siya ng tubig dahil wala na rin siyang gana kumain. Hindi siya mapakali dahil kay Kenzo, kailangan niya ito makausap. Hindi siya matatahimik dahil sa text message nito.
Tire of her body? sawa na ito sa kaniya?
Hindi siya maniniwala roon dahil masaya lang sila kagabi, magkayakap pa nga silang natulog. She knows that what happened between them is just their deal, they still not in real relationship but she can't accept his reasons!
Agad niyang binuksan ang pintuan nang may mag-doorbell sa unit niya. Bumungad sa kaniya ang kaniyang ama at niyakap siya ng makita siya.
"What happened, dad? why are you here? why are we going to the police station?" sunod-sunod na tanong niya nang makapasok ito.
"Your grandpa is in the police station, may warrant of arrest sa kaniya. H-he... he's a drug pusher, anak." parang hindi siya makahinga sa sinabi nito.
"W-what? n-no way, baka naman pinagbibintangan lang siya!" her voice is full of emotion now. Napahawak siya sa kamay ng kaniyang ama.
"Let's go, dad. Kailangan tayo ni grandpa, nasaan siya ngayon?"
"He's here in manila, nahuli siya kaninang umaga."
"He's here? not in hacienda? nasa office ba siya?" tanong niya habang kinuha ang bag at cellphone niya.
"No, he's in their hideout... with the drug lord." parang hirap na hirap na sambit ng kaniyang ama. Kanina pinipilit niya isipin na napagbintangan lang ang kaniyang grandpa, pero sa oras na 'yon parang nawalan na siya ng pag-asa.
Tulala siya habang papunta sa police station, nanginginig pa rin ang kamay niya hanggang ngayon.
"You look pale, anak. Kong gusto mo magpahinga ka na lang—"
"No. I want to hear it from grandpa," matigas na sambit niya rito. Nang makarating sila sa police station maraming media ang nasa labas. Mabuti na lang may mga police na nakabantay kaya nakapasok agad sila.
"Hindi ako makapaniwala na si Don Azunto Altaran ang pumatay kay Keya Tolentino!"
"Sikat na sikat noon si Mrs. Keya, magaling makahanap ng mga impormasyon, baka siya ang unang naka-diskobre sa Altaran na 'yan kaya pinatay siya ng walang kaawa-awa."
Naikuyom niya ang kamao niya dahil sa mga naririnig. Pinipilit niya pa rin ang sarili na 'wag pakinggang ang mga ito at 'wag maniwala hangga't hindi ang grandpa niya ang nagsasabi sa kaniya.
"Easton..." gulat na sambit niya nang makita sa loob ang kaibigan. Nakatulala ito sa tabi at namumula ang mata. Napaangat naman ang tingin nito sa kaniya.
"E-easton bakit ka naririto?" tanong niya nang malapitan na ito ng tuluyan.
"My dad, who's a lieutenant is a drug lord? what a news, right?" napatakip siya sa kaniyang bibig dahil sa narinig. "Kaya ba pinipilit tayo ipakasal dahil magka-sosyo sila ng lolo mo sa mga kagaguhan nila?!" galit na utas ni Easton habang nakayuko na ang ulo. Tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata niya nang mag-proseso ang lahat sa kaniya.
It's real... this is real...
"W-where is grandpa?" nilingon niya ang kaniyang ama.
"Nasa interrogation room na siya," nang malaman niya iyon ay naglakad siya papunta sa interrogation room na mabilis niya lang nakita dahil may nakapaskil doon.
"Ma'am bawal po kayo pumasok," pigil sa kaniya ng isang police.
"Please, can i talk to him? i need to talk to him." pakiusap niya rito. Gustong gusto niya na ito makausap, gusto niya itong harapin.
"Papasukin mo na siya," napalingon siya sa isang detective na kakalabas lang ng iterrogation room. Agad naman siyang pumasok doon at nakita niya ang grandpa niya na nakaposas.
"Grandpa," gulat itong nilingon siya.
"Why did you go here!" galit na sambit nito. "Get out! maraming media sa labas—"
"Is it really true? you're a drug pusher?" naiiyak na tanong niya rito, hindi sumagot ang kaniyang grandpa kaya mas lalo siyang naiyak at napaluhod dahil nanghihina na ang katawan niya.
"So, it's true... H-how about the killing? did you kill someone?" napahagulgol siya ng husto ng hindi ulit ito nagsalita. Lumapit siya rito at hinawakan ang kamay.
"Grandpa, please... I need to hear it from you... W-why did you do that!" she's begging right now, she's begging for the truth. Parang pinipiga ng husto ang kaniyang puso, hindi niya akalain na magagawa ito ng kaniyang grandpa. Kilala niya ito bilang masiyahin at mabait sa kaniya, lahat ng gusto niya ay nabibigay sa kaniya nito.
"I'm sorry, princess... K-kinain ako ng pagiging gahaman ko. Gusto kong mas yumaman lalo at ibigay lahat ng gusto ng pamilya ko. Akala ko saglit lang ako sa trabaho na 'yon, pero noong yumaman na ako, nag hanggad pa ako ng husto. N-nakapatay ako... totoo 'yon, ayaw ko lang naman na mahuli nila ako dahil mapapabayaan ko kayo. Ayoko na mapahiya ka sa mga kaklase mo noon dahil ang lolo mo ay ganito..."
Napahawak siya sa kaniyang ulo dahil nakaramdam na siya ng matinding hilo.
"S-sino ang pinatay mo?"
"Si Keya Tolentino, ang sikat na reporter noon." Bahagya itong tumawa kaya bumaling ulit ang tingin niya rito. "Napakagaling niya talaga mag plano, sa ilang taon ko bilang drug pusher ngayon lang may nakahuli sa akin at iyong bata pa na 'yon. Napakatalino talaga," tumatawa pa rin ito kaya naguluhan siya rito.
"Sino ang sinasabi mo grandpa?" tumingin ito sa kaniya habang nakatawa pa rin.
"Si Kenzo Tolentino, hindi siya galing sa bahay ampunan. Siya ang anak ni Keya Tolentino- Sanders at Arturo Sanders. Hindi siya simpleng tao, Lauren, isa siya sa pinakamayaman na bachelor business man, at napaikot niya ang ulo ko. Kaya pala parang tinatalikuran na ako ng investors ko dahil may isa akong investor sa kompanya na mas malaki pa ang shares kaysa sa akin. Si Kenzo Aeonel Tolentino Sanders ang nag plano ng lahat ng ito, makaganti lang sa akin, at talagang nagawa niya nga." tumawa ng tumawa ang kaniyang grandpa kaya napa-atras siya rito. Dumating naman ang mga police para kunin na ang kaniyang grandpa kaya dinaluhan siya ng kaniyang ama.
Nanibago siya sa kaniyang grandpa dahil tila ito'y wala sa sariling pag-iisip.
Siya naman ay natulala na lang dahil sa impormasyon na nalaman.
Pinaglaruan lang ba siya ni Kenzo, dahil naghihiganti ito sa kaniyang grandpa? O siya ang may kasalanan dahil siya ang unang lumapit at nagpakita ng motibo rito?
Parang mas lalong dinurog ang kaniyang puso nang maisip na kasama siya sa plano nitong paghihiganti, na ginamit lang siya ng binata para sirain din siya.
Umagos lalo ang luha niya at mas lalong tumindi ang sakit ng ulo niya. Napatingin pa siya sa kaniyang ama na hawak hawak ang kaniyang braso, nagsasalita ito pero wala na siyang marinig dahil parang umiikot na rin ang paligid niya.
Bago pa siya mawalan ng malay narinig niya ang pagsigaw ni Easton at ng kaniyang ama.