"Pangalawang beses na siya nawalan ng malay. Kailangan niyang umiwas sa stress at kumain sa tamang oras."
"She's really pregnant..."
"Yes, Mr. Sanders."
"Even though she was on pills, if she didn't drink for just one day, she could get pregnant, and that's exactly what happened."
Napahawak siya sa noo niya nang magising siya dahil nakarinig siya ng mga nag-uusap sa tabi niya.
Hindi niya agad maidilat ang mata niya dahil medyo sumasakit pa rin ang kaniyang ulo. Gagalaw sana siya nang kumirot ng husto ang kaniyang kaliwang paa.
"Ahh," daing niya. Unti-unti niyang binuksan ang mata niya at napatingin sa paa, may balot iyon ng puting gasa.
"We meet again, Ms. Lauren." Napatingin siya sa kaniyang gilid at nakita ang doktora niya, pero hindi tumigil doon ang mata niya kon'di sa lalaking katabi nito— si Kenzo.
Iniwas niya ang tingin dito at sumandal ng maayos sa kama. Pinilit niya talagang maka-upo, kailangan niya na umalis dito.
"The baby is okay, mabuti na lang na hindi masiyadong mahaba ang pagkagulong mo pati na rin ang impact ay hindi gano'n kalakas. Please, take care of yourself. Maiwan ko muna kayo rito, pwede na kayong umuwi mamaya." Sinundan niya ito nang tingin hanggang sa makalabas ng kwarto.
She sighed. He already knows that she is pregnant. Hindi niya na ito matatago sa binata.
"Is this the reason why did you go to my—" she cut him off.
"No. I didn't plan to tell you about my pregnancy. I-i just want to ask you if you could give me back our hacienda, give me time to pay our debt to you, kahit ang hacienda na lang." deretsong saad niya rito. Ayaw niya nang magpaligoy ligoy pa dahil iyon naman talaga ang pinunta niya sa kompanya nito.
Narinig niya ang pagbuga ng hangin nito na parang may sinabi siya na hindi maganda.
"So you are planning to hide my child from me?" matigas na sambit nito kaya napatingin siya rito.
"Yes. I know you don't want this! we're just f**k buddy and not in a real relationship, Kenzo. Baka nga kasama rin ako sa plano na durugin ako 'di ba? Kasi galit ka sa lolo ko! you all planned this to get revenge, and congratulations because you succeed."
"I warned you,"
"Oo na! ako itong tanga na nagkagusto sa'yo! ako rin ang may kasalanan kong bakit ako nabuntis! hindi mo na kailangan ipa-mukha sa akin na dahil sa akin kaya pati ito nangyari!" sinubukan niyang hindi sumabog sa harapan nito pero hindi niya na kaya. Pigang piga na siya, sobrang sakit na talaga.
"I-im just asking for a favor... don't get our hacienda... it's from my lola," halos pabulong niyang sambit at napayuko na lang ng umagos na naman ang luha niya.
"Leave the child to me after you give birth. Ako ang magpapalaki sa kaniya at makukuha mo na ang hacienda." hindi siya makapaniwalang tumingin dito at naikuyom niya na lang ang kamao.
"Your child?! it's my child too, our child Kenzo! hindi mo p-pwedeng kunin ang anak ko at ihiwalay sa akin! Ano pa bang gusto mo? nakuha mo na ang lahat ng ari-arian ng Altaran, pati ba naman ang anak ko ilalayo mo sa akin? what did i do to you?! dahil isa akong apo ng kinasusuklaman mong tao?" Walang emosyong ang makikita sa binata, para itong walang puso na nakatayo sa kaniyang harapan.
He's an asshole.
"You can't do anything, Lauren. From now on you will live with me, aantayin ko hanggang sa maipanganak mo ang bata." tinalikuran siya nito kaya mas lalo siyang napahagulgol ng iyak.
Their child is unexpected but she will not give it to him. She need to think a plan, ayaw niyang mawalay sa magiging anak niya.
Nakaalis na sila sa hospital at nasa kotse siya ngayon ni Kenzo. Hindi siya nito nilubayan at talagang iuuwi siya sa bahay nito. Kong normal na araw lang ito at walang kaganapan na nangyayari baka natutuwa pa siya. Talagang desidido itong kunin ang anak nila pag nanganak na siya.
"Ipapakuha ko ang mga gamit at damit mo sa unit mo," sambit nito habang nakatutok pa rin ang tingin sa daan. Hindi siya nagsalita at ipinikit lang ang mga mata, ayaw niya itong kausapin.
Halos isang oras din ang binyahe nila bago sila makarating sa isang malaking bahay. Automatic na nagbukas ang malaking gate at may sumaludong guard pagpasok nila.
Nakita niya rin ang iilan na maids na nagbukas ng pintuan ng bahay para salubungin sila. Tahimik lang siyang sumunod sa binata nang ma-park nito ang sasakyan sa malawak na garahe.
"Guide her to her room," sambit ng binata sa isang kasambahay. Hindi siya nagsasalita habang sinusundan ang kasambahay papunta sa magiging kwarto niya, umakyat sila ng hagdan at kumanan.
"Dito po ang kwarto niyo, madam." Binuksan nito ang pinto at bumungad sa kaniya ang ma-espasyo na kwarto. Mabango rin ang amoy at ang kamay ay inaaya siyang mahiga dahil sa laki.
"Maraming salamat po,"
"Walang anuman, madam. " lumabas na ito kaya dumeretso na siya sa kama. Pagka-upo niya pa lang napahiga na siya ng deretso dahil sa sobrang lambot ng kama. Parang gusto niya na ulit matulog dahil sa malambot ng kama.
Napabangon din siya nang may kumatok sa kaniyang kwarto.
"Madam, ang damit niyo po." Pumasok ang isang kasambahay na may dala-dalang damit.
"Pwede na po kayong maligo, kompleto na po ang mga gamit sa banyo niyo. Inihahanda na lang po ang pagkain ninyo at ihahatid na lang po rito." Inabot niya ang hawak nito at nagpasalamat bago ito umalis.
Binuksan niya ang pinto ng banyo at pumasok siya roon. Kompleto nga ang gamit gaya ng sinabi ng kasambahay. Tiningnan niya ang damit at dalawang set iyon ng pajama, mukhang bago dahil may tag pa ng mamahaling brand.
Nagsimula na siyang maghubad ng damit para maligo. Binuksan niya ang shower at napapikit siya nang tumama ang malamig na tubig sa buhok niya pababa sa katawan niya. Sa oras na iyon kahit papaano na-relax ang katawan niya.
Hinimas niya nang marahan ang kaniyang tiyan na hindi pa maumbok.
"Anak, hindi kita papabayaan... hindi kita iiwan, gagawa ako ng paraan para hindi ka mawalay sa akin. Hindi ko ine-expect na darating ka pero kahit gano'n hindi kita iiwan at pababayaan."
Kapit lang anak dahil alam ko hindi basta basta ang magiging laban ko.
Sana lang makayanan ko at makayanan mo ang mga pagsubok na ito.
Kasi kahit anong mangyari, gagawin ko ang lahat para sa'yo.
Mahal na mahal kita... at mahal ko rin ang daddy mo, pero hindi ko alam kong hanggang saan ang pagmamahal na iyon. Kong ang pagmamahal ko ba sa kaniya ay magiging dahilan para mabuo tayo o mas masira pa ako.
Pagkatapos niya maligo ay nagsuot na siya nang damit at nang may makitang blower sa drawer ng banyo, kinuha niya iyon para patuyuin ang kaniyang buhok. Inaantok na talaga siya pero kailangan niya pa kumain para sa anak niya.