Ilang linggo na siyang nasa puder ni Kenzo pero hindi pa rin siya nakakaisip kong anong gagawin niya para makumbinsi itong hindi kunin ang anak niya at mabawi ang hacienda nila.
Kasalukuyan siyang kumakain ng mangga na hilaw at vanilla ice cream. Nasa sala siya at nanonood ng t.v, wala naman kasi lagi si Kenzo kaya malakas ang loob niyang lumabas ng kwarto. Lagi naman ito wala at tuwing gabi lang daw umuuwi sabi ng mga kasambahay.
"Madam, hindi ho ba sasakit ang tiyan niyo riyan? sinasawsaw niyo po kasi 'yong hilaw na mangga sa ice cream." Napakamot pa ito sa ulo at mukhang nag-aalala talaga sa kaniya.
"Hindi naman, ilang araw ko na 'to kinakain 'di ba? gusto mo ba tikman?" nilapit niya ang ice cream at hilaw na mangga rito pero inilingan lang siya nito.
"Huwag na po, sainyo na lang po 'yan— ay nandiyan na si sir!" mabilis siyang napalingon nang makarinig ng kotse na pumasok sa loob. Nakabukas ang kurtina kaya kita niya ang puting kotse ni Kenzo.
Nataranta siya bigla dahil ayaw niyang makita siya nito sa ayos niya ngayon. Malaking t-shirt lang kasi ang suot niya at tanging panty lang ang panloob niya dahil nga mas komportable siya sa ganoong suot. Mabilis niyang kinuha ang isang tub ng ice cream at ang kaniyang manggang hiwa na nasa bowl pero bago pa siya makaalis sa sala nakapasok na si Kenzo sa loob ng bahay.
Nagsalubong ang kanilang mata at nakita niya itong pinasadahan siya ng titig mula ulo hanggang paa. Napahigpit ang subo niya sa kutsarang nasa bibig niya pa.
"Ay sir, nagluluto na po si manang ng hapunan." sambit ng kasambahay na kausap niya lang kanina. Tumalikod naman siya at dahan dahan na umakyat papunta sa kwarto niya. Nang makapasok siya agad niyang nilapag sa kama niya ang pagkain na hindi niya maiwan-iwanan.
Muli niya iyong nilantakan nang biglang may nagbukas ng pinto ng kwarto niya. Napahinto tuloy siya sa pagsubo ng ice cream at nakangangang nakatingin kay Kenzo na pumasok sa kwarto niya. Para siyang batang nakahawak sa isang tub ng ice cream habang tahimik na nakatingin sa papalapit na binata.
"B-bakit, anong kailangan—" hindi nya na naituloy ang sasabihin niya nang hinawi nito ang ice cream na hawak niya at agad siyang hinawakan sa batok. Laking gulat niya nang lumapat ang labi nito sa kaniyang labi. Dilat na dilat pa rin ang mata niya habang hinahalikan siya ng binata. Napadaing siya nang kinagat nito ang labi niya dahilan para mapaawang pa iyon at mapasok ng dila nito sa bunganga niya.
Papikit na sana siya nang maamoy niya ng husto ang perfume nito, awtomatikong malakas niyang tinulak ang binata.
"f**k," pinisil niya ang ilong niya at umatras palayo rito. Gusto niya sana mag-sorry dahil muntikan pa itong malaglag sa kama, pero hindi siya makapagsalita dahil parang masusuka pa ata siya.
"Your p-perfume," napahawak siya sa ulo niya nang makaramdam ng hilo.
"Damn, you don't like my perfume?" inis na tanong ni Kenzo sa kaniya. Tumango naman siya rito at sinundan ito ng tingin ng padabog itong tumayo at lumabas ng kwarto.
Bumagsak ang balikat niya dahil mukhang mas lalo niya lang ginalit ang binata. Hindi niya na nga alam kong ano ang dapat gawin para lang mapaamo niya ito.
Natigilan naman siya at wala sa sariling napahawak sa labi. Iyon ang unang halik nito pagkatapos ng pagtatalo nila at 'di pagpapansinan. Bigla na lang siyang nakaisip ng plano para hindi mawalay sa kaniya ang anak nila.
She'll try to seduce Kenzo and make his lover again. If she succeed with this plan, pareho silang sasaya ng anak niya, wala ng hihiwalay at magiging buo pa ang pamilya nila.
Kong tama nga siya ng hinala at hindi pa rin ito talaga nagsasawa sa kaniya, mabilis niya na lang magagawa ang plano niya.
Mayamaya kinatok siya ng isang kasambahay para sabihin na luto na ang hapunan at pwede na siyang bumaba. Sumunod naman siya agad dahil hindi niya na iiwasan ang binata dahil kailangan niya nang paibigin ito. Mayroon lang siyang eight months para magawa ang lahat.
Pagbaba niya nakita niya ang binata na nasa hapagkainan na. Nakalatag na rin ang mga pagkain sa lamesa at lalo siyang natakam nang makita ang pritong bangus at maanghang na suka.
Mabilis siyang umupo sa harapan ng binata at sumandok agad ng kanin. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at kumain na. Napapikit pa siya nang matikman na ang bangus na sinawsaw niya sa maanghang na suka. Patuloy lang siya sa pagkain hindi alintana ang titig sa kaniya ng binata.
Naubo naman siya nang biglang may maalala. Hindi dapat siya nagpapaka-baboy sa harapan nito kon'di nagpapaganda. Inabot niya ang baso ng tubig at uminom dahil sa tindi ng pagka-samid niya. Hindi niya namalayan na nasa likod na pala niya si Kenzo at tinatapik-tapik ang likod niya.
"S-salamat," sambit niya rito nang maging okay na siya.
"Don't eat fast, wala namang aagaw ng pagkain sa'yo."
Tinuloy niya na lang ang pagkain hanggang sa maubos niya ang nasa plato niya. Napahawak naman siya sa kaniyang tiyan sa kabusugan. Inangat niya rin ang palad papunta sa kaniyang dibdib dahil sumasakit na naman iyon.
Marahan na minasahe niya iyon at napapikit pa dahil masakit talaga at kumikirot pero napadilat din siya nang marinig ang tunog ng kutsara't tinidor na bumagsak.
Tiningnan niya si Kenzo at mukhang galit na naman ito dahil pinasadahan pa ng kamay nito ang buhok.
"Stop massaging your breast in front of me, Lauren." Agad niyang naibaba ang kamay niya. Kinagat niya ang labi dahil sa kahihiyan. Hindi niya dapat iyon ginawa sa harap ng hapagkainan, kahit naman kailangan niya i-seduce si Kenzo hindi naman niya iyon gagawin habang kumakain ito.
Talagang masakit lang talaga ang dibdib niya at wala sa sariling minasahe niya iyon sa harapan nito.
Napayuko siya at kinagat ang ibabang labi. Mukhang nawalan na ng gana kumain ang binata dahil sa kaniya.
"S-sorry... masakit kasi itong dibdib ko, p-pero normal lang naman daw d-dahil buntis ako," kinakabahang paliwanag niya rito.
Hindi ito nagsalita kaya tumayo na lang siya sa pagkakaupo at umalis doon. Dumeretso siya sa kwarto at sumandal sa headboard ng kama niya. Bigla siyang naiyak kaya sinubsob niya ang mukha sa kaniyang tuhod.
Narinig niya naman na bumukas ang pinto ng kwarto niya kaya pinunasan niya agad ang luha sa mata niya. Napaiwas agad siya ng tingin dito nang makita si Kenzo, may dala-dala itong maliit na bowl.
Tahimik itong lumapit sa kaniya, dumako ang tingin niya sa isang cold compress bag at sa isang bowl na puno ng yelo.
"Cold compress for your breast," inabot nito ang cold compress bag kaya agad niya iyong kinuha.
"Para saan naman 'yong mga yelo?" tanong niya dahil na-curious siya kong bakit pa ito nagdala ng yelo kong may cold compress bag naman.
Napalunok siya nang lumapit pa ito ng husto sa kaniya, ramdam niya na ang mainit na hininga nito sa leeg niya.
"Calm your breast with the cold compress bag or calm it with my own ways, choose." Nahigit niya ang hininga nang maramdaman ang kamay nito na may hawak na yelo, pumapasok iyon sa loob ng malaking t-shirt na suot niya.
dumausdos nag yelo sa balat niya at umikot iyon sa kaliwang dibdib niya.
Naisandal niya ang noo sa balikat ni Kenzo. Mukhang hindi siya ang mang-aakit dito bagkus siya ang naaakit ng binata.
Her n*****s erect because of arousal, Kenzo makes her crazy again.
"Kenzo..."
"Yes? just choose, baby."
"K-kenzo..."
"Hmm?"
"I want you."