CHAPTER 3

1644 Words
Habang nag lalakad ako papalabas ay hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si Tina. "Done na class ko. Where are you?" text ko sa kanya. "I'm at your back, b***h!" sambit ni Tina sa akin habang naka akbay. "Hey!" nakangiting sambit ko sa kanya. "Mag paalam kana mamaya aah?" sambit niya sa akin. "Tingnan ko pa. Magpapaalam ako ng maayos para hindi sila magalit sa akin. Alam mo namang ako na ang nagsilbeng panganay sa amin kasi nasa states si kuya diba?" sambit ko sa kanya. "Arghh! Excited na akong makasama ka!" inis na sambit niya "I'll let you know naman kung papayagan ako. Kaya nga mag papaalam diba?" sambit ko sa kanya. "Fine! Sige na uwi na ako," sambit niya sa akin. "Sige! Chat nalang mamaya," sambit ko sa kanya habang papatakbo papalayo. Nag madali akong umuwi sa bahay. Pagod at pag kayamot ang naramdaman ko ngayon. Hindi kasi ako sanay sa mga ganung pangyayare hindi ako natutuwa na nanalo ako sa pag ka-muse. Anong ikakatuwa ko dun? Eeh yung Chelsea galit na galit sakin agad ni wala pa nga akong ginagawa. Masama na agad tabas ng mukha sakin. Anong magagawa ko kung binoto nila ako? Hindi ko naman ginusto yun. Medyo mabilis lang ang biyahe ko ngayon kaya nakauwi ako ng maaga sa bahay. Pumasok ako ng bahay ng naka busangot. "Ate!" nakangiting salubong sa akin ni Maya. "Hello Baby, Kamusta ang school mo?" tanong ko sa kanya. "Ok lang po! May star ako bigay ni Teacher," nakangiting sambit niya. "Wow! Very good naman ng baby namin. May prize ako sayo," sambit ko sa kanya. "Ano yun?" nakangiting tanong niya sa akin. Binuksan ko yung bag ko at kinuha ko yung binili kong snacks ko kanina. "Ooh ito ooh," abot-abot ang isang pack ng gummies. "Gummies!" sigaw niya. Kinuha ito agad ni Maya yung gummies at tumakbo na papunta sa kusina. "Op op opps! Walang thank you?" sigaw ko sa kanya. "Thank you ate!" sigaw nito mula sa malayo. Umupo muna ako sa sofa para mag pahinga. At saktong lumabas si Papa galing sa garahe. "Kamusta ang first day of school mo Ket?" tanong ni papa sa akin. "Ok naman! Kaso ang boring lang," sambit ko sa kanya. "Paanong boring?" nakakunot na noo niyang tanong sa akin. "Well, Hindi kasi ako nagising ng maaga kaninang umaga tapos nalate ako ng sobra sa school tapos the worst scenario nanalo ako sa pagka muse. Diba? nakakainis lang," inis na sambit ko sa kanya. "Ooh sinong may kasalanan kung bakit ka nalate at bakit hindi ka nagising ng maaga?" galit na tanong niya sa akin. "Ako!" sambit ko. "Ooh? Edi ikaw naman pala may kasalanan. Ngayon anong gagawin mo para maaga kang magising bukas?" tanong niya sa akin. "Hindi na ako mag pupuyat tapos iaalarm ko yung cellphone ko at MAGPAPAHATID ako sayo sa school. Ok ba?" nakangisi kong sambit sa kanya. "Aba! Sige! Call," sambit niya sa akin. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagmadali akong tumungo sa kusina upang makita si Mama at nandoon nga siya sa kusina nag luluto ng hapunan namin. "Ma!" sabay halik sa pisnge niya. "Kamusta Ket? Late ka noh?" pang aasar niya sa akin. "Tssss... Di mo ko ginising!" inis na sambit ko sa kanya. "Hoy ano ka? Ginising nga kita kanina eeh," nakapameywang niyang sambit. "Ma! Alam mo nanalo ako sa pag ka-muse. Ang hectic nun tsaka ang korny! Tulungan mo ko. Dali!" pamimilit ko sa kanya. "Alam mo anak, Wala tayong magagawa kung nanalo ka sa pag ka-muse eeh maganda ang lahi natin eeh," pang aasar nito sa akin. "Ma, Ang cute mo talaga," sabay pisil ko sa pisngi nito. , "Kung hindi lang kita Nanay kanina pa kita kinurot! Di naman nakakatulong yung sagot mo eeh," inis na sambit ko sa kanya. "Paano naman kasi anak. Eeh? Beauty queen Mama mo. Saan mag mamana ang mga anak ko? Edi sa Mama nila!" pang dudugtong ni Papa Kay mama "Lah? Ano may dugtungan? Tssss... Si Mama lang maganda at si Maya kasi ako... Dyosa!" inis kong sambit sa kanila. "Ayy lakas ng hangin!" nakatawang sambit ni Mama. "Alam mo anak, Just go with the flow nalang. Everything will be fine. Sa umpisa lang na maiirita ka kasi bago ka palang sa school nyo tsaka class muse ka lang naman kaya don't worry about it." sambit ni Papa sa akin. Medyo naging OA nga ako sa part na yun. Pero kasi hindi ko talaga bet! Tsaka mamaya may pa-contest dun anong gagawin ko? I don't have the guts! Hindi na ako sumagot pang muli sa kanila at tinulungan ko nalang maghain si mama ng hapunan. Habang nag hahapunan kami inopen up ko na yung plano namin ni Tina na mag boarding house. "Hmmm... Pa? Ma?" kinakabahang sambit ko sa kanila. Agad na tumingin sa akin ni Mama at Papa. "Yes? Baby?" nagtatakang tanong ni Mama. "Will you allow me to board a house? kasi si Tina mag boarding house siya malapit sa school. I just think of it an advantage for me para hindi malate sa school. Is it ok?" kinakabahang tanong ko sa kanila. Napakunot ang noo ni Papa sa akin. "No," madiing sambit niya. "Pero Pa? Just give me a chance to be independent at some points in my life," pamimilit ko. "Alam mo ba kung gaano kadelikado ang pag boboard? Mamaya kung anong mangyari sayo. Hindi ko makakayang may mangyaring masama sayo," sambit ni papa habang nakanuot ang noo. Napaawang ng bahagya ang bibig ko at napayuko nalang. "I'm sorry. Sabihin ko nalang kay Tina na hindi kayo pumayag," malungkot na sambit ko. "Hindi naman sa hindi kami pumapayag pero kasi masyado ka pang bata para mawalay sa amin anak. Alam mo naman na Mahal na Mahal ka namin ng Papa mo, Hindi ko kayang mawala ka sa paningin ko," malungkot na sambit ni Mama sa akin. "Ok po Mama. Sorry po." malungkot kong tugon sa kanya. Inubos ko ng mabilis ang pag kain ko at umakyat na ako sa kwarto ng malungkot ang mukha. Hindi din naman ako nag eexpect na papayag sila sa gusto ko kasi kilala ko ang magulang ko strict pero sweet sila. Wala na kasi si Kuya Zardy tapos pati ako aalis pa. Hindi naman ako mag lalandi dun sa dorm mag aaral ako at ipupursue ko ang dreams ko. Nakatulog ako na may nakangilid na luha sa mga mata ko. Naramdaman kong hinipo ni Mama ang mga mata ko at sinuklayan ang buhok ko. Inilagay ni mama ang ulo ko sa kandungan nya habang hinahawakan ang pisngi ko. "Mamimiss kita anak" Bulong nya sa akin. Napamulat ang mata ko ng marinig ko ang salitang iyon at napatingin sa kanya ng malalim ang mukha. "Ma?" sambit ko sa kanya. "Did I awake you baby?" tanong niya sa akin. "Nope! aalis ka ba? San ka pupunta?" naguguluhan kong sambit sa kanya. "Wala naman anak. Dito lang naman ako sa bahay. Mamimiss kita," sabay tulo ng luha nito. "Bakit ka umiiyak Ma? Bakit mo ako mamimiss?" naguguluhan kong sambit sa kanya. "Papayagan na kitang mag dorm. Pero, Promise me na uuwi ka ng weekends," nakangiting sambit niya sa akin. Napaupo ako sa narinig ko. I feel excited at the same time Malungkot. "Really? I don't know what to feel right now! Pero why? Why suddenly pumayag ka na mag dorm ako?" tanong ko sa kanya. "Kilala naman kita anak. Hindi ikaw yung tipo ng anak na gagawa ng kalokohan habang malayo siya sa magulang niya. Pero before ako mapapayag ng tuluyan. Kiss mo muna ako," pang aasar nito sa akin. "Mama naman eeh!" nakangiting sambit ko sa kanya. Dahil sa request ni Mama sa akin na ikiss. Wala na akong choice kung hindi i-kiss siya sa lips, sa nose, sa cheeks, at sa noo. "Ooh? Halatang gusto mo talaga akong iwan Ketket aah? Dami mong kiss sakin baka naman sa susunod di mo na ako ikiss niyan," pang aasar niya sa akin. "Pang asar ka talaga mama! Pero thank you Mama for letting me explore the world! Charr!" masayang sambit ko sa kanya. "Sige na matulog kana at maaga pa pasok mo bukas. Agahan mo ang gising at wag mag papalate sa school," sambit niya sa akin habang papaalis sa kwarto ko. Agaran akong iniwan ni mama sa kwarto at dali-dali akong nag text kay Tina para balitaan siya na pinayagan na ako nila Mama at Papa na mag dorm. Nakatulog ako agad ng mahimbing. masarap ang makiramdam ko ng natulog ako. May halong kagalakan at excitement. I will be leaving the box that I keep for a long-long time. Susubukan ko ng lumabas sa nakagisnan ko at harapan ang reality na kasama ang best friend ko na si Tina. Lumipas ang pitong oras. Clock beeping. Napabalikwas ako sa kama ko ng tumunog ang alarm clock ko. Five 'oclock na pala ng umaga. Gumising na ako at tumayo sa kama ko kahit na inaantok pa ako. Narinig ko na nagkakalampagan ang mga kaldero at sandok sa baba kaya lumabas na ako agad ng kwarto ko. "Ang bango ng naaamoy ko. Teka? Sinangag ba yun?" sambit ko. Dali-dali akong bumaba sa kusina para mag almusal. "Good morning Mama!" nakangiting bati ko sa kanya. Maganda ang mood ko ngayon kasi maaga akong gumising. "May ulam na po ba? Kakain na po ako para po hindi na ako malate sa school," nakangiting sambit ko kay Mama. "Sige na kumain kana at gisingin mo na din si Maya para mag almusal," sambit niya sa akin. "Ok po Mama. Si papa po? Tulog pa?" tanong ko sa kanya. "Nag jogging si Papa at nag papawis. Bilisan mo na kumain at maligo ka na," pagmamadali niya sa akin. Agaran kong tinapos ang pagkain ko. Naligo ako agad pagkatapos kong kumain at umakyat ako sa kwarto ko para ayusin ang damit kong pang pasok sa iskwela. Pagkatapos kong mag gayak ay bumaba na ako sa baba at nag paalam na akong papasok sa iskwelahan. "Ma, Pasok na po ako," sabay halik sa pisnge ni Mama. "Baunin mo na 'tong sandwich na ginawa ko para sayo," abot-abot ang isang plastik ng sandwich. "Thanks Ma!" sambit ko habang papalayo sa kanya. Umalis na naman akong masaya sa bahay. Hindi dahil sa pinayagan nila akong mag dorm. Sa una nga ay ayoko talagang umalis sa bahay kasi ito ang bahay ko. Wala na akong poproblemahin pa dito. Andito si Mama, si Papa at si Maya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD