CHAPTER 2

1314 Words
Pumasok na kami sa room at pagpasok ko ay biglang tumahimik ang klase at nakatingin sila saking lahat. "Infairness maganda naman siya kahit kunti." , "Ito yung transferred student?" , "Damn! Hot chick!" , "Pa VIP" mga salitang narinig ko ng pumasok ako sa class room namin. Nakayukod ako ng pumasok dahil sa hiya ko. Oo nga naman tama naman yung nagsabi na pa VIP ako. Sorry na tao lang naninibago at hindi ko pa alam dito sa school na to. "Sige na Keith umupo kana sa..." habang naghahanap ng upuan si Sir Peter. , "Ok! dun ka sa tabi ni Macky." sambit niya sa akin. Tiningnan ko mga mukha nila kung sino si macky hanggang sa nabagtas ko ng tingin ang isang lalake na nagbabasa ng libro. "Siya na kaya si Macky?" tanong ko sa sarili ko. Madali akong umupo sa tabi niya at bumati sa kanya ng "Hi!" sabay ngiti ko sa kanya ngunit hindi siya sumagot sa pagbati ko sa kanya ni hindi din tumingin. "Hmmmp! Ang sungit naman neto." inis na sambit ko. Nag ring ang school bell. "Ok! Break time!" sigaw ni Sir Peter. Nagulat ako sa sigaw ni Sir Peter. Hindi pa umiinit ang pwet ko sa upuan. Sa katunayan nga kakapasok ko palang break time na. "Malas mo naman talaga Ketket." sambit ko. Nagsilabasan na silang lahat para mag lunch. Hindi ko alam ang canteen dito kaya paano ako mag la-lunch? Agad akong nilapitan ni Jordan para alukin mag lunch at sumama na ako sa kanya. May mga kasama siyang iba naming kaklase kaya nang araw na to ay nadagdagan kahit papaano ang kaibigan ko. Acquaintance maybe? Sa canteen Ang daming estudyanteng kumakain at may isang grupo ng mga girls ang masama kung makatitig sa akin. "Problema nila?" nakakunot na noo kong sambit. "Wag mo nalang silang pansinin." biglang sambit ni Jordan sa akin. "Huh? Sino?" tanong ko kay Jordan. "Grupo ni Chelsea yung nakatingin sayo ng masama. Ganyan talaga yang mga yan kapag may transferee student na babae. Lalo na kung mas maganda sa kanila." sambit niya sa akin. "Joker ka din noh?" pang asar na sambit ko sa kanya. Napatingin ako sa relo ko at naalala ko ang kaibigan kong si Tina. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ko kung may mga text or tawag siya at laking gulat ko na umabot ng 10 missed called at 40 messages ang natanggap ko. "Hey!" "How's your day?" "Nalate ka ba?" "Hello?" "Huy! Ano na girl?" "Kanina pa kita tinatawagan! Ano? Walang balak na sumagot?" "Haaayyyssst" Madali akong nag reply kay Tina. "Hi Girl! Forgot to text you. Where are you? Nakapasok ka? Nalate ka? Reply ka kaagad Please!" Isinilid ko ang cellphone ko at pumila sa tabi nila Jordan. Nang biglang nag vibrate ang cellphone ko. "My gad! Kanina pa kita tinatawagan! How's your first day? Sabay tayo uwi mamaya ok? Miss you!" tugon ni Tina sa text ko. "Why so sweet beshy?" Nakangiti kong sambit habang binabasa ko ang text niya sa akin. "Ui! Nag text ang boyfriend mo noh? Naka ngiti ka eeh," pang asar na sambit ni Jordan. "Hindi! Yung kaibigan ko kasi na nag aaral dito. Siya ang ka-text ko." sambit ko sa kanya. I'm lucky to have Tina in my life, Very clingy then sobrang best friend material yung tipong kahit wala ng lalaki ang dumating sa buhay ko. Ok lang! Basta nandyan si Tina sa tabi ko. Siya lang bukod tanging nakatagal sa ugali ko kaya I'm really blessed to have her. "Mag bo-boarding house na ako dito sa malapit besh! Go ka ba?" text ni Tina sakin. "Hmmm... Let me talk to Mama and Papa first. I'll let you know! Sige na mag lunch na muna ako," reply ko sa kanya. "Ok!" reply niya. Umorder na ako ng pagkain ko gutom na din kasi ako. Hindi kasi ako nakapag almusal ng maayos kaninang umaga. Pag katapos naming umorder ng pagkain ay kumain na kami at pagkatapos ay umakyat na ulit sa room. Ilang oras nalang at uwian na! Tapos na ang isang nakakahiyang araw na to para sakin. Pag akyat namin sa taas ay hindi pa ganun ka daming tao sa noon. Umupo na ako sa upuan ko at wala doon si Macky. Tumingin ako sa wrist watch ko at biglang dumating si Sir Peter. "Where's everybody?" tanong niya. "Nag la-lunch pa Sir." Sambit ng mangilan-ngilan naming kaklase. "Ok I'll wait! Pero if kaya nyo sabihan sa text or chat mga kaklase nyo let them know na nandito na ako. We will be having an ora election today!" sambit niya sa aming lahat na naroon. "Election daw?" tanong ko. Kakapasok ko palang election na agad? Anyway wala naman akong pakialam sa mga ganyan I just want to focus on my own. Hmmmm... Na e-excite ako sa Volleyball Team ngayon. Nagdagsa na ang pagdating ng mga kaklase ko pero wala pa rin si Macky sa tabi ko. "Is Macky ditch again his class? What a stubborn kid!" inis na sambit ni Sir Peter. , "Paul! Asan na naman ang kaibigan mo?" tanong niya. "Ewan ko dun Sir! May sarili namang mundo yun. Ako nalang tatabi kay Ms. Ganda," nakangiting tingin ni Paul sa akin. Napairap si Chelsea sa akin at sabay sabing "Duh? So cheap" "Hmmm... Ok then! Dahil sa nag mamadali tayo sa botohan I want the old officers take charge the room. Tutal block section naman kayo at si Keith lang ang bago dito. Ang mababago lang ay ang room representative natin or mas kilala sa tawag na muse and escort," , "Who wants to volunteer?" tanong niya sa amin. "I'll take the responsibility Sir!" sigaw ni Chelsea habang Taas-taas ang kamay nya. , "Tutal ako lang naman ang qualified sa position na to. Right guys?" nakataray niyang sambit. "Oo nga!" sambit ng mga kaibigan nya. "Well, Ms. Chelsea. I know how capable you are pero kasi all this time ikaw ang muse. Why don't give others a chance?" sambit ni Jordan sa kanya. "Then, Sino pa pwedeng maging representative bukod sakin?" inis na sambit niya. Tumingin sakin si Sir Peter. "Hmmm... I just saw a lady who suits in the position. Maybe you can give a try Ms. Brian?" tanong sakin ni Sir Peter. I was startled! Hindi ko ine-expect to! At ayoko! "Po? ak--ko po?" utal kong sambit. , "Ok lang Sir kahit siya nalang she deserves more," nakangiting sambit ko kay Sir Peter. Ngumiti na pairap si Chelsea sakin. "Then let's vote!" nakangiting sambit ni Sir Peter. Kinakabahan ako na para bang may madaming paru-paro sa aking tiyan. Naka crossed fingers ako na sana hindi ako manalo. Habang nag bibilang sila ng boto ay pumikit ako nang biglang nag tilian ang mga kaklase kong babae. "Aaaaahhhh..." sigawan nila kasama ang malakas na palakpakan. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita kong... "It's a closed fight!" sambit ni Sir Peter. Congrats for our NEW representative. Ms. Keith Brian. "Bayan!" malungkot kong sambit sa sarili ko. Nalungkot ako sa naging resulta ng election. Hindi ako prepared I just don't figure it out. I can't! Hindi to ang will ko. "Hmmmm... sir?" sambit ko habang Taas-taas ang kamay ko. "Paano po ako magiging representative if mag jojoin ako ng volleyball club?" tanong ko sa kanya. "Oww! Ok lang yan. Do whatever you want," sambit niya sa akin. Ibinaling niya muli ang atensyon niya sa klase. "So? Sa escort na tayo! Any nominees?" tanong niya. "Don't you ever nominate Macky!" pang iirap ni Chelsea kay Jordan. "Sorry not sorry. But I  will vote Macky for escort," nakangising sambit ni Jordan kay Chelsea. "Ok! Macky. Who else? Paul, Ok! Harold, Ok! Is there anything else? Then closed!" sambit ni Sir Peter. Di ako bumuto bahala sila diyan. Walang kalatoy-latoy ang election na to! Hindi ko porte ang mag pa-cute. Bola ang gusto ko hindi maging muse! Hayyssst! Habang nakatingin ako sa bintana ay naghiyawan sila ng manalo si Macky sa escort. Napangiwi ako sa nakita ko. "Si sungit pa nanalo!" inis kong sambit. "Ok class that's for today. We will having a regular class tomorrow so be ready." sambit ni Sir Peter bago siya umalis. Nag ring ang bell Tiningnan ko agad yung phone ko para itext si Tina. "Done na class ko. Where are you?" text ko sa kanya. "I'm at your back, b***h!" sambit ni Tina sa akin habang naka akbay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD