CHAPTER 4

1213 Words
Sa wakas! Maaga akong nakapasok sa school hindi ako na late ngayon. Dahil sa maaga pa ang oras ay nakinig muna ako ng music. Ipinasak ko sa tenga ko ang earphone ko at nakinig ako ng paborito kong music genre ang "Classical Music" Habang nakikinig ako ng musics ay isinandal ko ang katawan ko sa upuan ko at nag talukbong ng jacket.  Hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Bigla nalang akong nagising sa boses ni Sir Peter na nagsasalita sa harap. Tumingin ako sa wrist watch ko at nanlaki ang mata ko sa nakita kong oras. 8:30 na pala. Hindi ako nalate sa pag pasok pero nakatulog naman ako! Another shameful scenario na naman sa akin. Kinausap ko si Macky sa tabi ko. "Bakit hindi mo ko ginising?" mahinang sambit ko sa kanya. Hindi niya ako sinulyapan ni kinausap man lang. "Arrggghh... Bwisit!" mahinang sambit ko. Tumingin ako sa direksyon kung nasaan si Sir Peter at nakinig sa leksyon niya. "Di na tayo lalayo sa theme natin. Kasi hindi naman makatarungan kung pag ko-costumin ko tong dalawa na not related sa literature right? I will ask the panel if what is the exact theme so we can get our costumes na." sambit niya sa buong klase. "Teka? Ano daw? Mag ko-costume? Saan na naman ako kukuha niyan? Ano ba yan sobrang pahirap naman tong muse-muse na to. Hindi naman kasi ako nararapat para dito." nakakunot ang noo ko hanggang matapos ang meeting tungkol sa gagawing English week. Napatingin ako kay macky habang nag mi-meeting na mukang walang emotion. Parang napaka blanko ng mukha. "Gwapo nga pero parang mukang ewan naman." bigla kong nasambit. Napatingin sakin si macky sa sinabi ko. Nagulat ako kaya napatikom nalang ako ng bibig ko. Isang oras at kalahati din ang inilagi ni Sir Peter sa kwartong ito at sa wakas! Natapos din ang meeting para sa English week. Napag diskasyunan na din namin ang topic namin. Mythology o Myth. Mga diwata-diwata ganun ang lang. Pagkatapos ng meeting namin ay bumalik na kami sa normal discussion. "Ahhmmm... I just want to add class! I want you all to participate this upcoming English week. We already discussed about our topic. This will be next week prior. I need your critical thinking skills so we can illustrate our topic better. There will be a prize for a good costume and background we will also have a short script for the said topic. There will be no regular class tomorrow until next week. On the day of the English week we will be having a booth any booth you like. It depends on your budget how you came up with your booth. And the rest you can participate to our mini play." sambit niya. , "And I will be discussing the title tomorrow. This will be exciting kasi madaming mangyayari. Booths and everything. So class you can now take your break! Except Keith and Macky." pahabol na sambit niya. Naiwan kaming tatlo sa room. At diniscuss ni Sir Peter briefly yung idea niya about sa skit. "Well, It just came up with my mind. Simpleng kwento lang naman to. Isusulat ko mamayang gabi sa laptop ko pero it's about LOVE. Lagyan na natin ng kunting kalandian para mas catchy sa mga tao. So this is the story, You live in the woods Keith. Isa kang fairy then you fell in love with Macky na isang stranger na mapapadpad sa kakahuyan. Well that's all for now. I will hang you guys first para maisip nyo ang pwedeng susunod na mangyayari. "Sir?" nahihiyang sambit ko. , "Baka po pwedeng siya nalang ma inlove sakin? Nakakahiya naman po kung ako ang mag pu-first move saming dalawa," nahihiya kong sambit. "Well, You have a point. Sige siya nalang ma first love sayo." sambit ni Sir Peter. Kumabog ang dibdib ko sa sinabi ni sir peter. Hindi man totoong mangyayari pero i've just feel an electric energy coming from my back. Napatingin ako kay Macky muka siyang tense. "Ok ka lang?" tanong ko sa kanya. Pero as usual wala paring sagot sakin. Nangiwi lang ang labi niya at tumingin sa malayong lugar. "Hayyssst! Lagi nalang!" mahinang sambit ko. "Ok guys! Pwede na kayong mag lunch. Thank you for your time." sambit ni Sir Peter. Agad akong tumayo at umalis sa silid. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ko na namang nag tadtad si Tina. Tinawagan ko agad si Tina sa number niya at mabilis itong sumagot sa akin. "Hello girl! Anong ganap?" tanong ko sa kanya. "Hey! Pangalawang araw mo palang dito sa school sobrang busy kana aah? Nakakatampo aah! Di mo na ako tinetext," malungkot na sambit niya. "Oi! Nag seselos ka? Kasali ako sa English Week!" patawa kong sambit sa kanya. "Patapos na ang break time! Hindi na naman tayo nag sabay kumain!" inis niyang sambit. "Kinausap ako ng teacher namin. Gutom na ako! Penge ako foods! Alam kong marami ka diyan," pang aasar ko sa kanya. "Nandito sa akin! Dalian mo kunin mo na at kumain kana. Halerki yang adviser nyo huh!" sambit niya. "Hayaan mo na," pang aamo ko sa kanya. "Kita naman tayo after class! Treat ko! Tsaka may chi-chika lang ako sayo. May nakita akong pogi kaninang umaga grabe ang puti niya tapos ang tangkad ang gwapo talaga tapos may dimple din siya nako nakakatunaw siyang tumingin," kinikilig niyang sambit. "Weeh gwapo talaga? Para namang walang gwapo dito sa school na to? Meron ba?" pang aasar ko. "Loko! Aalamin ko pangalan nun. Nakaka starstruck siya Mamsh! I feel strange when I look at him parang nangungusap yung mga mata niya parang inaakit ako. Nakakalandi!" kinikilig niyang sambit. Napapangisi ako sa mga sinasabi niya. "Ang landi mo talaga bes! Anyway kailan ang lipat mo sa dorm? Good for two lang yun aah? Ikaw at ako lang aah. Sabay kaya tayong pumunta dun para mag check? What do you think?" tanong ko sa kanya. Nakita ko na siya sa canteen naka-upo sa gitna ng kainan. Kinawayan ko si Tina at ibinaba ang tawag ko sa kanya. "Hey! Asan na yung pagkain ko?" tanong ko sa kanya. "Ooh! Kainin mong lahat yan," nakangisi niyang sambit sa akin. "Dami naman! Ano puputukin mo diyan ko?" sambit ko sa kanya. "Asan na nga tayo kanina? Ayun! Sabay tayong pupunta sa dorm! Well, that's a good idea. Check narin natin kung may pogi sa katabing kwarto then papa-cute ako agad," nakangising sambit niya. "Bitchesa mo naman girl! Mamaya marape pa tayo niyan," sambit ko sa kanya. "Joke! Joke lang naman eeh. Ooh sige na kita nalang tayo mamayang uwian. Pag nakita ko si pogi picturan ko agad para makita mo," sambit niya sa akin. "Ok!" sambit ko sa kanya. Tumayo na si Tina sa kinauupuan niya at nag ayos na ng damit niya. "Bye na Girl! Baka ma-late pa ako," sambit niya sa akin. "Sige na alis! Ikaw lang naman madaldal dito." habang kinukumpas ko ang kamay ko sa kanya. Umalis na si Tina at naiwan na akong mag isa sa table. Wala na ding estudyante sa mga oras na to bukod sa akin. Habang kumakain ako ay napansin kong wala si Macky. "Hindi ba kakain yung si mr. masungit?" sambit ko. , "Tsss... Hayaan ko na nga lang siya," inis kong sambit. Nag madali na akong kumain para makahabol pa ako sa last subject namin. Pag akyat ko sa classroom namin nakita ko na kumpleto na sila sa loob. Nahihiya na akong pumasok sa loob pero sa pag silip ko ay nakita ako ng teacher namin. "Get inside," sambit nito sa akin. Agad akong pumasok sa loob. Nakayukod ang ulo at nag mamadaling mag lakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD