Chapter 2

722 Words
Napalunok ako nang nandun na naman ang kakaibang epekto ng titig niya, ang awkward kasi ilang minutong tumagal ang titig niya sa'kin bago siya bumaling kay Trist. Nakaramdam ako ng ilang at hiya kaya nagbaba ako ng tingin sabay ngiwi. "I didn't know you like singers, but she looks too young for you, man," sabi niya at umiling habang nakangiti. "Nice voice anyway." Hindi ako sumagot nang muli niya akong tinignan at purihin. Pinaghila ako ng upuan ni Trist, nahihiya man ay umupo ako kasabay niya, sa tabi niya rin. Natatawa niyang tinignan ang kaibigan at napailing. "She's not my girlfriend, Ali. But yeah, she has a nice voice." "Oh, sorry. I just thought." "Yeah? Papakilala ko na lang siya sa inyo." Trist turned to me and smiled, he then motioned his hand to the handsome guy next to him. Someone who have multiple piercings on the left ear. "Jedah, this is Quin, that's Edcharl and that one is Aliston. My friends." Isa-isa niya silang tinuro, una ay iyon ngang maraming piercings, pangalawa ay ang lalaking may makapal at makurbang kilay, pinakahuli ang lalaking may kaharap na laptop na si Aliston. Ngumiti sa'kin ang dalawa pero si Aliston hindi. Pinakatitigan niya lang ako tapos ay napakunot nuo. Para bang nalilito o may pilit inaalala. "And guys, this is Jedah Caizen Fidelin. Ayusin niyo pakikitungo niyo sa kaniya kung 'di malilintikan kayo sa'kin." "Tapos hindi mo girlfriend, sa lagay na 'yan, Trist?" Nakangiwing biro ni Quin. Tumawa naman si Edcharl. "Overprotective brat, girls doesn't like excessive protection. They will just force a way out or an escape. Kaya ka siguro binasted niyan," dugtong ni Edcharl at ngumiti sa'kin. "Eh kung kayo pagbayarin ko nitong kinain natin? Sabing 'di ko nga girlfriend." "Eh kaano-ano mo?" Biglang singit ni Aliston at natatawang uminom ng iced tea. "Saka, hey! Ako kaya ang magbabayad, hindi ikaw." "Support ka na lang, pwede? H'wag na nga kayo matanong, hindi pa nakakakain si Jedah." "Then order her foods now, genius," Edcharl barked sarcastically, rolling his eyes. Hindi na nakahirit pa si Trist dahil um-order na siya ng pagkain ko. Nag-uusap naman ang tatlo tungkol sa academic quizzes nila sa iba't-ibang subject. Nahihiya kong sinundot sa tagiliran si Trist kaya napatingin siya sa'kin. "Bakit?" He asked attentively. "Diba hindi naman ikaw ang magbabayad? Edi 'wag mo na lang akong order-ran, doon na lang ako sa mesa namin. Nakakahiya, Trist." "No, you'll eat here." Tinupi niya na ang menu at binigay sa nakaantay na waitress. "I'll pay for you, don't worry." Nakahinga akong maluwag at ngumiti na lang, nakangiti niya akong kinindatan bago sinabi sa waitress ang order ko. Hindi kami naghintay ng matagal at dumating din ang order ko kaya agad akong nakakain. Sinabayan niya ako dahil tapos na ang iba at para hindi ako mahiya. Kilalang-kilala na talaga niya ako. Alam kong pinapanuod kaming mabuti ng mga kaibigan niya pero hindi ako nakaramdam ng hiya, alam ko kasing wala rin siyang pakialam basta makakain ako. Nang matapos ay um-order siya ng dessert kahit wala naman akong sinasabi. Dalawang slice lang din ng white chocolate raspberry cake ang nakain ko dahil sa kabusugan. "Sa'min na ang tira, Trist. Masasayang lang 'yan," singit ni Quin at kinindatan ako. Agad siyang binato ni Trist ng tissue nang makita ang pagkindat. "Umayos ka, 'wag kang malandi. H'wag si Jedah, Quin." "Yung cake," pabulong na wika rin ni Edcharl. "Tsk, ayaw mo na ba, Jedah?" Umiling ako nang tanungin niya ako, binigay niya nga sa dalawa ang cake. Napangiti na lang ako sa kanila. Agad naglabas ng card si Trist at nilapag sa mesa kaya napatigil ang tatlo. "Ano 'yan? Diba si Ali magbabayad?" Puna ni Quin. "Pakitang gilas, Tristan? Alam na naming mayaman ka," dugtong ni Edcharl. Napanguso ako nang tumawa ang dalawa. "Ako ang magbabayad sa mga kinain ni Jedah, bakit ba? H'wag niyo nga ako pakialaman, lifestyle ko 'to," banat ni Trist. "Lifestyle?" "It's fine, Immerson. Isasama ko na lang ang kinain niya sa babayaran. Hindi naman malaki," saad ni Aliston at bahagyang ngumiti sa'kin bago inilapag ang sariling card sa mesa. "Naah, it's on me, Monte Grande. Ayaw ni Jedah na iba ang nagbabayad ng kinain niya." "Oh?" Namamanghang tumingin sa'kin si Aliston at ngumisi. Ilang minuto niya akong tinitigan bago nagtaas kilay. "I see. Alright then, spoil your girl, Trist."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD