Chapter 1

769 Words
"And I'd give up forever to touch you, 'cause I know that you feel me somehow. You're the closest to heaven that I'll ever be and I don't want to go home right now. And all I can taste is this moment and all I can breathe is your life. And sooner or later, it's over I just don't wanna miss you tonight." Nang magsimula akong kumanta, unti-unting natigil ang lahat ng tao sa loob ng resto-bar. Kita ko ang pagkatigil ng iilang kumakain para tumingin sa'min at ang pagkamangha ng lahat. Ang maliliit at samo-saring ilaw lang at ang dim lights ang dahilan kaya may liwanag pa sa loob ng resto. Dumagdag ito sa magandang ambiance at emosyon na hatid ng lugar at ng musikang tinutugtog namin. "And I don't want the world to see me, 'cause I don't think that they'd understand. When everything's made to be broken, I just want you to know who I am." Napapikit ako para ramdamin ang kanta habang sinasabayan ng mahina pang pagtugtog ng gitara at drums, pero nang muli akong nagmulat ay tumama ang panginin ko sa isang lalaki. Seryuso siyang nakatingin sa'kin kahit na may kaharap itong laptop. Sa unang tingin ay masasabi kong maganda siyang lalaki, base sa pananamit niya at postura halatang mayaman ito at nasa koleheyo na rin. Pero sa totoo lang, pamilyar naman talaga siya sa akin. "And you can't fight the tears that ain't coming, or the moment of truth in your lies. When everything feels like the movies, yeah, you bleed just to know you're alive." Malakas ang t***k ng puso ko sa isiping nakatingin pa rin siya sa'kin at natatakot akong magkamali. Kung bakit kasi nakatitig siya, e. Kaya nang muling magmulat ako at nakitang nasa akin pa rin ang mga mata niya ay sa ibang audince ako tumingin. Sa grupo ng mga high school students na tuwang-tuwa sa pagkanta ko. "And I don't want the world to see me, 'cause I don't think that they'd understand. When everything's made to be broken, I just want you to know who I am." Ganun ako hanggang matapos, nakangiting nilingon ko ang mga kasama na tuwang-tuwa dahil sa malakas na palakpak ng lahat. Bumaba na kami at pinasalamatan ang manager ng resto-bar dahil sa pagpayag na muli kaming kumanta sa kanilang establishment. Umakbay sa'kin si Peter, ang guitarist ng aming banda nang pababa na ako. Habang ang iba ay masayang ngumiti sa'kin at tumango. "Congrats, ganda ng pagkakanta mo kanina, Jedah. Ang galing mo talaga kahit kailan," bulong ni Peter sa'kin. Ngumiti ako at natatawang kumindat sa kaniya. "Ang galing kasi ng mga kasama ko, ayukong magpahuli." "Para namang nahuhuli ka," saad niya. "Kain muna tayo, may ne-reserve na mesa para sa'tin. Tapos hatid ka na namin." "Sige." Akmang lalapit na kami sa aming mesa nang may maalala ako. As if on cue, I saw Trist walking toward us with a furrowed eyebrows. Agad akong ngumiti nang makita ang nakanguso niyang mukha. "Jedah," tawag niya at seryusong tinignan ang braso ni Peter na nasa balikat ko bago ang mukha nito. "Kamay mo p're, palagay sa lugar." Sumimangot ako sa sinabi niya, agad namang tumikhim si Peter at inalis ang kamay sa balikat ko. Nag-aalangan itong tumingin sa'kin bago sa kaniya. "Sige Jedah, sunod ka na lang..." Isang tango ang nasagot ko dahil masama na talaga ang tingin ni Trist sa kaniya. Napakamot na rin siya habang paalis. Pagkaharap naman sa'kin ay ngumiti si Trist at marahan akong niyakap. "I don't like the guts of that boy, masyadong mabilis ang galawan." "Trist naman, magkaibigan kami nun. Ganun talaga kami," rason ko. "Kaya ka napagkakamalang boyfriend ko, eh. Masyado kang protective." "Whatever, anyway, nice performance. Dahil dun doon ka sa table namin." Inakbayan niya rin ako at iginiya patungo sa mesa nila. Hindi na ako nagprotesta at nagpaakay na lang. "Siguro iniisip ng lahat ngayon ikaw ang boyfriend ko." "Kaysa naman iba," sagot niya. "H'wag ka na muna mag-boyfriend, Jedah. Bata ka pa at mas na lalong hindi kung isang immature na lalaki lang din, maghanap ka ng kaya kang alagaan at intindihin. Iyong mahaba ang pasensiya at malawak ang pag-iisip. Iyong mature na sana at katulad ko." Ngumuso ako at natatawa siyang tiningala. "Wala pa nga akong nagugustuhan, Trist. Wala pang nakakakuha ng interest ko." Saktong kaharap na namin ang mga kaibigan niya nang sabihin ko yun kaya rinig na rinig ng tatlo niyang kaibigan. Nakakahiya. Palihim akong napasinghap nang dumiritso ang panginin ko sa lalaking seryusong nakatingin din sa'kin kanina, na hanggang ngayon ay seryuso pa ring nakatunganga sa'kin kahit may kaharap itong laptop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD