Chapter 3

1639 Words
Hinatid ako ni Trist pauwi sa inuupahan kong apartment saktong alas dose ng gabi, mas lalo pa kaming ginabi dahil sa malayo ang resto-bar sa apartment ko. Three story lang ang apartment ko at may apat na kwartong magkakaharap bawat palapag. Nasa pinakatuktok yung akin at pinakahuli rin kaya hinatid niya ako hanggang sa taas. May sarili namang elevator kahit papano ang apartment kaya hindi na kami napagod sa pag-akyat sa hagdan. "Gusto mo pumasok muna?" Alok ko nang nasa labas na kami ng apartment ko. "Kaso baka gabihin ka lalo at magalit si papa saka mommy mo." "Mabilis lang ako sa loob, Jedah. Titignan ko lang kung matibay ba ang grills sa bintana at balcony, at kung safe ba talaga 'tong apartment mo," sabi niya at bumuntong-hininga. Nakanguso ko siyang sinipat habang binubuksan ang lock ng sariling apartment. Ngumiti lang siya lalo sa'kin at nauna pang pumasok nang mabuksan na. binuksan niya ang ilaw at agad lumapit sa bintana malapit sa sofa saka hinawakan ang grills. "Ang OA mo, Trist. Matibay 'yan, matitibay naman lahat dito. May tatlong lock din ang pinto pati sa kwarto ko at banyo." "Just making sure, Jedah. Bakit kasi hindi ka pa lumipat sa bahay, mag-isa ka lang dito. Dad and I are worried." Matapos sa bintana ay sa balcony naman siya, tinignan niya rin kung matibay ang pinto ng balcony. Nang masigurong matibay lahat ng grills sa bintana, balcony at walang sirang parte ang apartment ay naupo siya sa sofa katabi ko. Hindi man kalakihan ang apartment ko pero maayos naman ito at ma-espasyo para sa'kin. Kumpleto rin ako sa gamit at palaging maayos ang apartment ko. Malaki din ang sala at kusina. "We're worried, so please, lumipat ka na ro'n sa bahay. Malaki naman ang bahay at wala kaming ibang kasama maliban sa maids at guards." "Trist——" "You can call me kuya now, we're in your apartment," pagtatama niya. Napangiwi ako. Simula nang malaman niyang magkapatid kami ay hindi na niya inalis ang paningin sa'kin. Palagi siyang nakabantay dahil busy si papa sa trabaho, mabait siya at alagang-alaga niya ako. Kahit na kaming lima lang ang nakakaalam. Minsan naiisip ko rin na kaya siguro kami napagkakamalang mag-jowa dahil sa sobrang close kami sa isa't-isa. "Kuya talaga? Sigurado ka? Eh diba ilang buwan akong mas matanda sa'yo?" Natatawa kong sabi. "Kaysa naman mag-ate ako sa'yo eh mas mukha kang bata kaysa sa'kin," he remarked. "Then l will not call you kuya, because it's awkward." "Jedah naman, pwede naman yun." Napakamot siya sa ulo. "Don't change the topic, please come home with me." "Trist, gusto ko rito. Tahimik at walang gulo, ayukong makaabala sa inyo ro'n. Okay lang naman ako rito." Nag-igting ang panga niya at napabuga siya ng hangin. Matagal na niya akong inaayang lumipat sa bahay nila pero ayuko. Maliban sa hindi ko pa kayang harapin araw-araw ang mama niya at si papa ay gusto kong patunayan na kaya ko mag-isa. Total sa loob ng dalawang taon, nabuhay naman ako matapos mawala si mama. Malupit nga lang ang mundo sa'kin at kinailangan ko pang magtrabaho sa club noon. "Sige, pero ihahatid-sundo kita palagi. Ayukong umuwi kang mag-isa, andami pa namang sira ulo ngayon." "Sige, agahan mo na lang bukas at may quiz kami." "I'll be really early, anyway, how's your studies?" "All fine, nothing's gonna fail this semester," nakangisi kong sagot. Ginulo niya ang buhok ko gaya ng parati niyang ginagawa kapag natutuwa siya sa'kin. "Umuwi ka na, gabing-gabi na kaya. Saka matutulog na rin ako, sobrang antok ko na." "Alright." Tumayo na rin siya at ginulo ang buhok ko, ulit. "May pera ka pa ba? Sabi ni daddy hindi mo raw tinanggap ang perang binigay niya sa'yo last month." Ngumiti lang ako at tumango. "May pera pala si mama na iniwan para sa'kin, maliit lang pero kasya pa. Pakisabi kay papa na h'wag muna akong padalhan ng pera." "Jedah, kahit naman may pera ka pa obligasyon niya pa ring bigyan ka ng pera. Tanggapin mo na lang." "Trist, hindi ko pa naman kailangan. Okay lang talaga ako." "Please, Jedah, accept the money. I'll wire it to your bank account myself tomorrow." I was left with no choice, Tristan is hard to please especially when it comes to this. He always pursue this kind of stuff. Hinatid ko siya sa pinto nang paalis na. "I'll fetch you tomorrow, I'll be early," he said softly with a smile. And he kissed me in the cheek, he barely do that. And whenever he would, I automatically smile. When I locked the door, I forced myself not to feel lonely. I need to survive the game of life. Since mama died, I feel so lonely. As if, I'm taking the uncertain path in front of me, with nobody to call for help if ever I need to. Alone and weary. Hindi ko napigilang malungkot nang maalala ang naiwang bahay at buhay sa Cagayan. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsisi na pumayag ako sa gusto ni papang dito ako sa Manila mag-aaral ng koleheyo. Honestly, there's no reason left for me to stay in Cagayan. My mother's relatives there doesn't really like me, my cousins just don't want me around. My only friend there was already married and she'd been busy with her husband and kids. But still, a part of me wants to live there. When mama died, I was left alone and since none of our relatives would want to take me in their homes, I decided to work for my daily expenses. That lead me to one job offered, to work as waitress in a club. Hindi ko akalaing ang bagay na yun ang sisira sa sira ko ng pangalan at imahe. Akala ng mga taga roon sa'min ay nagbebenta rin ako ng laman, pero ang totoo ay hirap na hirap na akong umiwas sa mga bastos na customers. Mga lalaking inaalok ako ng pera para sa isang gabing init. Nakakasuka pero nagtiis ako sa loob ng dalawang taon, doon ko nakilala si papa. Nalaman niyang namatay si mama at may anak siya rito, kaya nang malaman ang sinapit ko ay agad niya akong inalis sa club. Dinala ako sa Manila para rito mamuhay at mag-aral. Nga lang ay hindi niya ako nakumbensing tumira sa bahay nila. I am his illegitimate child but I am his first born, according to him and to my mother, they were young back then when they met. My mother just ran away from him, hiding me and the truth. Kaya ngayon...ngayon lang lumabas ang totoo. Noong una ay hindi ko alam ang mararamdaman, pero nang makilala ko si Tristan, pinilit kong kalimutan na ang nakaraan. Tristan, aside from Dad is the best person in my life right now. He loves me real good, he cares for me and he's my savior...most of the time. Mabilis akong nagbihis ng pantulog at nahiga sa kama, ramdam ko ang antok na paunti-unti akong nilalamon hanggang sa hindi ko na nakayanan, nakatulog akong may halong lungkot. Kinabukasan ay late ako nagising, mga alas sais na at nauna pa si Tristan sa'kin. Nabungaran ko na lang itong nakasandal sa pinto ng apartment ko, naghihintay na pagbuksan ng pinto. "Ang aga mo naman yata, mas nauna ka pa sa'kin," imbis ay sabi ko kaysa batiin siya. Tamad naman siyang tumayo ng tuwid at nakapamulsang sinuri ako ng tingin. Nakasuot siya ng itim na pants, itim na statement shirt na ang sabi ay, "I'm a dreamer but I wake up early." saka sneakers at basa pa ang nakasuklay na buhok. Mukhang katatapos lang nito maligo, pumunta agad dito. "Morning Jedah," bati niya at nakangiting hinaplos ang mukha ko. "I told you, I'll be early. What do you expect me to do? Fetch you up at eight? That isn't early in my vocabulary anymore." "Hindi naman, kagigising ko lang kasi." Ngumiti ako at niluwagan ang bukas ng pinto para makapasok siya. "Hindi pa nga naliligo pero bibilisan ko, nagluto pa kasi ako. Saglit lang ako!" Nagmamadali akong pumasok sa kwarto para maligo, hindi naman siya umangal at tinapon lang ang itim na mamahaling back pack sa sofa saka nagtungo sa kusina. "I'll ready your breakfast, I haven't had mine yet anyway," hindi nakatinging saad niya at tinignan ang niluluto ko kanina bago siya dumating. "Take your time." Hindi na ako sumagot dahil agad na akong nag-lock at dumiritso sa banyo para maligo. Yun na yata ang pinakamabilis kong ligo, natagalan lang ako sa pagbihis dahil hindi ako makahanap ng damit na isusuot. Bakit naman kasi hindi ako nakukuntento sa mga nauna kong naisuot. Minsan parang sobrang arte ko rin. Paglabas ay nakahanda na nga ang pagkain at ako na lang ang hinihintay ni Tristan. Nagkakape lang ito habang may binabasa sa screen ng phone niya. Nang makita akong umupo sa harapan ay saka niya yun binaba at pinagsalok pa ako ng kanin. Nanunudyo ko siyang tinignan at ngumisi. "Ang sweet naman ng little brother ko, sobrang swerte ng babaeng mapapangasawa mo." "Tch!" Umiling siya sa'kin at nagsalok din ng kaniya. "You should find a guy like me, or better yet, sweeter and more caring than me. You deserve the best guy in the world...well, nobody is deserving of you anyway. Unless I say so." "Baka baliktad, don't you think?" Sagot ko. "I'm not that great, Trist. I'm far from that, I'm the one who's not deserving of the best guy. I don't deserve someone as great as you." "That's not true," he argued with a serious face and sincere eyes. "You deserve the best, believe me when I say so. You're a fighter and you deserve someone who can fight for you as well." He flashed a cheerful small smile as he began eating. "If there's no one who could be best for you...then... I'll be your man forever."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD