Ralph's Pov: Ilang buwan din akong nawala dahil inasikaso ko ulit yung mga business trips ni Daddy, ngayon lang ako ulit nakabalik kaya hindi ko na alam kung anong balita sa mga nangyayari dito. Papasok na 'ko ng bahay namin nang marinig kong sumisigaw si Renzo. "SINABI NANG HINDI NGA AKO LALABAS KASAMA ANG BABAENG YON!!!" Sinong babae yung tinutukoy niya? Pagpasok ko ay nagtatalo silang dalawa ni Daddy. "Dad, anong nangyayari dito?" "IKAW! IKAW NALANG ANG MAKIPAGKITA SA BABAENG YON! TUTAL PAREHAS NAMAN KAYONG NAGKAKASUNDO NI DADDY, IKAW NALANG!" "Ha? teka? ano yun Dad?!" Umalis na si Renzo , kaya wala na 'kong nagawa. "May ipinagkakasundo ako kay Ralph, kaya lang mukhang ayaw ng kapatid mo sa kaniya, at kung hindi ko talaga makuha ang loob niya, I don't have no other choice, I wi