Rossy's POV: March 16, 2016 6:00 PM "Isang milyong piso kapalit ng paglayo mo sa anak ko, pag isipan mong mabuti Ms. Madrigal. I won't write you another cheque again." Tila nabingi ako sa mga katagang iyon, hindi rin ako makapagsalita. Tama ba itong gagawin ko?. Kung tatangapin ko iyon ay mawawala na ang lahat ng pino-problema ko, ngunit kasabay nitong mawawala si Renzo. "Rossy hija, don't get me wrong. You are beautiful and I know how smart you are but I'm sorry, you are not fit to be our daughter-in-law someday. So please, reconsider my offer. I know kung gaano kayo nahihirapan ngayon dahil sa sitwasyon ng nanay mo at gusto ko lang makatulong. So, what it's going to be?" Hindi na ako makapagsalita, tila ba umuurong ang dila ko. "Come on, give up Renzo at tutulong ako sa inyo na