bc

My Ex-Boyfriend is my BOSS

book_age18+
11.4K
FOLLOW
75.2K
READ
possessive
second chance
tragedy
sweet
office/work place
abuse
betrayal
cheating
office lady
seductive
like
intro-logo
Blurb

Isa lang ang nasa isip ni Rossy, ang mag aral ng mabuti upang maiahon nya ang pamilya nya sa hirap but getting that goal didn't go smoothly as planned for Rossy when she meet the guy of her dreams: Renzo Romualdez. Renzo is a fine man. Nasa kanya na ang lahat ng ninanais ng mga babae para sa isang lalaki. Mayaman, gwapo, mabait at mapagmahal na kasintahan halos lahat ng mga taong nagmamahal sa kanila ni Rossy ay sang-ayon sa kanilang pag iibigan ngunit hindi ang pagkakataon. Langit at lupa ang kanilang estado sa buhay ngunit hindi nila iyon alintana dahil mahal nila ang isa't isa ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng malubhang sakit ang nanay ni Rossya at napasok sya sa napakagulong sitwasyon ng kanilang buhay pamilya at problemang pinansyal. In order to save her mother's life, Rossy was forced to give up Renzo and break up with him. 5 years later, she ended up opening the gates of Romualdez Group of Companies for a job proposal at sa kamalas malasan nga naman ay si Ralph Romualdez, ang twin brother pa ni Renzo ang magiging boss nya.

Renzo was devastated when Rossy gave up their love for each other. Mahal na mahal nya ito, at siguradong sigurado na siyang ito ang nais niyang iharap sa altar upang pakasalan, ngunit tila ba nagbago bigla ang ikot ng mundo at ayaw na nito sa kaniya. 5 years later, they meet again at gusto niyang gumanti sa ginawang pag iwan nito sa kanya sa pamamagitan ng pagpapanggap na siya si Ralph Romualdez. Will Renzo ever forgive Rossy after what she did and give their love a second chance? Or will Rossy face the truth again that they weren't meant for each other?.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: You're Hired
Rossy's POV: "Rossy, Ano ka ba namang bata ka, nandito ka pa din?! Akala ko ba ngayon ka mag a-apply ng trabaho?! Aba'y galing galingan mo naman sa interview. Palibhasa lagi ka nalang lutang eh kaya hindi ka natatanggap, pang-ilan mo na yan?!" Pasigaw na sabi sa akin ni tiyang habang nagbibihis ako. "Oo na po tiyang, nagbibihis na." Saad ko naman sa kaniya habang nagsusuklay ako sa harap ng salamin. "Aba'y bilisan mo at tanghali na! mag uwi ka ng ulam mamayang gabi ah." Dadag pa niya habang nagwawalis sa loob ng bahay. "Opo." Saad ko. Mukhang okay naman na ang suot ko kung kaya't dali dali na kong nagpaalam sa nakababata kong kapatid. "Oh Shantal, aalis na muna ako magpakabait ka dito kay tiyang ah." Ngumiti ako sa kaniya at ginulo ang buhok niya. "Opo ate, ingat ka ah good luck ate kaya mo yan!" Nakangiting saad niya sa akin. "Siya sige na, susunod ka lagi kay tiyang ha." Bilin ko pa sa kaniya habang palabas ng gate. "Opo. Bye, ate." I waved her goodbye as I headed to the gate. Paglabas ko ay tinignan ko ulit yung text message sakin ng employer. Hindi ko alam yung address kung kaya't nagtanong tanong ako kung anong pwedeng sakyan papunta doon. Nang makarating ako ay kaagad kong kinausap ang guard. "Hello po manong, applicant po" "Applicant ma'am? sige po pasok po. Doon po yung HR sa may kaliwa." Aniya habang tinuturo ang daan papunta sa kaliwang pasilyo. "Salamat po." Nakangiti kong saad sa kaniya habang lumalakad papunta sa direksyon na itinuro niya. Pagpasok ko ay nakita ko na nga ang HR office. Huminga ako ng malalim sabay katok at bukas ng pinto. "Good afternoon po, applicant po." Sabi ko na may ngiti sa aking mga labi. Ngumiti naman at lumapit sa akin ang isang babae. Siya na marahil ang nag text sa akin at nag alok ng trabaho. "Good afternoon, you are Ms. Rossy Madrigal right?" Tanong niya sa akin. "Yes ma'am." Pagkumpirma ko. "By the way, I'm Ms. Lalaine, ako yung kausap mo sa phone about the job offer." Pagpapaliwanag niya. "Hi ma'am, nice to meet you po." Saad ko at kinuha ang kamay niya upang makipag shake-hands. "Actually, hindi ako yung mag i-interview sayo, yung mismong CEO namin ang mag i-interview." Pagpapaliwanag pa niya. "Okay po ma'am." Pag sang-ayon ko. Habang nag uusap kami ni ma'am Lalaine ay may lumapit pang isang babae. "Ma'am ready na daw po si sir Ralph." Sabi nung isang babae. "Okay, this way ma'am Rossy" Sinamahan ako ni ma'am Lalaine sa office nung CEO at pagpasok namin doon ay nakatayo siya at nakaharap sa salamin na bintana. May hawak siyang tasa ng kape. Nang mapansin niyang nasa likuran niya kami ay humarap siya at nagulat ako sa nakita ko. Is it?. No. Nagkakamali lang siguro ako ng tingin pero, bigla itong ngumiti. "Good morning" Masiglang bati nito sa amin. How come he didn't recognize me? "Sir, this is Ms. Rossy Madrigal" "Alright. Pwede mo na kaming iwan ma'am Lalaine, thanks" "So Ms. Madrigal, can you tell me something about yourself" "I'm sorry but, are you Renzo Romualdez?" "Oh, you know my brother?" Napangiti siya ng dahan dahan sa akin. "He didn't mentioned he had a brother who almost looked like him" "Ah, akala mo ako si Renzo. Haha yes, we we're identical twins so that's why" "Wow" "How did you know my brother?" "Ah, nothing sir. It's a long time ago" "Okay, by the way you're hired" "What? I'm hired?" "Bakit? Ayaw mo ba?" "Ay hindi, gusto po sir pero hindi ko po maintindihan" "Well, I trust my brother's taste on women so yeah, you're hired" "Wait, I didn't say that we became lovers in the past" "You said it just now, Ms. Rossy haha!" Pumunta siya sa isang desk doon at tumuro. "This is your desk, and this is your work load. Tanong lang pag may hindi maintindihan okay? You may start now." "Okay" Nagugulat ako sa mga nangyayari, hindi nagsi-sink in sa utak ko. Naging okay naman ang pag hired sa akin. Ipinaalam ng boss ko yung mga dapat at di dapat gawin sa trabaho at ang sabi niya ay pwede na daw akong magsimula ngayon. Ang hindi ko lang matanggap ay hi-nire niya ako sa trabaho dahil ex ko ang kapatid niya. Grabe akala ko si Renzo talaga iyon, tumalon ang puso ko sa kaba. Nakakainis! sa dinami-dami ng na-applyan kong trabaho, dito pa talaga sa Kumpanya nila. Wala naman akong kaalam-alam na kumpanya pala nila ito. Pakiramdam ko ako lang yung natanggap sa trabaho pero hindi masaya. Pag uwi ko sa bahay ay sinalubong kaagad ako ng kapatid kong si Shantal, siya ay 5 taong gulang na. Namatay si mommy sa panganganak sa kaniya at Iniwan naman kami ni daddy kaya ulila na kami ngayon at ang tanging kumupkop at nag-alaga sa amin ay ang tiyahin naming ubod ng sama ang ugali. "Hi shantal! eto oh, may pasalubong si ate" Inabot ko sa kanya yung box ng brownies na binili ko kanina bago ako umuwi. "Wow! salamat ate!" "You're welcome! pagkatapos mong kainin yan mag sipilyo ka na at matulog ah" "Opo ate" Kinausap naman ako ng tiyahin ko. "Ano?! natanggap ka ba sa trabahong inapplyan mo?!" Padabog na tanong nya. "Opo tiyang, kaka-start ko lang po kanina" "Aba'y mabuti naman! para makatulong ka naman sa mga gastusin dito sa bahay! kung alam mo lang ang hirap ko para makapagtapos ka ng pag aaral at sa pagkukupkop ko sa inyo ng kapatid mo kahit may sariling pamilya akong inaasikaso!" "Hindi ko naman po nakakalimutan iyon eh, susuklian ko naman po yung pag aalaga ninyo samin" "Oh siya! lumayas ka na sa harap ko at naaalibadbaran ako sayo!" Pagkatapos ay nagtuloy na ako sa kwarto namin ni Shantal. Pag tingin ko ay tulog na siya, nahiga ako sa tabi niya. Napa-isip ako saglit. Paano kaya kung nabubuhay pa si mama? siguro masaya kaming pamilya, siguro maayos ang buhay namin, siguro hindi niya hahayaang inaapi-api kami ng tiyahin namin ngayon. Bakit ba napaka unfair ng buhay?. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at ipinahinga ang isip. KINABUKASAN "Bye shantal! magpapakabait ka ah! papasok na ko sa trabaho, mag ingat ka dyan wag kang pasaway kay tiyang Amy baka mapagbuhatan ka nanaman ng kamay. Naiintindihan mo ba 'ko?" "Opo ate. Uwian mo ako ulit ng pasalubong ah" "Oo sige pag uwi ni ate mamaya ah, hintayin mo ko. Huwag ka munang matutulog." -ROMUALDEZ GROUP OF COMPANIES "Good morning sir!" Masiglang bati ko kay sir Ralph at ngumiti naman siya. "Wow! I like the energy, Good morning din. Uhm, Rossy paki-timpla mo naman ako ng kape please" "Sure Sir, just a minute" Kinuha ko na yung coffee mug at lumabas na ng CEO's office para magtimpla ng kape. Napaghandaan ko na iyan, magaling akong magtimpla ng beverages eh. Pagkatapos kong magtimpla ay inabot ko na kay Sir yung kape niya habang nagbabasa siya ng dyaryo. Bumalik na 'ko sa desk ko at itinuloy ko na yung mga papers na pinapaayos sa 'kin pero tinignan ko siya saglit. Pag inom niya ng kape ay agad nyang nabitawan yung dyaryo. "Uhmm... masarap ah, pwede bang from now on ikaw na lagi magtimpla ng kape ko Rossy?" "Sure Sir, no problem" "Thank you, hindi talaga ko nagsisi na hi-nire kita." Napangiti nalang ako sa sinabi ni sir Ralph. Ralph's Pov: I'm Ralph Romualdez , the younger brother of Renzo and I'm the CEO of Romualdez Group of Companies. Sa tingin niyo, bakit sa'kin napunta ang kumpanya imbis na kay kuya?. Simple lang, mas gusto kasi ni kuya na siya nalang ang pumupunta sa mga business trips ni Daddy at si Daddy ayun, nandoon lang sa bahay. Pa-golf golf lang, pa-relax relax habang kami naman ni Kuya ang tuma-trabaho sa mga naiwan niyang trabaho sa kumpanya at business trips niya. Well, deserve naman iyon ni Daddy dahil ang tagal na panahong niya ring pinaghirapan at pinagsikapang mabuo ang kumpanyang ito, mabigyan lang kami ng magandang kinabukasan ni kuya. Kaya ko naman hi-nire si Rossy ay dahil sa tingin ko ay mabait naman siya at saka take note, na naging sila dati ni Kuya hmm, I want to play Cupid. Parang gusto ko silang paglapitin ulit. Siya na siguro ang dahilan kung bakit hanggang ngayon wala pa ring girlfriend si kuya. Hindi ko naman masisisi yung kapatid ko na iyon eh ang ganda rin naman kasi ni Rossy. Mabait, matalino, maputi at sexy at ang pinaka importante sa lahat ay nagagawa niya yung mga pinapagawa ko ng walang labis at walang kulang. She's perfect for a CEO's Secretary. I think she really deserves this job. "Sir una na po ako." "Sige ingat. Paki ayos ulit 'tong ibang files para sa market bukas ah and please print the catalogue, para maipamahagi na natin sa mga investors at share holders " "Opo Sir." -Sa Bahay Nakasalubong ko si Kuya. "Oy kuya! kumusta yung business trip mo?" "Ayos naman, bakit?" "You wouldn't believe what I've just found.." "What is it?.." "Not what, but who" "Ralph! pagod ako, kung ayaw mong sabihin edi huwag!" "Sungit mo naman! I just found your past lover. Remember, Rossy Madrigal?." Nagpantig yung tenga niya. "Ano kamo? s-si Rossy?" "Oo bakit?" "You know, I have a proposal to you. Baka pwedeng ikaw na muna ang mag take over sa mga business trips ni Daddy, palit muna tayo ng trabaho." "Whoa. Kuya haha ang bilis mo ah narinig mo lang si Rossy, nagkakaganyan ka? Mukhang malaki talaga ang impact ng babaeng iyon sa'yo ah" "Ibigay mo na sa'kin 'tong chance na 'to bro. Magpalit naman tayo oh, diba matagal mo nang gustong pumunta sa mga business trips ni Daddy?. Gusto ko sana ako naman ang magta-trabaho sa kumpanya ngayon." "Oh sige, kakausapin ko si Daddy sayang hindi ko na tuloy matitikman yung masarap na kape ni Rossy. Kuya, tapatin mo nga ako, mahal mo pa noh? uy! aminin haha!" "Sira ulo! hindi ko na mahal ang babaeng iyon! Gusto ko lang gumanti." "Oy, hindi ko gusto yang binabalak mo ah. Anong ganti ganti yan?" "Basta wala naman akong gagawing masama kay Rossy eh. It's between me and her, kaya wag ka nang makialam" "Basta kuya ah, wala kang gagawing masama sa kanya ah" "Oo na! magpapanggap lang naman ako na ikaw eh!" "Goodluck sayo! haha! Naku hindi ubra yan sa opisina ko. Hindi ako masungit eh, ikaw masungit ka eh! baka magtaka si Rossy nyan!" "Tss! bahala ka na nga dyan!" Sa sobrang asar ni kuya sa akin ay napaakyat nalang siya ng hagdan habang hinihilot ang sintido niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
139.7K
bc

His Obsession

read
91.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
182.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
28.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
12.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook