Kabanata 1

1518 Words
20 YEARS AFTER "Elijah, you have a client meeting later exactly at 2 pm. After that, you have a scheduled meeting with Mr. Llanares for his proposed plan for the expansion of the market," ani Penelope habang nakayuko at nakatingin sa folder na hawak niya.  "Please cancel all my meetings after lunch, Pen," masuyong utos ni Elijah sakaniya. Na para bang hindi pinagisipan ng maigi ang desisyon. Agad na nag-angat ng tingin si Penelope sa boss niyang si Elijah. Napakagwapo talaga nito. Ito ang perpektong deskripsyon ng isang anghel na bumaba sa lupa. Elijah is tall and white. Makapal ang buhok at ang kilay. He has a gray pair of eyes. Matangos ang ilong at tila mas kissable pa ang labi kaysa sakaniya. At hindi lang ito basta magandang lalaki, napakabait din nito at mapagkumbaba. Napakahumble at kailanman ay hindi tinuring ang sarili na mas nakakataas sa iba. At habang ngayon nga ay hindi siya makapaniwala na secretary na siya nito. Ilang taon na rin siyang secretary ni Elijah. Almost four years na rin. Simula nang grumaduate siya sa kursong Business Management, nagapply na siya agad bilang secretary nito. Kung tutuusin ay may sarili silang kompanya at mayaman din sila, pero dahil gusto niyang mapalapit kay Elijah at dahil lihim niya itong minamahal ay pinagkasya niya ang sarili maging secretary nito, kahit ang kapalit nito ay ang pagtakwil sakaniya ng magulang at pagtanggal ng mana sakaniya. Bata pa lamang siya ay minahal na niya si Elijah. Nagsimula ang paghangang iyon noong iligtas siya nito sa mga batang nangbu-bully sakaniya noon. Simula noon, ay naging curious na siya rito at laging inaalam ang nangyayari rito. Nakatira lamang sila sa iisang subdivision. Hanggang sa paglaki nila ay nag-aral din siya sa University kung saan ito nag-aaral dahil gusto niyang masubaybayan ito.  Alam niya, hindi siya kilala ni Elijah maliban sa mukha niya. Hindi rin siguro nito alam na magka-schoolmates sila noong Kolehiyo. Graduating na ito noong college at siya naman ay nasa Senior High. Mas matanda ito sakaniya ng limang taon. Pero hindi naging hadlang ang kanilang edad para mahalin niya ito ng lihim. Si Elijah ang naging motivation niya sa lahat ng bagay. Naririto kasi ang lahat ng gusto niya sa isang lalaki. May isang salita ito at talagang mapagmahal sa kapwa. Iyon lamang, alam niyang kapatid lang ang tingin sakaniya ni Elijah at kahit kailan ay hindi siya nito magugustuhan at makikita bilang isang babae. Pero masaya na rin siya, dahil masasabi niyang close na sila nito at pinagkakatiwalaan siya. Hindi naman na nito kasalanan kung hindi siya nito type. "But why cancel your meetings? Alam mo naman kung gaano ka-importante ang appointment mong ito, Elijah. Ilang buwan nating pinagplanuhan ang meeting na ito, tapos ika-cancel mo...?" Hindi makapaniwalang bulalas niya. Bumuntong-hininga si Elijah. "Yeah, I know that, Pen. At alam ko ang matinding effort ng team dito, but please, cancel my meetings and reschedule it,"  Hindi siya nakatiis at nagtanong. "But why, Elijah?" Noong una, hindi pa siya sanay na tawagin ito sa first name basis. Pero ito na rin ang nagpumilit sakaniya na tawagin niya itong Elijah lang. At inaamin niyang gusto niya 'yon. Iba ang naging ngiti sa mukha ni Elijah. Kumislap ang mga mata nito. At kinakabahan si Penelope sa itsura nito ngayon. Alam niya hindi niya magugustuhan ang sasabihin nito... pamilyar na ang ganitong eksena sakaniya. Hindi na bago ito. "Avery is back, Pen. At sinabi niya saaking gusto niya kaming magkita. I missed her so much. Siguro, tatanggapin na niya ang pag-ibig ko?" Nangangarap ang mga mata ni Elijah. At aaminin ni Penelope na napakasakit nito sakaniya.  Parang may kutsilyong sumaksak sa dibdib niya. Gustong manubig ng kanyang mga mata pero abot-abot ang pagpipigil na ginawa niya. Ayaw niyang umiyak sa harapan nito. Ayaw niyang makita nito ang pagdadalamhati ng puso niya. For pete's sake! He is not even her lover!  Tila kakausapin siya ng hininga. Napahawak siya ng mahigpit sa folder na hawak na tila doon kumukuha ng lakas para hindi matumba. "A-Avery... is... b-back?" Kilala niya si Avery.   Si Avery ang first-love ni Elijah. And will be always her. Noon, hanggang ngayon, si Avery ang babaeng minamahal ng binata. Kababata ito ni Elijah at sa iisang school lang din sila nag-aral.  Avery is very popular back then. Wala yatang lalaking hindi magkakagusto rito. Lagi itong laman ng mga beauty contest. Idagdag pang matalino ito at napaka-attractive. Si Avery ang babaeng kabaligtaran niya.  At aaminin niyang naiinggit at nagseselos siya kay Avery. Dahil mahal na mahal ito ni Elijah. Minsan, hinangad niya sa buhay niya na sana siya nalang si Avery. Siguro, napakasaya niya kung siya ito.  Pero hindi, siya lang si Penelope. Ang babaeng tahimik, weirdo at mahiyain. Walang confidence sa sarili. Wala siyang maipagmamalaki sa sarili niya, she's not popular, she's weak at kung pagtatabihin sila ni Avery para lamang siyang basahan dito. Siya iyong tipo ng babae na hindi bibigyan ng pangalawang lingon ng mga kalalakihan. At wala namang kaso 'yon sakaniya. Ang atensyon at pagibig lamang ni Elijah ang gusto niya. Pero alam niya... isang suntok sa buwan 'yon. "Yes, she's back. And this time, hindi ako papayag na hindi niya ako mahalin, Pen. Naniniwala akong siya ang babaeng para saakin. At mas mahalaga siya kaysa sa kung anumang business transcation 'yan,"  Napalunok si Penelope at muli, naramdaman niya na parang may kamay na dumakot sa puso niya. Kaunting-kaunti na lamang ay mapapahagulgol na siya.  "P-Pero, Elijah... importante ang meeting na ito. Maraming mga nakasalalay na kontrata at trabaho ng mga empleyado rito. Kung ika-cancel mo lang, paano kung hindi na sila muling pumayag at sa iba ibigay ang kontrata?" Nagaalalang tanong niya. Hindi naman sa ayaw niya ang kaisipang dahil kay Avery kaya mapo-postpone ang meeting. Pero dahil nakita niya na ilang buwan na naghirap ang team para sa project na ito. At maaring mapunta sa wala iyon dahil lang kay Avery.  "I know, Pen. Pero mas mahalaga saakin si Avery. Aanhin ko ang meeting, kung muli ay mawawala saakin si Avery? Hindi ako papayag. I shouldn't let her go. Atsaka, ikaw ang unang tao na alam kong susuporta saakin at sa desisyon ko. Pero bakit ngayon, sinasalungat mo ako?" Parang nagdadamdam na tanong nito. Napabuntong-hininga si Penelope. "You don't get it, Elijah..." "No, it's you who don't get it. Aanuhin ko ang pera, kung hindi ako masaya? Matayog nga ang kompanya ko, pero winala ko naman ang tyansa na mapasaakin ang babaeng mahal ko?" "Elijah, kung talagang mahal at pipiliin ka ni Avery, gagawin niya 'yon araw-araw. Hindi mo kailangan ipagpaliban ang meeting mo..." Pilit na paunawa niya rito. Masamang-masama ang loob ni Elijah na tumingin sakaniya. "I'm disappointed, Pen. Akala ko, susuportahan mo ako at magiging masaya ka para saakin. Pero hindi, trabaho mo pa rin ang iniisip mo. Wala kang ibang iniisip kundi ang trabaho mo. Minsan naiisip ko bakit ganyan ka ka-dedicated sa trabaho mo?" Inis na sabi nito. "Elijah, sinusuportahan kita sa desisyon mo. Pero hindi sana ngayon, napakaimportante nito... alam mo 'yan. At hindi ko iniisip ang sarili ko, kundi ang team. Ang mga tao mo. Ayaw kong may masabi silang pangit sayo," malumanay na paliwanag niya. Pero sarado na ang isip ni Elijah. Basta kapag ang usapin ay tungkol kay Avery, sarado ang tenga niya sa paliwanag ng iba.  Hindi na tuloy napigilan ni Elijah ang magsalita ng hindi maganda. "No, you only think of yourself. Your job. Hindi mahalaga saiyo ang kaligayahan ko. Akala ko pa naman gusto mo na masaya ako. Bakit pa nga ba ako magtataka? Hindi mo ako kailan maiintindihan. Hindi mo kailanman maiintindihan ang damdamin ko, dahil hindi mo alam ang salitang pagmamahal," madiing sabi nito. Napaawang ang mga labi ni Penelope. Siya pa nga ngayon ang hindi makaintindi? Nasaktan siya sa sinabi ni Elijah. At nag seryoso siya ng mukha. "You don't know what you're talking about, Elijah." Nasabi na lamang niya. "I know. Hindi mo ako kailan maiintindihan dahil hindi ka pa naman nagmamahal," galit na sabi nito ngunit hindi naman sa mataas na boses. Doon kumawala ang mga emosyong pinipigilan ni Penelope. Kung alam lang nito... kung alam lang nito. "How well you judged me, Elijah. Ikaw ang hindi mo alam ang sinasabi mo. Sino ka para sabihing hindi ko alam ang salitang pagmamahal? Ikaw 'yon, Elijah! Hindi mo alam ang salitang pagmamahal dahil masyado kang bulag sa isang huwad na pag-ibig. Na tipong hindi mo na nare-realize ang efforts na ginagawa sayo ng ibang tao. Dahil nakafocus ka lamang sa iisa. Don't worry, ika-cancel ko ang meeting mo. Malaya ka nang makakapunta kung saan mo man gustuhin. Good day, Mr. Rosselli," seryosong wika niya.  Isang panibagong pakiramdam sakaniya ang muling tawagin ito sa apelyido nito. Hindi na niya matandaan kung kailan niya pa ito huling tinawag ng ganoon.  Basta ang alam niya, masamang-masama ang loob niya kay Elijah ngayon. At sa unang pagkakataon, ay nagaway at nagkasagutan sila ng binata. Dahil pa kay Avery. Hindi na kumibo si Elijah at madilim ang mukhang nilisan ang opisina. Nang makaalis ito, ay nanghihinang napahawak si Penelope sa dibdib. Be still, my heart...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD