Kabanata 2

1449 Words
MASAYANG-MASAYA ngayon si Elijah. Sinabi kasi sakaniya ni Avery na papayag na itong manligaw siya rito. Sulit naman pala ang pagka-cancel niya ng meeting noong nakaraang araw, dahil pakiramdam niya ay dinaig niya pa ang nanalo sa lotto. Bata pa lamang sila, ay mahal na niya si Avery. Ang ama nito ay kasosyo sa negosyo ng kanyang amang si Elkanah Rosselli, isang tanyag na businessman. Nagkakilala sila ng babae at simula noon ay tuwing dadalaw ang ama nito sakanilang mansyon, kasama ang batang si Avery. Iisa rin sila ng University na pinagtapusan. Noon pa man ay sikat na ito sa mga lalaki dahil sa angking kagandahan nito. Noon pa man ay gusto na niya si Avery ay mas lalong tumindi iyon ngayong pagtanda niya. Si Avery ang babaeng pangarap niya at ito lang ang paniniwalaan niyang para sakaniya. Ngunit pagkatapos nilang grumaduate ng College, tumulak kaagad ang babae patungo sa Paris at doon ay naging isang modelo.  Isang international model na ngayon si Avery at natatakot siya na baka mas lalong hindi nito mapansin ang pag-ibig niya.  Hindi naman siya naging malihim sa pagtingin dito at talagang inamin sa dalaga na gusto niya ito. At noong isang araw nga ay pinayagan siya nitong ligawan niya ito!  Napakasaya niya. Sulit na sulit ang pagcancel niya ng mga meetings. Malakas ang loob niyang magiging sila rin ni Avery. Kailangan niya lang ipakita rito kung gaano niya ito kamahal. Pasipol-sipol pa siyang lumabas ng elevator at nakangiting naglakad patungo sa private office niya. Nakita niya ang secretary niyang si Penelope na ngayon ay yukong-yuko at busying busy sa trabaho. Napatingin siya sa pambisig na relo. Napakunot-noo. Wala pang alas otso pero naunahan pa siya nito sa pagpasok sa office, what's more, nagtatrabaho na kaagad ito! Papansinin niya sana ito ngunit naalala niyang masama nga pala ang loob niya rito dahil hindi siya nito sinuportahan noong isang araw. Hindi niya rin ba alam kung bakit napakaseryoso at dedicated ni Penelope. Nagpapasalamat naman siya roon dahil wala siyang marereklamo rito. Matalino, mabait, maasahan at talagang magaling na empleyado. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa opisina at nadaanan ang mesa nito. Hindi niya ito tinignan. Gusto niyang iparamdam dito na masama pa rin ang loob niya. Ito ang hindi nakatiis at binati siya. "Good morning, boss." Walang emosyong bati nito. Gustong mapasimangot ni Elijah. At kailan pa siya nito tinawag ng boss? Mukhang galit pa rin yata sakaniya si Penelope. Pero diba, dapat siya ang mas magalit? Tumango lang siya at hindi ito pinansin. Nakita niya na napakagat-labi ito. "Y-You want coffee, sir?" Tanong nito. Kanina boss, ngayon naman sir. Ano ang susunod? Boss amo? Huminga siya ng malalim. "Yes, please." Sumunod agad si Penelope at nagtimpla ng kape. Dare-daretso na siyang pumasok ng private office niya at binagsak ang katawan sa swivel chair.  Napakunot-noo siya nang makitang walang folder o papeles sa mesa niya. Doon pumasok si Penelope at dala ang umuusok na kape. "Thanks," sabi niya nang iabot nito ang kape. Sumimsim siya ng timpla nito. Ito pa ang gusto niya kay Penelope. Kuhang kuha nito ang timpla na gusto niya. Ayaw niya ng kape na matapang, gusto niya 'yung creamy. At napakasarap nito magtimpla. Pupurihin sana niya ito kaso naisip niyang masama pa rin pala talaga ang loob niya rito. Nagyuko ito ng ulo at lumabas na sa opisina niya nang may maalala siya. "Wait lang, bago ka umalis... nasaan ang mga papeles dito? Bakit ang linis ng mesa ko?" Nagtatakang tanong niya. "Ah, iyon ba? Tapos na kasi 'yung iba. Iyong iba naman, tinapon ko na kasi ayaw mo ng magulo, hindi ba? 'Yung nagcancel ka ng meeting, tinapon ko na ang mga papeles," walang emosyong sagot nito. Napakunot-noo siya at dahil wala nang maisip sabihin ay tumango na lamang siya. Tuluyan nang lumabas ang dalaga sa opisina niya. Naamoy niya pa ang pabango nito na hindi niya alam kung galing sa buhok nito o katawan. Basta ang alam niya, he likes her scent.  ~ PARANG KAKAPUSIN si Penelope ng hininga pagkalabas ng private office ni Elijah. Napasandal pa siya sa pinto ng office nito at napapikit. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib niya. Ilang araw na silang hindi nagpapansinan ni Elijah at aaminin niyang masakit iyon sa kalooban niya. Muli siyang bumalik sa pwesto at sinubsob ang ulo sa trabaho. Hindi pala siya pwedeng magdrama. Marami pa siyang gagawin at kailangan habulin.  Hindi tuloy namalayan ng dalaga na lunch break na pala. Naistorbo lang siya nang magsalita ang kaibigan niyang si Leah sa harap niya. Kaklase niya ito noong College at sabay silang nagapply sa kompanya. Nasa Marketing Department nga lang ito.  "Hoy, babae! Aba, balak mo na ba patayin ang sarili mo sa gutom? Lunch break na, 'uy!" Malakas na talak nito sakaniya. Napaangat siya ng tingin. "N-Naku, mauna ka na, Leah. Hindi pa ako gutom..." Sabi niya at muling sinubsob ang mukha sa trabaho. Napaangat ang isang kilay nito. "Hindi pa gutom?"  At dahil traydor ang kanyang tiyan, kusang tumunog iyon. Tumawa ng nakakaloko sakaniya ang kaibigan. "Iyan pala ang hindi gutom, huh? Hoy, babae, kumain ka. Kahit isubsob mo ang mukha mo r'yan sa tranaho mo, hindi ka mapapansin ng prince charming mo," pangaasar sakaniya ni Leah. Namula ang buong mukha ni Penelope. "A-Ano ba ang pinagsasabi mo r'yan?" "Sus, huwag ka na ngang magdeny pa!  Halatang halata ka, Pen! Alam kong ginagawa at pilit mong tinatapos ang trabaho ni Boss, dahil nawala ito ng ilang araw at nagcancel pa ng meeting. Aba eh, kulang nalang patayuan kita ng rebulto. Alam ba n'yang napakaaga mo pumapasok at late na late na umuwi, matapos lang ang naiwan niyang trabaho? Hindi na uso ang martir ngayon, 'oy. Gumising ka, kahit ano pang gawin mo, hinding hindi ka makikita ni Boss Elijah. Bulag yata ang boss nating 'yan!" Mahabang talak ni Leah. Napakagat-labi si Penelope. Ganoon nga ba talaga siya ka-obvious? At masakit sakaniya na manggaling sa ibang tao na hindi talaga siya mapapasin kahit kailan ni Elijah. "Hay naku, Pen! Please naman, kumain ka na. Kahit saglit lang. Hindi na kita aasarin. Just please, take care of yourself. Kung hindi ka mamahalin ni Boss, hindi talaga kahit anong pagpapapansin ang gawin mo,"  Napabuntong-hininga si Penelope at wala na ngang nagawa kundi patayin ang desktop niya at sumama maglunch sa kaibigan. Samantala, si Elijah naman ay sakay ng elevator pababa. Pupuntahan niya ngayon si Avery at nagsabi siyang kung pwede silang mag-lunch. Pumayag naman ang dalaga na sa labis niyang ikinatuwa. Sakto namang pagdating sa susunod na floor ay pumasok si Mr. Llanares sa elevator. Gustong mailang ni Elijah dahil nahihiya rin siya rito kahit papaano. Pero nagulat siya na ngiting-ngiti pa ito sakaniya. "Good day, Mr. Rosselli. Salamat naman at nakita kita ulit. I must say the contract is perfect. Ikaw na yata ang nagbigay saakin ng kontratang pinakanagustuhan ko. Straight to the point at parehas tayong magbe-benefit. I'm looking forward to our next transactions," masayang bungad nito. Napuno ng kalituhan ang mukha niya. Hindi siya makarelate sa sinasabi ni Mr. Llanares.  Tila naintindihan naman nito ang nasa isip niya. "I'm talking about the contract and our deal. The presentation is so good. Naiintindihan ko kung bakit hindi ka nakarating saating meeting. Sinabi saakin ng secretary mo na may trangkaso ka at dahil ayaw mong mapahiya saakin ay siya ang inutusan mo para kumaharap saakin. I really appreciate what you did. Hindi mo sinayang ang oras ko. And yes, I like your secretary. Napakagaling magsalita at magpresent. She deserves a bonus, you know." Sabay kindat nito sakaniya. Nanginig si Elijah sa narinig. Si... Penelope? Tinuloy nito ang meeting without his permission? Tinuloy nito ang meeting para sakaniya...? Pakiramdam niya ay naalog ang sistema niya. Hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ni Penelope.  Tinapik pa siya ni Mr. Llaneres. "Don't worry too much. Kahit wala ka sa meeting na 'yon, nagawa ng secretary mo ang lahat. Parang ikaw nga siya eh. And I'm okay with our deal. The most deal that I've got in my entire life. I also wished I could have a secretary like Ms. Domingo," tila naiinggit pa na sabi nito. Hanggang sa nakarating silang ground floor ay hindi makapagsalita si Elijah. Nagpaalam na sakaniya ang matanda. Tinaungan na lamang niya ito. Elijah is literally out of words. Hindi niya alam... na gagawin ni Penelope ang ganoong bagay para sakaniya.  Naalala niya ang sakit na bumalatay sa mukha nito noong nagkasagutan sila. Frustrated na napasabunot ng buhok si Elijah. Kaya ba wala na siyang trabaho sa desk niya? Kaya ba halos hindi na ito magkaundagaga sa trabaho nito? Pero bakit gagawin ni Penelope ang ganoong bagay?  Isa lang ang naisip niyang gawin ngayon.  He needs to say sorry to Penelope...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD