Kabanata 3

2285 Words
KINABUKASAN, ang nais ni Elijah na humingi ng tawad kay Penelope ay agad na nawala sa isipan nito nang tumawag si Avery sa binata. Abot hanggang tainga ang ngiti ni Elijah nang sagutin niya ang tawag ng babae. "A-Avery?" parang mahihimatay pa si Elijah sa sobrang kilig sa pagtawag ng babae. "Hi, Elijah. Free ka ba ngayon? Nasabi ko na kasi kay Dad na sasamahan mo siya, mag-go-golf kasi siya ngayon," anito sa kabilang linya. Napalunok si Elijah. May meeting siya tungkol sa expansion nila. At importante 'yon. Hindi rin naman nagabiso ng maaga si Avery na isasama siya nito. Hindi rin siya nito tinanong kung libre ba siya ngayon. Pero dahil wala siyang hindi gagawin para kay Avery, pikit matang tumango siya kahit may importanteng meeting siya ngayon. Hindi siya dapat manghinayang. Meeting lang 'yon. Ang pera ay kinikita. Ngunit ang tyansa na mapasagot niya si Avery ay hindi. At ngayon ay ito pa mismo ang nag-i-initiate para mapalapit siya sa ama nito. He should grab this opportunity. "Ah... y-yes. I'm free today, Avery," Tumulo ang pawis niya sa noo pagkasabi n'yon. Naramdaman niya ang pag-ngiti nito sa kabilang linya. "Great! Thanks, Elijah. Sabi ko na nga ba eh, hindi mo ako bibiguin. Ite-text ko na lang sayo 'yung place kung saan ka pupunta. 11 am dapat nandoon ka na, ha,"  Tumingin si Elijah sa pambisig-relo. Mag na-nine pa lang ngayon. May dalawang oras pa siya.  "Alright, take care, Avery," Hindi sumagot ang dalaga at binaba na ang tawag. Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa sobrang kilig. Alam niya, ngayon ay may pag-asa na siya sa dalaga. Nararamdaman niyang magiging sila na ni Avery. Ang babaeng iniibig niya. Noon hanggang ngayon. Tuluyan na ngang nakalimutan ng binatang si Elijah ang paghingi ng tawad kay Penelope.  Pumasok si Elijah sa private office niya at tumingin sa wardrobe niya. Mayroon kasi siyang maliit na closet doon. At nakalagay ang mga damit niya. Minsan kapag hindi siya nakakauwi o kakailanganin niya ng bagong coat and tie. Kaya naman ngayon ay mas pinagpapasalamat niyang may ganoon siya sa office, kaya matitiyak niyang gwapong-gwapo siyang makikita ni Avery. Sinuot nga ng binata ang pinakamahal at pinakamagandang suit and tie nito. Pangiti-ngiti pa ito sa harap ng salamin nang ma-satisfied sa itsura. "Tignan ko lang kung hindi mo pa ako gustuhin sa lagay na 'to, Avery," nakangising sabi ni Elijah sa isip. Wala nga yatang hindi magkakagusto sa binatang Rosselli. Si Elijah at ang ama nitong si Elkanah ay parang pinagbiyak na bunga. Baby face ang mukha ni Elijah at mestizo ang datingan. Mukha itong Espanyol at talagang mahahalata naman sa unang tingin na half ito.  Matangkad ang binata at natural na may kulay ang buhok at grey na mga mata. Idagdag pa na likas na mabait, charming at humble si Elijah. Sino nga ba ang babaeng hindi magkakagusto rito? At isa si Penelope sa mga babaeng 'yon. Dinig na dinig ngayon ng dalaga ang pag-uusap ni Elijah at ng kausap nito sa telepono. Alam naman niyang si Avery ang kausap nito.  Kaya naman nanghihinang napasandal si Penelope sa pintuan ng office ng binata. Pagdating talaga kay Avery, lahat ay kayang i-give-up ni Elijah. Nasasaktan siya na ganoon kabaliw si Elijah kay Avery. Pero ayaw niyang sisihin ito. Tulad niya, nagmamahal lang din ito. Katulad niya rin ito, nagmamahal siya sa isang taong walang kasiguraduhan. Nakipkip niya ang dibdib niya. Akala niya, magso-sorry man lang sa kanya si Elijah. Pero hindi. Isang araw na ang nakakalipas ngunit hindi man lang siya nito naalalang kausapin. Lugong-lugo na umalis siya roon at bumalik sa post. Maya-maya ay nakita niyang lumabas ito sa private office nito at dare-daretso palabas sa lobby nang lingunin siya nito. Huli na parang bawiin niya ang tingin. Nakita na siya nito na nakatingin dito.  Jeez, Elijah is a perfect creation of God! Wala yatang kapintasan ang lalaking ito. Kahit saang anggulo tignan, napakagwapo nito. Napakaswerte ni Avery dahil minamahal ito ni Elijah. Gusto man niyang makaramdam ng inggit, ngunit minabuti niyang huwag 'yon maramdaman. "Oh, Pen, before I forgot... please cancel all my meetings today. Hindi na ako babalik ng office," sabi nito. Nanaman? Gusto sanang sabihin ng dalaga. Ilang beses bang magca-cancel ng meeting si Elijah para lamang kay Avery? At hindi ba't kakapasok pa lang nito ngayon? Bakit aalis nanaman kaagad ito? Mga katanungang gusto sana niyang itanong ngunit alam niyang wala naman siyang karapatan sabihin. She's just his secretary. Nothing more. Hindi siya dapat chismosa at nangingialam ng buhay na may buhay. Alam naman ni Elijah na sasalungatin nanaman siya ni Penelope. Kilala na niya ang dalaga. Napakaimportante rito ng trabaho, at hindi nito hahayaan na umalis na lang siya bigla at mag hayahay sa buhay. Pero dahil narinig na ni Penelope ang paguusap nito at ni Avery ay tumango na lamang ito. "Noted, sir," malamig na sagot nito. Ikinakunot ng noo 'yon ni Elijah. At kailan pa natuto si Penelope na tawagin siyang sir? Hindi sanay ang binata na ina-address siya ni Penelope ng sir, boss o kahit ano pa mang tawag. Sanay siyang tinatawag siya nitong Elijah. Pinagkibit-balikat na lang niya 'yon. Mas maganda nga 'yon. Hindi na nakikialam sa kanya si Penelope. "Thanks, Pen," Hinihintay niyang sumagot ito pabalik. Kasi noon, lagi-lagi hindi ito papayag na hindi ito sasagot sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at nilingon ito. Nakita niyang subsob na ulit ito sa trabaho at hindi na nga siya sinagot. He gritted his teeth in annoyance. Pabalibag na isinara niya ang pinto ng office niya.  Sumakay na siya ng elevator na laman pa rin sa isipan ang ginawa sa kanya ni Penelope. "That woman! Ganoon ba niya kamahal ang trabaho niya para hindi man lang sumagot sa akin ng pabalik? Hindi man lang magsabi ng okay sir, ingat sir, sobra namang workaholic ng babaeng 'yon!" inis na sambit ni Elijah sa isipan. Ang hindi nito alam ay parang mahihimatay si Penelope pagkalabas ni Elijah. Pigil pigil niya ang sarili na mag-angat ng tingin. Ayaw niya kasing malaman ni Elijah na sobrang apektado pa rin siya sa naging sagutan nila. Idagdag pa na alam niyang si Avery lang naman ang pupuntahan nito ngayon. Ayaw niyang sumagot kay Elijah dahil natatakot siyang manginig ang boses niya at malaman nito ang tunay na nararamdaman niya ngayon. Hinawakan niya ang dibdib at huminga nang malalim. "Pen, brace yourself. Kaya mo 'to. Please... makisama ka naman, oh? Kaya mo. Ilang beses mo naman nang nakikitang nagpakabaliw si Elijah para kay Avery, wala nang bago rito, diba?" parang tanga na kausap ng dalaga sa sarili. Inabala niya ang sarili sa pagta-trabaho. Nawala rin tuloy sa isipan niya na i-cancel ang meeting ni Elijah mamayang 11 am. Samantala, nakarating na si Elijah sa lugar na tinext ni Avery. Isa 'yong golf center. At high-end ang lugar na 'yon. Mga kilala at big time na mga tao lamang ang naglalaro roon. But knowing Avery's father, na isang tanyag na businessman, walang kataka-taka roon. Tumawag sa kanya si Avery. Agad naman niyang sinagot 'yon. "Hey, Elijah. Where are you? Nandito ka na ba? You know na ayaw ni Dad nang na-la-late,"  Totoo 'yon. Ayaw na ayaw ng ama ni Avery ng mga taong walang salita at na-la-late. Ganoon nga yata talaga kapag isang businessman. "Don't worry, I'm already here," Narinig niya ang pagtawa nito sa kabilang linya. "Oh, I know that you won't disappoint me. Kahit kailan ay hindi ka pa na-la-late kahit saan mang bagay. Punta ka na sa entrance, sasalubungin kita," "Alright," Ibinaba na nito ang tawag. Ganoon sila ni Avery. Ito lagi ang nagbababa ng tawag. Hindi niya kasi kaya ang kaisipang siya ang unang magbababa ng tawag. Pakiramdam niya ay masasaktan niya si Avery. Pinark niya ang kotse sa tinuro sa kanya ng guard at tinignan muli ang sariling repleksyon sa salamin. Nang masigurong magwa-gwapuhan na sa kanya si Avery, ay ngiting ngiti na lumabas siya ng kotse patungo sa entrance. Nakita niya si Avery. In her tight fitting dress. Napakaganda talaga nito. Bagay na bagay talaga rito ang pagiging international model. Alam niya, abot hanggang tenga na ang ngiti niya. Ano ba ang magagawa niya? Mahal na mahal niya si Avery. "Elijah!" kumaway ang dalaga. "Hi, Avery," Ngumiti siya. Umangkala naman sa braso niya ang isang kamay nito. Agad siyang kinilig sa ginawa ng dalaga. Pagdating talaga kay Avery ay parang nagiging teenager siya sa mga pinaparamdam nito sa kanya na damdamin. "Nandoon na sa loob si Dad, hinihintay ka. Shall we?" "Of course, let's go," Isa pa 'yon sa nagustuhan niya sa dalaga. Napakasopistikadang babae nito. Para itong ina niyang si Louisse. Avery giggled at hinila na nga siya papasok ng golf center. Nang makita niya ang matanda ay nagmano siya rito. "Magandang umaga po, Mr. Miranda," bati niya sa ama ni Avery. Natuwa naman sa kanya ang matanda. Ka-edaran ito ng ama niya. "Minsan, kailangan ko pang manigurado para malaman ko kung ikaw ba talaga o si Elkanah ang kaharap ko ngayon. Diyos ko, wala kayong pinagkaiba! Para kayong pinagbiyak na bunga!" Ngumiti siya.  "Anyway, naglalaro ka naman siguro ng golf, ano?" Namutla si Elijah sa narinig. Never pa siyang nakapaglaro ng golf. Hindi naman kasi siya mahilig sa sports. At kahit ang kapatid niyang si Jakob na naglalaro man ng sports, pero hindi rin golf ang hilig. Pero kapag sinabi niyang hindi siya naglalaro, tiyak na hindi na siya nito isasama sa susunod na laro nito. At ayaw niya 'yon! Kailangan niyang mapalapit sa matanda. Kailangan siyang magustuhan nito at makuha ang basbas. "Ah... eh... nakasubok na po ako noon. Pero dahil sa sobrang busy na po sa opisina, hindi na nakapaglaro ulit," dahilan niya. Natuwa ang matanda. "Is that so? Walang problema! Once na naka-try ka na mag-golf, hindi na magiging bago sayo ang susunod na laro. Kailangan mo lang ng practice, ako muna ang unang titira, pagkatapos ay subukan mo," Naging doble ang t***k ng puso ni Elijah sa sobrang kaba. Sa opisina naman ay gulat na gulat si Penelope dahil naririto ang ka-client meeting ni Elijah. Nawala sa isipan niya na pina-cancel nga pala ni Elijah ang meeting! Mangiyak-ngiyak si Penelope sa post niya. Ten minutes from now, magsisimula na ang meeting. Naroroon na sa meeting room ang mga kliyente. Parang gusto na lang maglaho ni Penelope ng mga oras na 'yon. Kung bakit naman kasi nakalimutan niyang i-cancel 'yon! At kung bakit ba kasi kayang ipagpalit ni Elijah ang meeting para kay Avery! Nag-aalalang tinignan siya ni Leah. "Ano nang gagawin mo, Pen? Diyos ko, ako ang kinakabahan para sayo! Sabihin mo na lang kaya pina-cancel ni Boss ang meeting? Eh totoo naman, diba?" "Leah, hindi pwe-pwede!" "At bakit?" "Hindi... hindi na sila uulit makipagdeal sa atin. Mawawalan sila ng tiwala kay Elijah. Isa pa, kasalanan ko ito. Naging absent-minded ako kanina," Napahinga nang malalim si Leah. "Oo nga't nakalimutan mong i-cancel. Pero kasalanan pa rin ni Boss kasi last minute, nagpapa-cancel siya? Sobrang nakakahiya sa mga kliyente, baka ban na tayo sa susunod sa mga 'yan," Isa 'yon sa pinagaalala ng dalaga. Kung ganoon, liliit ang connections ni Elijah, at baka magkaroon pa ng rumors dito. Tumayo siya at determinadong naglakad patungo sa meeting room. "Oy, saan ka pupunta?!" "Sa meeting room," "Sasabihin mo?" "Hindi," "Eh anong gagawin mo 'ron? Naloloka na ako sayo!" sigaw ni Leah. Huminga siya nang malalim. It's now or never. "Ako ang haharap at magpre-present sa kanila. Hindi na bago sa akin 'to. Ilang beses ko nang ginawa 'to, diba?" Nalaglag ang panga ni Leah. "Pero... hindi sila basta bastang kliyente, Pen! Maghunos-dili ka!" "Wish me luck, Leah," Leah let out a bitter chuckle. "Ganyan mo ba kamahal si Mr. Rosselli para pasanin ang problema na dapat siya ang humaharap? Sana... sana, Pen, alam mo ang worth mo," malungkot na sambit ng kaibigan at iniwan na siya. Napakunot-noo si Penelope at hindi na nag-isip pa. Tuloy tuloy siyang pumasok sa meeting room. Lahat ay napako sa kanya ang tingin. Pinakawalan niya ang bigat sa dibdib. Kaya niya 'to. Kaya niya. Para kay Elijah. "Good morning, gentlemen. Kinalulungkot kong sabihin na hindi makakarating ang boss ko ngayon sa meeting. He is not feeling well," Nakarinig agad siya ng bulong-bulungan. "Nahihiya ho ang boss ko sainyo at ayaw niyang sayangin ang oras at effort niyo. Kaya naman inatasan ho niya ako na mag-present sainyo. Kung bibigyan niyo ako ng pagkakataon mag-lahad sa harapan..." magalang na hingi niya ng permiso. Kita niya ang galit na lumarawan sa mukha ng mga ito. "What? Lately, lagi na lang masama ang pakiramdam niya, ah?" "He's so unprofessional! Making us wait here, nakakadisappoint!" "What can a secretary like you... can do? You're not the boss! I want your boss!" Napapikit si Penelope at nakipkip ang hawak na folder.  "Hey, guys, try to be understanding. Lahat naman tayo ay dumadating sa punto na sumasama ang pakiramdam. We're not immortals. Be thankful na ayaw pa rin ni Mr. Rosselli na masayang ang oras natin kaya kahit hindi niya kaya ay ang secretary niya ang pinapunta niya..." sabat ni Mr. Llanares na kasama sa mga kliyente. Natigilan naman ang lahat. Tila napahiya. "Okay, naroroon na tayo sa masama ang pakiramdam... pero sana, sinabi kaagad. Ano ang aasahan natin sa isang secretary?" nanghahamak na tinignan pa siya. Napayuko si Penelope. "Hey, hey, hey. You all being to harsh on this young lady. Bakit hindi niyo siya hayaan mag-presenta sa atin? I'm sure, hindi niya tayo bibiguin. Ms. Domingo is not just a pretty face, but very smart too! Come on, Ms. Domingo. Show us what you've got," Wala na ngang nagawa ang ibang kliyente. Napangiti si Penelope at huminga nang malalim. Kaya mo 'to, Penelope! Pagpapalakas niya sa loob niya. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD