Diana Mabilis akong tumalikod at nilisan ang harapan ng silid niya. Pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi. Hindi ko matanggap ang ginagawa niya sa aking ito ngayon. Ipinadukot niya ako, sinira ang kasal ko, ikinulong sa lugar na ito at inaangkin pero ganito, nilagyan niya ng boundary ang pagitan naming dalawa. Ano bang itinatago niya sa silid na 'yon? Bakit ayaw niya akong papasukin? Hindi kaya may inililihim siya sa akin? Bigla akong napalingon sa bar room nang madaanan ko ito. Kaagad akong nagtungo doon at sinubukang buksan ang pinto. Nagulat ako dahil hindi ito naka-lock na bukod tangi sa mga silid na naririto sa mansion na ito. Kaagad akong pumasok sa loob at ang bar counter kaagad ang una kong pinuntahan. Napakaraming alak ang naririto at lahat sila ay alam kong mamahalin. An