CHAPTER 24: Nursery Room

2165 Words

Diana Lumipas ang ilang linggo. Naalimpungatan ako sa malakas na paggalaw sa loob ng tiyan ko. Napaayos ako nang pagkakahiga at hinaplos ang namimilog ko ng tiyan. Lumingon ako sa wall clock at five thirty pa lang ng madaling araw. Mahimbing pa ring natutulog si Dexter sa tabi ko na ngayon ay nakanganga pa. Halatang napagod na naman siya sa pangangabayo niya kagabi. Natatabunan lang ng puting kumot ang kalahati ng katawan niya habang nakabalot naman ang natitirang bahagi ng kumot sa katawan ko. Nagmistula siyang modelo sa pagkakahiga niya dahil sa napakaganda niyang pangangatawan. Sabog-sabog ang kanyang buhok. Nakataas ang pareho niyang braso sa ulunan niya at bagsak ang mga hita na bahagya pang nakabukaka. Nakabukol sa harapan niya ang alaga niyang walang kamatayan sa pagtigas.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD